|
||||||||
|
||
September 25, 2011 (Sunday)
Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Siyempre, kung okey kayo diyan, okey din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala din kami dito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, e.
Para sa ating News of the Week…
Idinaos noong nakaraang Huwebes sa Maynila ang Jilin-Philippines Economic and Trade Exchanges at lumagda ang Pilipinas at Tsina sa pitong cooperative projects na may kabuuang halagang 721 milyong dolyares.
Ang naturang mga proyekto ay may kinalaman sa pagtatanim ng hybrid corn and palay, mineral development, grain deep processing, pagkain ng mga hayop, at isang planta para sa pharmaceutical glass production.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng puno ng delegasyon ng Lalawigan ng Jilin, Tsina, na may pagkokomplemento ang kabuhayan ng Jilin at Pilipinas. Tiyak aniya na ibayo pang mapapalawak ng naturang kooperayon ang pagtatamo ng komong kapakinabangan at win-win situation.
Lalagiwang Jilin, sa taglamig
Ang delegasyong bumisita sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit 100 mangangalakal mula sa anim na lunsod ng Lalawigan ng Jilin sa hilagang silangan ng Tsina.
Sa kanyang China impression, sinabi ni Eloisa Quijano ng Beijing na ang bawat bansa ay may kani-kaniyang angking kagandahan kaya hindi daw dapat ikumpara ang isang bansa sa iba. Kung paano niya aniya ipinagmamalaki ang Boracay, Hundred Islands, Chocolate Hills at Banawe Rice Terraces ng Pilipinas, ganoon din naman ang pagmamalaki niya sa Great Wall, Forbidden City, Tian 'Anmen Square, Summer Palace at Temple of Heaven ng Tsina.
Ang talaga aniyang nag-iwan sa kanya ng malalim na malalim na impresyon sa Tsina sa Tsina ay iyong flower arrangements na nakikita niya sa mga garden dito sa Beijing at sa iba pang lugar ng bansa.
Si Eloisa ay kasalukuyang nagtuturo sa Oxford Baby Bilingual Kindergarten School dito sa Beijing.
Tunghayan naman natin ang nakatutuwang snail mail ni Marjorie Torrejos ng Cebu City, Philippines. Sabi ng liham: "Dear Ramon, how is life going on? Sa tingin ko ang lahat ay ayos naman. Tungkol sa akin dito, okay lang. Bising-busy sa trabaho at pag-aaral. Alam mo, natutuwa ako sa pag-uukol mo ng panahon sa pagsulat sa akin. Biruin mo, napakarami mong trabaho diyan sa China at alam ko na hindi lang ako ang sinusulatan mo kundi merong kung ilang libo, pero sinisikap mo pa ring sumulat. You are such a hard-working person. Alam mo, lahat iyan ay may magandang kapalit. Pero magpahinga ka naman paminsan-minsan. Kung sa bagay, you are enjoying it, right? Gusto kong pasalamatan ang inyong himpilan sa pagpapadala sa akin ng mga babasahin. Marami akong nakukuha ditong mahahalagang information about your station and about China. Sumali din ako sa inyong City Rankings at ang choices ko ay Turpan at Qingdao. Thank you nga pala for personally keeping my picture at salamat din doon sa nagsabing maganda ako. So nice to hear na maganda ako. It makes my day bright. Salamat din sa cards at calendar and for the love. Regards sa inyong lahat."
Salamat, Marjorie—Marjorie Torrejos ng Cebu City.
Turpan, Xinjiang, Kanlurang Tsina
Qingdao, Shandong, Silangang Tsina
Narinig ninyo ang Nan Quan Mama sa kanilang awiting "A Song for Chocolate," na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Gusto ko nga palang batiin at pasalamatan si Jeffy Sumilhig ng Mandaue City, Cebu. Sabi niya, inspirado raw siya sa mga katuruan ni Confucius. Noong siya raw ay nasa high school, Confucius daw ang tawag sa kanya ng mga kaeskuwela niya dahil siya lang daw ang "Confucius look alike" sa kanila.
Salamat, Jeffy.
Sabi naman ni Vicky ng Quiapo, Manila: "Hello, Kuya Mhon! Masaya ako tuwing dumarating ang araw ng Gabi ng Musika. Enjoy ako sa iyong mga balita at kuwento at sa mga SMS at email ng mga tagapakinig. Ang gabi ng musika ay bahagi na ng aking regular schedule kung weekend."
Salamat din sa iyo, Vicky. Salamat talaga.
MEETING IN THE MONGOLIAN TENT
(DAO LANG)
Dao Lang sa kanyang awiting "Meeting in the Mongolian Tent," na buhat sa kanyang album na may pamagat na "The First Snow in 2002."
Sabi si Melvin ng Marulas, Bulacan: "Maganda iyong napili ninyong paksa: terorismo. Very relevant iyan. Nobody knows kung kelan aatake ang mga terorista."
Sabi naman ni Mato ng Pandacan, Manila: "Congratulations, Kuya Ramon. Ang dami pala ninyong natanggap na SMS at e-mails ng mga boto para sa inyong City Rankings program. Ibig lang sabihin, interesado ang mga taong malaman ang hinggil sa mga lunsod ng China."
Sabi naman ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Sinundan ko ang inyong City Rankings mula sa botohan hanggang doon sa awards ceremony. Malakas talaga dating ninyo sa mga tao. Mahusay ang promotion ninyo."
Maraming salamat sa inyong mga mensahe.
Para sa inyong comments at suggestions na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn.; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, Buddy Smart, 921 257 2397.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |