Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-58 2011

(GMT+08:00) 2011-09-07 15:55:54       CRI

September 4, 2011 (Sunday)

 

Salamat sa mga sumusunod sa kanilang appreciation sa aming coverage ng pagdalaw ni Pangulong Aquino sa Tsina: Howard ng coco_yo88@yahoo.com; Aileen ng perfidia909@yahoo.com; Isaac ng threewisemen@yahoo.com; Carol ng leslie4779@hotmail.com; Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com; Manuela ng manuelakierrulf@ymail.com; at Poska ng poskadot610@hotmail.com.

 

Si Pangulong Noynoy ay umalis ng Xiamen mga banding 4:59 ng hapon at dumating ng Pilipinas mga banding 7:00 ng gabi. Maraming salamat uli sa lahat ng sumubaybay sa aming coverage.

 

Noong isang araw nagpunta ako sa isang coffee shop sa downtown Beijing kasama si Catherine Watson, isang kaibigang taga-England. Kung napakinggan ninyo iyong episode ng Alam ba Ninyo noong araw na nagtatampok sa Dayi County, tiyak na maaalala ninyo ang pangalang Catherine Watson dahil tinig niya ang narinig sa naturang episode.

Dayi County, Lalawigang Sichuan, Tsina 

 

Makuwento si Catherine. Bago pa lamang kami pumasok ng kapihan ay kuwento na siya nang kuwento. Para nga akong nalango, e. Buti na lang kape lang ang inorder namin, hindi beer.

 

Nagpunta dito sa China si Catherine para magturo ng English language at ang isa sa mga obserbasyon niya ay ang mga batang Tsino daw ay maagang na-e-expose sa English language dahil sa kindergarten pa lang daw ay marami nang foreign teachers. Sa murang gulang pa lang daw ay nakakarinig na sila ng boses ng dayuhan na nagsasalita ng Ingles. Maganda raw ito para sa kanilang English language learning.

 

Alam niyo, itong si Catherine ay unang lumapag sa Shanghai, hindi sa Beijing. Hindi raw niya makakalimutan iyong pangyayaring naligaw ang kanyang mga bagahe kaya hindi siya nakapagpalit ng damit noong mga sumunod na ilang araw. Nagbibirong sinabi niya—nagbibiro lang naman—na ganoon pala sa Shangahai, hindi ka man lang makapagpalit ng damit.

 

Limitadong limitado aniya ang kaalaman niya sa Tsina bago siya nagpunta rito. Maliban daw sa mga Chinese food na natitikman niya sa mga Chinese restaurant na napapasok niya sa England, wala na siyang alam hinggil dito. Kaya nga raw hinangad niyang magpunta sa Tsina, para malutas ang nasa isip niyang misteryong bumabalot dito.

 

Marahil, sabi niya, ang masasabi niyang memorable experience niya dito sa Tsina, sa ngayon, ay ang pagpunta niya sa Tian 'Anmen Square. Matagal na raw niyang pinapangarap na marating ang lugar na ito na madalas niyang nababasa at naririnig.

 

Sabi ko na nga ba mabuti na lang kape ang inorder namin at hindi beer. Sana hahapay-hapay ako ngayon.

 

MU DAN RIVER

(NAN QUAN MAMA)

Mu Dan River, Lalawigang Heilongjiang, Tsina

 

Narinig ninyo ang Nan Quan Mama sa awiting "Mudan River," na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

 

Sabi ni Minda Gertos ng Maynila, sa palagay daw niya, hindi lang siya ang makapagsasabi na heavy ang appeal ng aming programa kung Biyernes. Iba-iba daw ang subject. May seryoso at hindi gaanong seryoso. May nakakatawa at kung minsan pa nga ay corny. Mayroon ding nakakalungkot pero hindi pa naman nakakaiyak. Ang talagang nagkaka-appeal sa akin ay iyong memorable experiences sa China ng mga foreigners na nandiyan.

 

Salamat sa iyong patuloy na pagsubaybay sa aming mga programa, Minda. God bless. 

Zhou Bichang at ang awiting "Miss You So Much," na buhat sa collective album na pinamagatang "Super Girls' Voice."

Super Girls

 

Sabi ng 919 651 1659: "Kuya Ramon, binabati ko kayo sa inyong coverage  ng pagpunta ni Pangulong Noynoy diyan sa Taina. Sana nga matapos na ang problema ng dalawang bansa."

 

Sabi naman ng 920 950 2716: "Sana makatulong sa economy ng Pinas ang pagdalaw ni Pinoy sa China. Halos lahat na ata ng mga kilalang negosyanteng Pilipino kasama niya diyan."

 

Sabi naman ng 917 351 9951: "Ang pagdalaw ni Pinoy sa China ay more on trade and business. Hindi ko alam kung nagawang hilutin nito ang nananamlay na relasyong pulitikal ng dalawang bansa dahil sa isyu ng South China Sea."

 

Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

>> Pasok sa aking Blog

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>