Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-52 2011

(GMT+08:00) 2011-07-26 16:02:33       CRI

July 24, 2011 (Sunday)

Kung nakikinig si Pareng Mulong, Pareng Mulong ng Iridium, A. Francisco, muling ipinaaabot namin ang aming pagbati sa iyo sa pagkakapili sa iyo ng Serbisyo Filipino bilang "Most Valuable Message Sender" of the month.. Talagang tsampiyon ka, pare. Sana, magpatuloy pa ang pag-uugnayan natin sa darating na mahabang panahon. Mabuhay ka, pare.

Tibetan monks

Binabati ko rin ang Hurricane Band ng Hard Rock Café Beijing. Dumating na pala Dumating na pala iyong lead guitarist nila mula sa Maynila. Kasing husay din ng pinalitan niya. Ganundin kabilis ang daliri sa gitara. Ang gandang humagod sa manggo.

Tibetan antelopes

Sabi ni Cecile ng Marikina, nagustuhan daw niya iyong DVD na ipinadala namin. Maganda raw iyong documentary hinggil sa Tibetan monks, Tibetan antelopes at South China Tigers. Makulay na makulay daw ang mga larawan.

South China Tigers

Sabi ni Dr. George ng Nakar, San Andres, hindi raw dapat palalain ng Administrasyon ni PNoy ang isyu ng South China Sea. Sabi niya, habang maaga daw, dapat ayusin nila ito at makipag-usap sila doon sa mga may kinalamang panig lamang. Hindi daw dapat gawing global ang isyung ito dahil lalo lang tatagal at lalala. Maaapektuhan daw nito ang business interest ng Pilipinas sa China at pati mahabang kasaysayan ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

South China Sea

Salamat sa lahat ng mga kababayan sa Beijing na patuloy na nagtataguyod sa aming pagsasahimpapawid at regular na bumibisita sa aming website. Ang tinutukoy ko ay iyong mga kaibigang Pinoy diyan sa Shunyi at Chaoyang districts. Mabuhay kayo!

Sabi ni Bernie ng Paco, Manila: "Hi kuya Mon! Dapat umiwas tayo sa gulo. Dapat sundin ng mga kinauukulan natin iyong Code of Conduct sa south china sea."

Sabi naman ni Joselito ng Kamias road, Q.C.: "Kuya Ramon Mukhang di malinaw tayo ni Pinoy

sa issue ng spratleys. Nararapat lamang na gumawa siya ng sarili niyang pahayag. Nararapat lamang na lumugar siya sa tamang lugar."

Sabi naman ni Let-Let Alunan ng Germany: "Kumusta na kuya Mhon? Ok ka lang ba diyan? Ikinalulungkot ko ang mga pinaggagawa ng mga kongresista natin. Iyon ay di lamang labag sa

Code of Conduct sa south china sea. Iyon ay labag din sa Code of Ethics."

Salamat sa inyong text messages.

THE WONDER OF XINJIANG

(DAO LANG)

Narinig ninyo si Dao Lang sa awiting "The Wonder of Xinjiang," na lifted sa album na pinamagatang "The First Snow in 2002."

NIGHT TIME ROSE

(PANG LONG)

Iyan naman si Pang Long sa kanyang "Night Time Rose," na buhat sa album na may pamagat na "Two Butterflies."

Sabi ni Mato ng Pandacan, Manila: "Lahat tayo ay magsama-sama sa Gabi ng Musika. Ito ay programang pampasigla para sa madlang masa. Aanhin pa ang iba?"

Sabi naman ni Ronalyn ng Shunyi, Beijing: "Salamat sa Gabi ng Musika mo, kuya Ramon. Kahit papaano, nakakarinig kami ng programang Pilipino sa wikang Filipino at para sa mga Pinoy abroad."

Sabi naman ni Cely ng Chaoyang Dist., Beijing: "Ang Gabi ng Musika ay rekomendado sa lahat ng Pilipino from all walks of life sa loob man o labas ng bansa. Makinig at mag-enjoy kasama si Loving DJ."

Salamat sa inyong SMS.

>> Pasok sa Blog ni Ramon

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>