Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-62 2011

(GMT+08:00) 2011-10-04 09:03:32       CRI

 October 2, 2011 (Sunday)

Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Kung okey kayo diyan, okey din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala din kami dito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, e.

Buksan natin ang ating munting palatuntunan sa "News of the Week": "Tiangong-1, Matagumpay na Nailunsad."

Blast off ng Tiangong-1 ng Tsina

Noong Huwebes, 9:16 ng gabi, matagumpay na nailunsad ng Tsina ang kauna-unahang space laboratory module nitong Tiangong-1.

Ang naturang paglulunsad ay nabigyan ng full coverage ng iba't ibang dayuhang media groups na kinabibilangan ng The Space News ng Amerika, The Associated Press o AP, Reuters ng Britanya, British Broadcasting Corporation o BBC, Deutsche Press-Agentur o DPA ng Alemanya at iba pa.

Ayon sa naturang mga ahensiya ng pagbabalita, ang matagumpay na paglulunsad ng Tiangong-1 ay isang dakilang resulta ng Tsina, at isa ring bagong pagpapakita ng pagpapalakas ng Tsina ng kanyang kakayahan sa larangan ng siyensiya ng kalawakan.

Positibong pinahalagahan din ang matagumpay na paglulunsad ng Tiangong-1 ng mass media ng Poland, Hapon, Timog Korea, Mexico, Brazil at iba pa.

Para sa mga detalye ng paglulunsad na ito, bisitahin lamang ninyo ang aming website: filipino.cri.cn.

Para naman sa ating "China Impression" sa gabing ito, sinabi ng kababayang si Joy Melendez ng Sanlitun, Beijing na ang Tsina ay isang makulay at kasiya-siyang bisitahing bansa, at ito ay matagumpay sa kabuhayan at kalakalan dahil lahat ng lakas nito ay ibinubuhos sa pagpapaunlad ng mga negosyo at walang inaaksaya ni katiting man sa panghihimasok sa suliraning panloob ng ibang bansa.

Nagpunta si JM sa Tsina noong huling dako ng 1990's at sapul noon, naglalakbay na siya sa iba't ibang lugar ng bansa. Sinabi niya na marami kang magagawa at mapupuntahan dito kaya hindi ka makakaramdam ng pagkabagot, at meron ka aniya ritong sense of security kaya hindi ka mangangamba kung meron kang lugar na pupuntahan. Ito aniya ang dahilan kaya hanggang ngayon ay nandito pa siya.

Si JM ay isang English teacher at kasalukuyang nagtuturo sa isang international school dito sa Beijing.

October 1 Flag-raising Ceremony sa Tian' En Men Square, Beijing

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang liham na padala ni Bro. Felix Pecache ng Methodist Church Manila. Sabi niya: "Mga kapatid, pagpalain nawa kayo ng Panginoon. Ipagpatawad lamang sana ninyo ang matagal kong hindi pagsulat sa inyo. Kahit na hindi nakakarating sa inyo ang laman ng aking panulat, hindi ko naman nakakaligtaan ang obligasyon ko sa inyo tuwing ikapito't kalahati ng gabi. Ang Plaza Miranda ay napupuno na naman ng mga tao. Inaabot ng halos hatinggabi o lampas pa. Ang mga paksa ay relihiyon at pulitika. Minsan ay may nakadebate akong pastor. Nagkamali siya ng hinarap. Hindi niya alam na masugid akong tagapakinig ng Serbisyo Filipino. Siyempre hindi siya mananalo sa akin dahil, sa tagal ng pakikinig ko sa inyong istasyon, mahirap na rin naman nila akong tapatan sa kaalaman ko sa Tsina, lalo na sa contemporary history nito. Sinusubaybayan ko ang inyong mga Balita, Usap-usapan, Kaalamam sa Tsina, Pinoy sa Tsina, Deretsahan, Pag-usapan Natin at weekend programs. Siyanga pala, gustong ipabati ng mga debatista sa Plaza Miranda si kapatid na Ramon. Sila raw ay masugid na tagapakinig ng taong ito na laging abala at walang kasing-sipag. Sana patuloy na maging malakas ang inyong pangangatawan para kami ay lubos na mapagsilbihan."

Maraming salamat, Bro. Felix—Felix Pecache ng Methodist Church Manila.

COWARD

(ZHOU JIELUN)

Narinig ninyo si Zhou Jielun sa kanyang awiting "Coward," na lifted sa kanyang album na pinamagatang "Broken Bridge."

Sabi ni Josephine ng AMA Computer College, "Happy National Day sa inyong lahat, Kuya Ramon! Mas lalo kayong dapat mag-celebrate ngayon dahil naging successful ang launching ng Tiangong-1. Sana madagdagan pa ang oras ng Gabi ng Musika para habang dumarami ang mga bahagi nito, nadadagdagan din ang mga songs na pinatutugtog mo at ang messages na binabasa mo."

Thank you, Josephine, at sa lahat ng mga iba pang nagpadala ng mensaheng pambati para sa Pambansang Araw ng Tsina.

Guang Liang sa awiting "Baby Sister," na hango sa album na may pamagat na "Michael Fairy Tale."

Sabi ni Lily ng B. F. Homes Paranaque, "Hi, Kuya Ramon! Hi din sa lahat ng mga kasama! Lagi akong nakikinig sa Gabi ng Musika at ang masasabi ko lang, dapat lang kitang ipagmalaki dahil magaling na magaling ka sa public relations."

Sabi naman ni Arlene ng Angeles City, Pampanga: "Salamat sa mga dalangin, Kuya Mhon. Umalis na ang bagyong si Pedring."

Sabi naman ni Zeny ng Beijing, China: "Ginagawa mo homework mo, Kuya Mon. Nadadagdagan segments ng Gabi ng Musika."

Sabi naman ni Candy ng Chaoyang District, Beijing, "Holrayt na holrayt edition ng Gabi ng Musika mo last Sunday. Iyan ka, Kuya Mhon, tunay na DJ."

Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.                                                                     

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>