|
||||||||
|
||
October 23, 2011 (Sunday)
Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Kung okey kayo diyan, okey din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala din kami dito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, e.
Para sa ating News of the Week, "Ika-8 China-Asean Expo at China-Asean Business and Investment Summit," binuksan.
Binuksan noong Biyernes ng umaga sa Nanning, Guangxi ang Ika-8 China-Asean Expo o CAEXPO at Ika-8 China-Asean Business and Investment Summit. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Premyer Wen Jiabao ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng nabanggit na summit, ipinahayag ni Premyer Wen na dapat pasulungin ng Tsina't Asean ang kanilang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan sa isang bagong antas.
Nanning, Guangxi, China
Sinabi ni Wen na ang kasalukuyang taon ay taon ng pangkaibigang pagpapalitan ng Tsina at Asean at ika-20 anibersaryo rin ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng kapuwa panig. May mahalagang katuturan aniya ang tema ng kasalukuyang summit na "Pagpapalalim ng Kooperasyong Panrehiyon, Pagsasakatuparan ng Komong Kasaganaan."
Inulit din ng Premyer Tsino na buong tatag na nananangan ang kanilang pamahalaan sa patakarang diplomatiko ng pagpapatibay ng estratehikong partnership nila ng Asean tungo sa kapayapaan at kasaganaan at pagpapasulong ng komprehensibong kooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan at win-win result.
Sa kaniyang China impression, sinabi ni Annie Lim ng Bangkal, Makati, na ang development ng China ay katotohanan na hindi maitatago. Kahit na raw iyong mga hindi pa nakakarating ng China, nakakagamit ng China-made products at alam ng mga ito na bumabaha ng Chinese products sa lahat ng mga pangunahing lunsod ng daigdig. Iyan lang, aniya, ay malinaw nang ebidensiya kung gaano kalaki ang volume ng Chinese products. Sabi pa ni Annie, maraming produkto ang Tsina na very competitive sa world market dahil mababa na ang presyo, talagang export quality pa. Ang Tsina, aniya, ay hindi lamang nagse-set ng example para sa mga umuunlad na bansa; ito pa mismo ang tumutulong sa mga umuunlad na bansa para makakawala sa mga kahirapang pangkabuhayan.
Bigyang-daan naman natin ang maiikling e-mail nina Divine Garcia ng Congressional Road, Quezon City at Dr. George ng San Andres.
Sabi ni Divine: "Hi, Kuya Ramon! Kumusta kayo diyan sa Filipino Service? Napakinggan ko ang mga nagdaang episodes ng inyong pag-usapan natin. Tawa ako nang tawa kasi meron pa kayong pakanta-kanta at marami kayong jokes ng mga lakay mo. Nagustuhan ko iyong mga episodes na tumutukoy sa tinatawag niyong fair ladies at iyong kay Steve Jobs na tinaguriang ama ng Apple. Sana magkaroon kami ng chance na maka-join sa inyong usapan."
Sabi naman ni Dr. George ng San Andres, Manila: "Kaibigang Ramon, ipinaaabot ko ang aking pangungumusta sa inyong lahat diyan. Pinakikinggan ko ang inyong 'Pag-usapan Natin' sa inyong web radio. Mas maganda kung ang mapipili niyong subject ay iyong pang-masa. Mas malaki kasi ang audience kung pang-masa ang paksa. Maganda rin ang inyong website. Ang puna ko lang, may pagka-complicated. Hindi madaling ma-access ang mga column lalo na iyong mga hidden. Rest assured na lagi akong aantabay sa inyong mga programa sa radyo at sa inyong website."
MERCILESS BETRAYAL
(PANG LONG)
Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Pang Long sa awiting "Merciless Betrayal," na hango sa album na may pamagat na "Two Butterflies."
Sabi ni Kate Ventura ng Paco, Manila: "Magandang makinig sa inyong mga programa kung gabi kasi laging malakas ang signal. Madalas ay 4-3-4 ang quality at para ka lang nakikinig sa domestic service. Lagi kaming nakatutok sa inyong mga programa, lalo na sa 'Pag-usapan Natin' at 'Pop China.' Sa ngayon, nakaantabay kami sa pagbabalik ng inyong 'Cooking Show.' ''
Salamat, Kate.
Iyan si Chen Jia Qi sa kanyang awiting "Embrace of Joy," na lifted sa collective album na may pamagat na "Super Girls' Voice."
Chen Jia Qi
Sabi ng 906 201 1709: "Kuya Ramon, karamihan sa mga biktima ng bagyo't baha dito sa atin ay hindi pa nakakabangon financially mula sa destruction. Sa ating pagdarasal para sa ating bansa, idamay na rin natin ang Thailand at El Salvador."
Sabi naman ng 928 642 9970: "Kuya RJ, iyong padala mong regalo pinagpipistahan ngayon ng mga kaibigan ko. Sabi ko, sumulat na lang sila sayo kung gusto nila ng ganun. Many, many thanks, Kuya RJ."
Sabi naman ng 928 649 8832: "Kuya Ramon, your words are encouraging. Sana hindi ka magsawa ng pakikinig sa aming mga problema at pagbibigay ng payo."
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS. Sige lang, isulat lang ninyo ang inyong mga naiisip at nararamdaman. Pag-usapan natin.
Para sa inyong mga reaction, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 921 257 2397.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |