Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-51 2011

(GMT+08:00) 2011-07-20 17:52:19       CRI

July 17, 2011 (Sunday)

Congratulations kay Pareng Mulong ng Marinduque at A. Francisco, Manila. Siya ang napili ng Filipino Service na Most Valuable Message Sender of the month. Mabuhay ka , Pareng Mulong. May you have more messages to come.

Sabi ni Lennie ng Name, Lunsod ng Kalookan, lagi daw siyang nakikinig sa Filipino Service at ang paborito niyang mga programa ay Pop China, Mag-aral ng Wikang Tsino, Kaalaman sa Tsina at Gabi ng Musika. Gusto raw niyang subuking sumakay ng speed train from Beijing to Shanghai at pabalik. Iyon daw ang una niyang gagawin pag nakapunta siya ng China.

Beijing-Shanghai Speed Train

Alam niyo, kasisimula pa lang ng operation ng Beijing-Shanghai railway. Hindi ko pa ito nasusubukang sakyan. Iyong Beijing subway train lang ang alam ko at lagi kong sinasakyan. Convenient namang gamitin.

Baka magkaroon ng additional segment ang programang ito. Marami kasing nagtatanong hinggil sa iba't ibang lugar dito sa Tsina, kaya maglalagay kami ng portion na makakapagbigay sa inyo ng bird's eyeview ng lugar dito sa Tsina na kinaiinteresan ninyo at pangarap niyong mapuntahan. Siguro, tatawagin namin itong "Sulyap." Sulyap lang naman.

Kumusta nga pala kayo diyan sa Shunyi, Beijing? Salamat sa inyong messages of concern. Pag hindi pa naman ako tuluyang gumaling niyan, ewan ko na lang, hehehe.

Beijing Subway Train

Salamat din sa inyong get well soon messages, Techie ng Singapore; Rachelle ng Shunyi, Beijing; Janet ng Baclaran, Pasay City; Manuela ng Gachnang, Switzerland; Menchu ng Cebu City; at Alice ng Meycauayan, Bulacan.

Sabi ni Mulong ng Iridium, A. Francisco: "Ka Ramon, narinig ko interview mo kay Congressman Belmonte. Sabi ko na nga ba mahusay siyang mangusap sa Tagalog, e. Atsaka, talagang koboy iyon noon pa."

Sabi naman ni Rachelle ng Shunyi, Beijing, China: "I like your Cooking Show and Gabi ng Musika. Tama sila, mga programang pampasigla at talagang pampamilya—at pang-isports pa!"

Sabi naman ni Techie ng Hin Seng Garden, Singapore: "Hi, Kuya RJ! Kumusta na treatment mo? Dapat makarekober ka fully kasi lagi ka naming ipinagdarasal. Inaabangan namin voice mo sa air lagi-lagi."

Sabi naman ni Precy ng United Paranaque: "Your voice is just as inspiring as your program ang listening to you especially on weekend is a habit that's not easy to break."

Salamat sa inyong mga SMS.

ONE DAY IN YOUR LIFE

(MICHAEL JACKSON)

Narinig ninyo ang walang kasing-lamig na tinig ni Michael Jackson sa awiting "One Day in your life," na hango sa collective album na pinamagatang "The Best of Artists and Groups."

PARADISE

(JOLIN TSAI)

Jolin Tsai at ang awiting "Paradise," na lifted sa album na may pamagat na "You Can Listen and Sing with Us."

Sabi ng 919 333 4131: "Magandang Gabi ng Musika, Kuya RJ! Binabati ko kayong lahat diyan sa Filipino Service sa pagdiriwang ng inyong istasyon ng 70th anniversary. Mabuhay ang China Radio International!"

Sabi naman ng 918 730 8050: "Kuya Mon, nakikinig ako all these days. Maganda signal. Konti lang ang interference. Nakaka-miss voice mo. Naiiwan sa tenga."

Sabi naman ng 917 500 6641: "Madalas gamit ninyo ang katagang 'win-win.' Para sabihin ko sa inyo, ang pakikinig ko sa Serbisyo Filipino ay isang halimbawa ng 'win-win situation.'

Salamat sa inyong text messages.

Gusto kong ipaalala sa inyo at this point na kung kayo ay nagpe-facebook, i-add lamang ninyo ang aming address na crifilipinoservice@gmail.com at maipararating ninyo ang anumang comment o suggestion na meron kayo hinggil sa aming mga programa at makakaugnayan ninyo ang sinuman sa amin dito sa Serbisyo Filipino. Uulitin ko, crifilipinoservice@gmail.com.

>> Pasok sa Blog ni Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>