|
||||||||
|
||
September 18, 2011 (Sunday)
Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Siyempre, kung okey kayo diyan, okey din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala din kami dito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, e.
May mga natanggap pa kaming pahabol na mensaheng pang-Mid-Autumn Festival. Salamat sa 919 561 2548, 906 201 1704; 918 730 5080, 921 348 2588, 917 466 2270, 917 500 6411, 920 180 4432, 915 807 5559, 917 512 4205 at 921 577 9195.
Parang sa ating tampok na balita, News of the Week, noong Biyernes, idinaos sa China Radio International ang seremonya ng paggagawad ng 2011 Chinese City Rankings na nasa pagtataguyod ng CRI On-line. Ayon sa boto at rekomendasyon ng web surfers o netizens mula sa iba't ibang panig ng mundo, ang sampung lunsod ng Tsina na may pinakakatangi-tanging kulturang Tsino ay ang Beijing, Chengdu, Xian, Nanjing, Lhasa, Dali, Guangzhou, Guilin, Pingyao at Qingdao.
Beijing
Chengdu
Sa dalawang buwang 2011 Chinese City Ranking program, mahigit 5.76 milyong boto ang natanggap ng CRI On-line sa iba't ibang lengguwahe sa pamamagitan ng SMS at on-line voting.
Xi'an
Nanjing
Bigyang-daan naman natin ang dalawang e-mails.
Sabi ni Estrella Monson ng San Juan, Cabangan, Zambales: "Ang Cooking Show mo ang kinalolokohan ngayon ng mga kasama kong nurse dito sa hospital. Naggu-grupo at nakikinig sila sa iyong pagluluto sa radyo at nili-list down nila ang ingredients at kung paano ang steps para maluto ang iyong choice foods. Karamihan sa kanila ay lousy cooks at lazy cooks; pero, ngayon, parang milagro na naging seryoso sa pagluluto at laging niluluto ang mga Chinese food na ini-introduce mo. Mag-introduce ka pa sana ng iba. Para sa amin, you are the greatest cook of all time."
Lahsa
Sabi naman ni Luzviminda Gertos ng Sta. Ana, Manila: "Enjoy na enjoy kami sa inyong Cooking Show. Para sa akin, ang pakikinig dito at pakikipagluto sa inyo ay isang paraan ng paglilibang at pag-aalis ng tensiyon sa maghapong pagpaparoo't parito pagharap sa kung anu-anong problema. Sa aking opinion, mas mabuti pang makinig sa Cooking Show ninyo kaysa makinig sa mga balita dito na labis na nakakabanas. Diyan sa Cooking Show, nalilibang ka na, natututo ka pa. Don't worry, hindi ko kinakalimutan ang iyong Gabi ng Musika at iba pang programa ng Serbisyo Filipino."
Maraming-maraming salamat sa inyo, Estrella at Luzviminda. Paki-send nga sa amin iyong complete address mo, Estrella.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
I WANT TO SING
(PANG LONG)
Iyan, narinig ninyo ang magandang tinig ni Pang Long sa awiting "I Want to Sing," na lifted sa album na may pamagat na "You Are My Rose."
Sabi ni Antonina Ramirez ng Malabon, Metro Manila: "Malaki ang nagagawa ng inyong Filipino Service sa pagpapalapit ng mga Pilipino at Chinese. Imagine, magkaiba ang government systems ng dalawang bansa pero nagiging malapit sila sa isa't isa. Ang China ngayon ang isa sa mga leading trade partners ng Philippines at ang inyong service ay may role dito sa bagay na ito."
Salamat sa iyo, Nina.
STRANDED
(ZHOU JIELUN)
Zhou Jielun, sa awiting "Stranded," na hango sa album na pinamagatang "Broken Bridge."
Sabi ng 919 426 0570: "Kuya Ramon, pasensiya na, hindi kita nabati noong Mid-Autumn Festival niyo. Sana you had a very wonderful time and had enjoyed your special mooncake."
Sabi naman ng 917 401 3194: "Happy belated Mooncake Festival, Kuya RJ. Before, I enjoyed listening to your Matang Banyaga. Now, it is your Pag-usapan Natin. It's a real fantastic program."
Sabi naman ng 918 730 5080: "Belated Mid-Autumn Festival, Kuya Mon. Hinihintay namin ang iyong "Sulyap," "Q and A," at iba pang segments ng Gabi ng Musika."
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Para sa inyong comments at suggestions na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, Buddy Smart, 921 257 2397.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |