Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-66 2011

(GMT+08:00) 2011-11-01 19:09:02       CRI

October 30, 2011 (Sunday)

Ngayong gabi, wala tayong News of the Week. Sa halip, bibigyang-daan natin ang maikling artikulo na sinulat ni Tino Nakpil ng Malolos, Bulacan para sa Serbisyo Filipino.. Sabi ng artikulo: "Habang nagtatalunan sa saya ang mga Libyano pagkaraang lumabas ang balitang patay na si Muammar Gadhafi, ang sagot sa katanungang kung paano siya talagang namatay ay nananatili pa ring malabo.

Muammar Gadhafi

Isang bagay lang ang may katiyakan at ito ay siya ay buhay nang kunin ng mga tauhan ng NTC sa Sirte.

Ipinakikita ng mga magkasalungat na balita na kung siya ay hindi naipit sa crossfire o namatay sa naunang tinamong sugat, siya ay binaril nang malapitan.

Libya after the revolution

Makikita sa isang mobile phone video na si Gadhafi ay bugbog-sarado sa mga armadong tauhan ng NTC. Makikita rin sa naturang video na siya ay hinihila mula sa hood ng isang trak sa pamamagitan ng kanyang buhok.

Ang nagsasabi lang na namatay si Gadhafi sa crossfire ay iyong mga opisyal ng NTC. Pero, isa ring opisyal ng NTC ang nagsabi na malakas ang daloy ng dugo sa tiyan ni Gadhafi. Natagalan sila sa paghahatid sa kanya sa ospital at namatay siya dahil sa sobrang dami ng dugo na nawala sa kanyang katawan.

Dapat imbestigahan ng UN Human Rights Commission ang kasong ito, at habang wala pang naisasagawang imbestigasyon, hindi ako makukumbinsi na si Gadhafi ay namatay sa crossfire."

Salamat sa iyong artikulo, Tino. Maganda ang pagkakasulat. Maganda talaga. Sana magpatuloy ka pa ng pagpapadala ng mga artikulo sa amin.

Sa kanyang China impression, sinabi ni Sarah Samudio ng Maynila na ang China ay isang bansang may gobyernong nagmamalasakit sa kanilang local industries. Kahit saan mo idako ang iyong paningin sa Pilipinas o saan mang bansa, hindi maaring hindi ka makakita ng mga produktong mula sa China. Sa Maynila na lang, lalo na sa downtown, marami kang makikitang mga prutas na mula sa China; DVD players, radio sets, recorders, speakers at microphones na made in China; mga panyo, sapatos, medyas at kasuotan na made in China, at iba pa. Aniya, dapat matuto tayo sa China. Dapat paunlarin din natin ang ating local industries.

Si Sarah ay kumukuha ng computer science sa AMA Computer College sa Guadalupe at matagal nang nakikinig sa Serbisyo Filipino.

Bigyang-daan naman natin ang snail mail ni Mary Anne Chua ng Baclaran, Metro Manila.

Sabi ng liham: "Dear Seksiyong Filipino Family, kumusta ang paborito kong language service? Siguradong busy na busy kayo sa inyong mga balita at mga programa lalo na ngayong maraming happenings sa mundo. Marami kayong mapupulot na balita. Lagi-lagi ang pakikinig ko sa inyong Tagalog Programs: Balita at Usap-usapan, Kaalaman sa Tsina, Paglalakbay sa Tsina, mga Pinoy sa Tsina at weekend programs. Kahit paunti-unti ay nagkakaroon ako ng kaalaman hinggil sa inyong mayamang kultura. Salamat sa pagkakaloob ninyo ng ganitong serbisyo sa amin. Alam niyo, sa ating pagsusulatan, puwede rin tayong magpalitan ng mga cultural information kung inyong gugustuhin. Meron din kasi akong compilation ng materials tungkol sa history and culture namin. Naka-enclose dito ang entry ko sa inyong Paligsahang Pangkaalaman. Alam ko na marami sa mga sagot ko ay tama. Kung may made-detect kayong mali, magpapadala uli ako ng ibang entry. Okey lang naman sa inyo, di ba? Alam ko na maganda ang layunin ninyo sa paglulunsad ng ganitong knowledge contest. Sana maging successful kayo rito. Gusto ko sanang humingi ng additional information hinggil sa bamboo dress na nai-feature ninyo once sa inyong program. Mas maganda sana kung may pictures ng models na nakasuot ng mga damit na gawa sa bamboo fabrics. Thank you sa mga padala ninyong souvenir items mga kopya ng Beijing Review. I really appreciate them. Stay as sweet as you are. Bye!"

Thank you, Mary Anne. Ang sweet naman ng sulat mo…

TOUCH THE NIGHT

(NAN QUAN MAMA)

Narinig ninyo ang Nan Quan Mama sa kanilang awiting "Touch the Night," na lifted sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Sabi ni George Aragon ng San Andres: "Gusto kong i-express ang admiration ko sa inyo sa pagdadala ninyo ng inyong programs these days. I notice na you are getting more and more professional. Actually, I go more for your day-to-day life highlights, kasi they are less boring. Except in some special circumstances, hindi ako gaanong nakikinig sa inyong mga high profile interviews. In particular, nagustuhan ko ang inyong highlights hinggil sa Mongolian vodka, nightlife ng mga Chinese at mooncake comedy."

Happy birthday kay Jeffy Sumilhig ng Mandaue City, Cebu. How did you celebrate your birthday? May party ba? Sana nag-enjoy ka noong araw na iyon.

AN ANGEL WILL LOVE YOU FOR ME

(LIN HAO WEI)

Lin Hao Wei sa awiting "An Angel Will Love You for Me," na hango sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

May mga SMS tayo.

Sabi ng 917 351 9951: "Binabati ko kayo, especially iyong mga Pilipinong negosyante sa matagumpay na pagdaraos ng CAEXPO. More power!"

Sabi naman ng 919 651 1659: "Salamat sa CAEXPO, nagkaroon tayo ng chance na maipakita sa mundo ang kagandahan ng Puerto Princesa. Ang Puerto Princesa ng Palawan ay tunay na charming city.

Sabi naman ng 920 950 2716: "Nasisiguro ko na tulad sa mga nagdaang CAEXPO, sold out ang mga panindang Pilipino sa katatapos na expo at pihado ring maraming naisarang kontrata."

Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

>> Pasok sa aking blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>