|
||||||||
|
||
August 7, 2011 (Sunday)
Kumusta sa lahat ng mga kaibigan sa Paco, Pandacan, Sta, Mesa at Ermita. Nakikinig daw sila gabi-gabi at may schedule din daw ang pagbisita nila sa aming website.
Maraming salamat sa inyong pagtangkilik.
Salamat din sa mga kababayan sa Shunyi at Chaoyang districts at sa sumusunod na texters: 135 202 34755, 138 114 09630, 134 263 77760, 134 261 27880 at 136 915 62254.
Chicken with Peanuts and Chili
Sabi ni Maricar ng Ermita, Manila, lagi daw niyang pinakikinggan ang aming transmission sa 7:30 ng gabi. Avid fan daw siya ng inyong lingkod at ng programang Cooking Show. Ang pinaka-nagustuhan daw niyang lutuin sa nabanggit na programa, iyong Cooking Show, ay iyong Chicken with Peanuts and Chili. Ang habol naman daw niya sa programang Gabi ng Musika ay iyong mga SMS. e-mail at snail mail ng mga tagapakinig. Kung makakappunta raw siya ng China, ang unang-unang bibisitahin niya ay ang Tibetan Plateau. Ang paborito raw niyang artistang Chinese ay si Jacky Chan.
Tibetan Plateau
Nagpapabili ng bag si Elisa ng Gachnang, Switzerland. Sabi niya, kahit gawa sa tela basta kulay green at malaki. Pang-araw-araw na gamit daw. Kahit hindi raw branded basta galling sa China.
Jacky Chan
Hintay-hintay ka lang, mare ko. Kukuha lang tayo ng magandang tiyempo.
Sabi ni Jeffy ng Mandaue City, Cebu: "Good P.M. Alam mo kuya, malinaw po ang signal ng CRI d2 sa Mandaue City. Sana mas maging malinaw pa ang inyong signal d2 balang araw para mas marami pang tagapakinig ng mga Cebuano na magsusubaybay sa inyo lalo na sa mga gustong mag-aral ng wikang Tsino through radio broadcast. More powe po sa inyo at salamat."
Salamat din, Jeffy.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Sabi ng 917 483 2281: "Lubog sa tubig bahay namin pero patuloy pa rin pakikinig ko sa Serbisyo Filipino. Nandiyan kasi si idol—si loving DJ."
Sabi naman ng 928 001 4204: "Kuya Ramon, lumalaganap na ang Serbisyo Filipino sa Europe dahil sa inyong website. Alagaan niyo mabuti website niyo. Kami bahala sa advertisements."
Sabi naman ng 918 730 5080: "Hi, Kuya RJ! Kmzta na buhay natin diyan? Okey ba weather-weather diyan? Lagi ninyong ta2ndaan, ang buhay ay weather-weather lang."
Maraming salamat sa inyong mga SMS.
WE DON'T HAVE TO BREAK UP
(THE FLOWER BAND)
Narinig ninyo ang magandang awiting "We Don't Have to Break up," ng The Flower Band. Iyan ay lifted sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."
Ngayon, punta na tayo sa bahaging pinakahihintay niyong lahat, Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
Maraming salamat, super DJ! Binaha ba kayo diyan? Wala talagang pakisama si Bebeng, ano?
WHAT CAN I DO
(NAN QUAN MAMA)
Iyan naman ang awiting "What Can I Do," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng Nan Quan Mama. Ang track na iyan ay hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Sabi ni Aileen ng perfidia909@yahoo.com: "Gusto ko lang pong batiin lahat ng miyembro ng Serbisyo Filipino. Lagi akong nakatutok sa inyo tuwing ika 7:30 ng gabi."
Sabi naman ni Isaac ng threewisemen@yahoo.com: "Magandang Gabi ng Musika, Kuya Mon. Hanga ako sa inyong life's philosophy. Napupulutan ng magandang aral."
Sabi naman ni Carol ng leslie4779@hotmail.com: "Miss ko na mga dating programs mo kung Friday and Saturday. Iba talaga dating ng mga iyon. Long-running talaga. Nagsimula noong 1990's."
Salamat sa inyong mga mensahe.
Gusto kong ulitin at this point na kung meron kayong comment o suggestion na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ipadala lamang ninyo ang inyong mga mensahe sa 921 257 2397 kung sa SMS, o sa Filipino-section@yahoo.com kung sa e-mail o sa crifilipinoservice@gmail.com kung sa facebook.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |