Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-56 2011

(GMT+08:00) 2011-08-24 11:05:59       CRI

August 21, 2011 (Sunday)

Kumusta kay Ian Santos ng Tarlac City. Lagi daw siyang nakikinig sa CRI at ang paborito niya ay Gabi ng Musika atbp. ni Kuya Ramon Jr.

Salamat, Ian. Sana subukin mo ring pakinggan iyong mga iba pa naming programa at sana mapagtuunan mo rin ng pansin ang aming website.

Salamat sa pagpapakita ninyo ng interes at pagbibigay ng suporta sa Shenzhen Universiade 2011. Marami kaming natanggap na mensahe sa message board ng aming website at sa inbox ng aming mobile phone.

Salamat din sa patuloy pang nagpapadala ng mensahe sa aming city ranking. Sana magpatuloy kayo ng pagtunghay sa mga kolum ng aming website.

Meron akong ikukuwento sa inyo.

Naaya ako minsan ng isang kaibigang Mongolian, si Sanduijab, na uminom sa kanyang bahay. Maatagal na niya akong niyayayang tumungga ng paborito niyang Genghis Khan vodka pero hindi niya ako mayaya-yaya. Hindi ko alam kung paano niya ako nahila noong araw na iyon.

Wala naman akong bagay na hindi gusto kay Sanduijab. Takot lang akong malasing.

Maraming karanasan itong si Sanduijab, kaya, habang bumabanat kami ng inom, sige naman siya ng kuwento.

Mt. Everest

Ang unang kuwento niya ay tungkol sa pagpanhik niya sa sa Mt. Everest. Humble naman siya. Sabi niya, hindi raw siya nakarating sa ituktok, pero nakakalahati raw siya. Masaya na rin daw siya sa kanyang achievement.

Natatawa ako sa paraan ng pagkukuwento niya…

Kublai Khan

Pagkatapos, napunta naman ang kuwento niya sa nanay ni Kublai Khan. Sabi niya, ang nanay daw ni Kublai Khan ay Kristiyano. Sa parteng ito medyo naging curious ako lalo na noong banggitin niya ang mga labi ng simbahan sa Zhoukoudian.

Zhoukoudian

Ang Zhoukoudian ang lugar na kinatagpuan ng bantog na Peking Man. Sa isang bahagi nito ay may bundok at sa paanan ng bundok ay may mga labi ng sinaunang simbahan. Nakapunta na ako rito at nakita ko ang sinasabi niyang mga labi, hindi ko lang alam kung sa aling simbahan. Ang mga labing ito raw ay sa simbahan ng Nestorian Sect, isang sekta ng Kristiyanismo sa Tsina.

Noong lumaganap daw ang Nestorian Sect sa Tsina, maraming mga miyembro ng imperial family at nobility ang naging tagasunod nito, kasama na ang nanay ni Kublai Khan, kaya lohikal daw na sabihing Kristiyano ang nanay ni Kublai.

Ang pangalan daw ng simbahan sa Zhoukoudian ay Monastery of the Cross at ito na lang daw ang nalalabing simbahan ng Nestorian Sect sa Tsina.

Meron pang part two ang kuwento kong ito. Itutuloy ko next Sunday.

I'M THE VOICE OF A SUPER GIRL

(SHAO YUCHAN)

Narinig ninyo si Shao Yuchan sa awiting "I'm the Voice of a Super Girl," na buhat sa album na Super Girls' Voice."

HAPPY OATH

(PANG LONG)

Iyan naman si Pang Long sa awiting "Happy Oath," na lifted sa album na may pamagat na "You Are My Rose."

Sabi ni Joan Sy ng Sta. Cruz, Manila: "Shenzhen deserves to be no. 1 in your city ranking. It is young, but it is dynamic."

Sabi naman ni Mitch ng Galas, Quezon City: "Anong balita tungkol sa mga delegates ng Pilipinas? Baka nga puro opisyales iyon!"

Sabi naman ni Mato ng Pandacan, Manila: "Let's all rally behind the 26th Universiade. This is a game of a lifetime and pride of all Asia.!"

Sabi naman ni Rodel ng San Andres, Manila: "Mabuhay ang Universiade Shenzhen 2011. Sama ako ng sampu diyan!"

Salamat sa inyong mga mensaheng SMS!

Ipinapaalala ko sa inyo na ang aming website ay filipino.cri.cn; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; ang telephone no., 921 257 2397; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com.

>> Pasok sa Blog ni Kuya Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>