Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-64 2011

(GMT+08:00) 2011-10-19 16:26:03       CRI

October 16, 2011 (Sunday)

Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Kung okey kayo diyan, okey din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, e.

Para sa ating News of the Week, "Paul McCartney, Nag-asawa Namag-uli."

Paul McCartney

Ang popular na singer-songwriter na si Paul McCartney ay ikinasal sa American business executive na si Nancy Shevell sa Marylebone Town Hall ng London halos dalawang linggo na ang nakararaan.

Ayon sa balita, bakas na bakas sa mukha ng ex-Beatle ang kasiyahan nang lumabas ito ng nabanggit na town hall kasama ang kanyang bride makalipas ang ilang minutong simpleng civil ceremony na dinaluhan ng ilang kamag-anakan at malalapit na kaibigan. Dumalo rin sa nasabing seremonya ang dating kasamahan sa Beatles at drummer ng grupo na si Ringo Starr.

The Beatle 

Ito ang ikatlong pagpapakasal ng isa sa dalawa na lamang na natitirang miyembro ng Beatles. Ang una ay noong 1969 kay Linda Eastman na isang American, at ang ikalawa ay noong 2002 kay Heather Mills na isang Irish.

Congratulations, Mr. and Mrs. Paul McCartney…

Sa kanyang China impression, sinabi ni Becky Landicho ng Beijing na ang Tsina ay bagay doon sa peace-loving people dahil ang Tsina raw ay champion pagdating sa katahimikan at kapanatagan. Kung meron ka aniyang nerbiyos, dito sa Tsina tiyak na mawawala. Ito aniya ang dahilan kaya maraming dayuhang negosyante ang nagpupunta rito sa Tsina para magnegosyo. Ang mga negosyante aniya ay naghahanap din ng tahimik na kapaligiran para sa kanilang pangangalakal at ng panatag na kapaligiran para sa kanilang mga pamilya. Sinabi rin ni Becky na karamihan sa mga hotel guest sa hotel na kaniyang tinutugtugan ay mga prospective investor. Lahat sila ay iisa lang ang sinasabi: "China deserves our investments, our investments deserve China."

Si Becky ay isang professional singer at limang taon nang namamalagi dito sa Tsina.

Bigyang-daan naman natin ang e-mail ni Aaron Tiu ng Sta. Mesa, Manila. Sabi ng kanyang sulat: "Hello, Kuya Ramon! Kumusta na kayo diyan sa CRI? Sa tingin ko, ang Pambansang Araw ng Tsina ngayong taon ay espesyal. Tiyak kong maligaya ang buong sambayanang Tsino sa tagumpay ng paglo-launch ng Tiangong-1 sa kalawakan bago mag-October 1. Pagkaraan ng isang linggo, ginunita naman ang ika-100 taong anibersaryo ng matagumpay na Xinhai Revolution noong 1911. Ipinagbunyi ng mga Tsino sa magkabilang pampang ng Taiwan Straits ang pagpapatalsik sa mapanupil na Imperyong Qing at nagbukas ng bagong kabanata sa kasaysayan ng Tsina. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa mga marinong Tsino na napatay ng mga pirata sa Mekong River. Taos-pusong nakikiramay kaming lahat sa Pilipinas."

Maraming salamat sa e-mail mo, Aaron. Maganda pagkakasulat.

KEEP ON LOVING

(ANDY LAU)

Narinig ninyo si Andy Lau sa awiting "Keep on Loving," na lifted sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

Sabi ni Vicky ng Quiapo, Manila: "Kuya Ramon, nakikinig ako sa inyong mga programa habang nagbabantay ng puwesto ko sa palengke dito sa Quiapo. Hindi ko alam kung bakit parang automatic na binubuksan ko ang transistor radio ko pagdating ng 7:30 ng gabi. Hindi ko makakalimutan iyong gabing binasa mo ang sulat ko sa iyo. Tuwang-tuwa ako noong araw na iyon. Narinig din iyon ng mga kaibigan ko sa palengke. Sana madagdagan pa oras ninyo para mas humaba kuwento mo tungkol sa buhay mo diyan sa China at mas marami ka pang mabasang mga sulat. More power sa Serbisyo Filipino ng CRI."

Thank you so much, Vicky.

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang pinakahihintay ninyong lahat, Balitang Artista.

WHERE COMES THE CAMEL TROUPE

(DAO LANG)

Dao Lang, sa kanyang awiting "Where Comes the Camel Troupe," na buhat sa album na may pamagat na "The First Snow in 2002."

Meron tayong mga SMS.

Sabi ng 928 654 5211: "Kuya Ramon, maganda talk show ninyo kung Friday. Marami ngayong isyu sa palipaligid, kaya, marami kayong mapag-uusapan."

Sabi naman ng 910 879 7733: "Pinapagpraktisan kong lutuin mga Chinese recipes ninyo. So far so good naman.Siguro, magiging culinary expert din ako pagdating ng araw at iyan ay utang ko sa Serbisyo Filipino."

Sabi naman ng 917 554 4110: "Patuloy pa rin sa pagtaas ang tubig sa Thailand. Parang hindi ata mapigil. Akala ko grabe na ang nangyari sa Pinas. Mas grabe pa pala sa Thailand. Dagdagan na lang natin ang ating pagdarasal."

Sabi naman ng 919 435 7021: "Mabuhay ang CRI Filipino Service! Lagi kong pinakikinggan at malinaw kong naririnig ang inyong mga programa. Magandang-maganda rin ang inyong website."

Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>