|
||||||||
|
||
July 31, 2011 (Sunday)
Shanghai
Maraming salamat sa mga bumoto sa aming China City Ranking promotion. Malaking tulong sa amin ang inyong mga boto. Salamat most especially kina Dr. George, Poska at Elisa.
Hong Kong
Sabi ni Dr. George: "Ramon, magandang idea iyang pagsusunud-sunod ng mga lunsod ng tsina. Iyan ay isang paraan para malaman ng mga tao sa buong mundo ang kani-kaniyang katangian ng mga lunsod na Tsino, para kung dadalaw sila sa Tsina, mayroon na silang idea kung ano ang makikita nila rito."
Sabi naman ni Poska ng Poskadot610@hotmail.com: "This city ranking is a good thing. It's not only Beijing, Shanghai, Macau and Hong Kong that matter. There are some other cities that deserve the attention ang interest of potential visitors to China. These votes will determine which ones are attractive to foreign eyes."
Macau
Sabi naman ni Lisa ng elisabornhauser@leunet.ch: "Kuya Mon, kung ako ang tatanungin, gusto kong mapasama ang Xian sa top ten. Nabasa ko ang history nito sa travel book at nagkatimo ito sa akin. Gusto ko ring makita iyong tunay na Terra Cotta warriors. Sana magkaroon ako ng chance na mabisita kahit ilang man lang sa mga city na nakita ko sa inyong website."
Xi'an
Gusto ko ring pasalamatan si Let Let Aluna ng Germany at Caroline ng the Place Beijing. Ang inyong comments at suggestions ay malaking tulong sa pagpapabuti namin ng aming mga programming. God bless you.
Sabi ni Mildred ng Marikina: "Kuya Mon, sama-sama tayong magdasal para sa mg namatay at nasugatan sa train collision na naganap jan a few days ago. Lungkot na lungkot ako pag nakakarinig ng ganyang balita."
Sabi naman ni Lulu ng Beijing, China: "Sa pamamagitan ng popular mong programang Gabi ng Musika, ipinaaabot ko ang pakikiramay ko sa kapamilyahan at mga kaibigan ng mga biktima ng trahedyang naganap sa isang probinsiya ng China. Lord have mercy!"
Sabi naman ni Fely ng Fang Yuan, Beijing: "Rest assured, Kuya Mon, na kasama sa everyday prayer ko ang victims ng train crash sa Wenzhou."
Salamat sa inyong mga mensahe ng pakikiramay.
DISAPPEAR
(NAN QUAN MAMA)
Narinig ninyo ang Nan Quan Mama sa awiting "Disappear," na buhat sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
TWO BUTTERFLIES
(PANG LONG)
Pang Long sa awiting "Two Butterflies," na lifted sa album na may katulad na pamagat.
Sabi ng 928 001 4204: "Serbisyo Filipino, ipinagmamalaki ko kayo. Kapiling ko kayo at kapiling niyo kami sa araw at gabi. Kumusta sa aming super loving DJ."
Sabi naman ng 915 807 5559: "Nananawagan ako sa lahat ng mga texters na makinig lagi-lagi sa mga programa ng CRI Filipino Service. Matututo na kayo, malilibang pa."
Sabi naman ng 906 201 1704: "Kuya Mon, pinupuri ko ang website niyo. It's the only one in the world. Makinis na makinis ang dating."
Thanks sa inyong lovely messages.
Muling ipinapaalala ko sa inyo na kung kayo ay nagpe-facebook, i-add lamang ninyo ang aming address na crifilipinoservice@gmail.com at maipararating ninyo ang anumang comments o suggestions na meron kayo hinggil sa aming mga programming at makakaugnayan din ninyo ang sinuman sa amin dito sa Serbisyo Filipino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |