Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-57 2011

(GMT+08:00) 2011-08-30 14:27:34       CRI

August 28, 2011 (Sunday)

Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Siyempre, kung okey kayo diyan, okey din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala rin kami dito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino.

Salamat sa lahat ng mga nagpadala ng mga mensaheng pambati para sa pagdalaw ni Pangulong Benigno Aquino III sa Tsina.

Darating ng Beijing si Pangulong Noynoy sa ika-30 ng Agosto para sa kanyang opisyal na pagdalaw sa Tsina sa paanyaya ni Pangulong Hu Jintao. Ang kanyang 250-taong entorahe ay kinabibilangan nina Presidential Spokesman Edwin Lacierda, DOTC Secretary Mar Roxas, DFA Secretary Alberto del Rosario, Trade Secretary Gregory Domingo, Energy Secretary Jose Rene Almendras at Finance Secretary Cesar Purisima.

Umaasa kapuwa ang mga mamamayang Pilipino at Tsino na magiging mabunga ang pagdalaw ni Pangulong Aquino lalo pa't may namamagitang tensiyon sa Pilipinas at Tsina dahil sa isyu ng South China Sea.

Good luck, Mr. President.

Ngayong gabi, itutuloy ko ang kuwento ko hinggil sa pag-iinuman namin ng kaibigan kong Mongolian na si Sanduijab. Sana hindi pa ninyo nakakalimutan iyong unang bahagi.

Outer Mongolia

Noong nakaraan, nasabi ko na habang nag-iinuman kami, sige naman ng kuwento si Sanduijab. Naikuwento nga niya iyong tungkol sa pagpanhik niya sa Mt. Everest, iyong pagiging Kristiyano ng nanay ni Kublai Khan at iyong simbahang Kristiyano sa Zhoukoudian na kinatagpuan ng bantog na Peking Man.

Ngayon naman, ikukuwento ko sa inyo kung ano ang nangyari, iyong nangyari sa akin noong malasing na ako. Medyo komedi nang kaunti.

E, di sige nga kami ng pag-inom hanggang sa makalahati namin ang bote ng Genghis Khan Vodka. Iyon, nagsimula nang umikot ang tingin ko. Ito ang ikinakatakot ko sa pag-inom, madali akong malasing.

Tapos, sabi ko, "Sanduijab, solved na'ko. Balik na 'ko sa lungga ko."

Sabi naman niya, "Ano? Alam mo sa amin, sa Mongolia, pag binuksan mo ang bote dapat ubusin mo ang laman!"

Naku poooooo!

Genghis Khan Vodka

Sa wakas, nasaid din ang bote. Kahit itaob mo, walang patak. Nakawala din ako. Halos gumapang ako sa lupa sa kalasingan. Hindi ko alam kung saang direksiyon ako pupunta. Nakalimutan ko pati pangalan ko. Kaya nu'ng masalubong ko ang isang foreigner, tinanong ko: "Hey, what's my name?" Sumagot naman. Sabi, "Your name is Ramon! You live there, not here!" Nakangisi pa.

Pihit ako ngayon. "Sabi ko na nga ba, mali, e." Gapang ako papunta sa doorway ko. Parang ahas.

Kinabukasan, nasalubong ko uli si Sanduijab. Sabi niya, "Hoy, Ramon, hindi ba sabi mo itutuloy natin ngayon ang kuwentuhan? Sabi ko naman sa kanya, "Buwisit! Lumayas ka sa harapan ko!"

Sana mababaw ang kaligayahan niyo ngayong gabi. Alam niyo na ang ibig kong sabihin.

ORANGE- FLAVOR SODA WATER

(NAN QUAN MAMA)

Nan Quan Mama sa kanilang awiting "Orange-flavor Soda Water," na buhat sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

EVERYBODY

(JACKY CHEUNG)

Buhat sa album na pinamagatang "Are You Falling in Love?" iyan ang awiting "Everybody," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jacky Cheung.

Sabi ni May Ann ng University of Santo Tomas: "Kuya Ramon, paganda nang paganda website niyo at parami nang parami mga laman. Sana lumawak pa nang lumawak ang abot ng inyong mga programa sa radyo."

Sabi naman ni Fritz ng Balanga, Bataan: "Kuya Ramon, single antenna at maliit lang gamit kong transistor radio pero tanggap ko pa rin mga programa niyo lalo na Gabi ng Musika. Sana maalala mo 'ko sa inyong batian portion."

Sabi naman ni Elvie ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Ipinagpupugay poh namin ang pagdalaw diyan sa China ni Pangulong Noynoy Aquino. Sana naman makapag-uwi siya ng magandang balita sa kanyang pagbabalik sa Pinas."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

Para sa inyong comments o suggestions na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming facebook ay crifilipinoservice@gmail.com; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; at ang mobile phone, 9212572397.

>> Pasok sa aking blog 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>