|
||||||||
|
||
November 6, 2011 (Sunday)
Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Kung okey kayo diyan, okey din kami dito; at kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, e.
Para sa ating News of the Week, "Simposiyum ng Tsina't Asean para sa pagpawi sa kahirapan, idinaos."
Noong Miyerkules at Huwebes, idinaos sa Nanning, punong-lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina ang "Simposiyum ng Tsina't Asean para Mapawi ang Kahirapan sa Pamamagitan ng Kooperasyong Panturismo."
ASEAN at Tsina
Ayon sa salaysay, pinaplano ng Tsina't Asean na magsagawa ng kooperasyong panturismo para mahikayat ang pagpasok ng pribadong pondo sa industriya ng turismo at magalugad ang yamang-panturismo sa rehiyong ito para mapawi ang kahirapan.
Ang pag-unlad ng industriya ng turismo ay hindi lamang magpapasulong sa hanapbuhay, sa pagpapalitan sa pagitan ng mga lugar, at sa pag-unlad ng iba pang mga may-kinalamang industriya, kundi makakatulong din nang malaki sa pagpawi sa kahirapan sa lokalidad.
Isinalaysay ng mga kalahok na dalubhasa na dahil liblib ang mga mahirap na lugar at hindi kombinyente ang komunikasyon, nananatiling buo ang mga likas na tanawin at kapaligirang ekolohikal doon, kaya may mas mahalagang yamang-panturismo ang naturang mga lugar.
Sinabi ni Oudeth Suyannayong, pangalawang tagapangulo ng Asosasyon ng Turismo ng Asean, na nakapagtamo ng malaking progreso ang kooperasyong panturismo ng Tsina't Asean at maliwanag na ang direksiyon ng pag-unlad ng mga komong estratehikong suliranin ng dalawang panig. Bukod dito, buong-sikap na isasakatuparan din ng kanyang asosasyon ang Millenium Development Goals o MDG ng UN sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng industriya ng turismo.
Sinabi naman ni Apichai Sakulsureeyadej, tagapangulo ng Asosasyon ng Siyensiya, Teknolohiya at Turismo ng Thailand, na ang Tsina ay magiging ika-2 pinakamalaking pamilihang panturismo sa daigdig sa darating na sampung taon, at para sa kanyang bansa, ang Tsina ang pinakamahalagang pamilihang panturismo.
Sinabi pa niya na dapat pahigpitin ng Tsina at mga bansang Asean ang kooperasyong panturismo para makalikha ng mas maraming pagkakataon sa trabaho sa rehiyong ito at maisakatuparan nang mas mabuti ang target ng pagpawi sa kahirapan.
Ngayong gabi, wala tayong China Impression. Sa halip, bibigyang-daan natin ang mga snail mail ng dalawang masugid na tagasubaybay ng Serbisyo Filipino.
Sabi nil Lucas Baclagon ng Jeddah, Saudi Arabia: "Hellow, Pareng Ramon! Kumusta kayo diyan? Alam mo, pare, dito sa Saudi, halos lahat kami nababato. Naho-homesick. Ang isa sa mga ginagawa lang naming para maiwasan ang mabato ay magluto. Dito namin nililibang ang aming mga sarili. Kaya malaking bagay sa amin ang inyong Cooking Show dahil natututo kami ng iba't ibang luto, at alam niyo naman, maraming masasarap na Chinese food. Nabibili din naman dito ang halos lahat ng ingredients ng niluluto ninyong pagkain. Talaga palang napakaraming lutuing Tsino. Mayamang-mayaman talaga ang kultura ng Tsina. Lagi rin kaming nakaantabay sa inyong programang Pag-usapan Natin. Maganda rin naman iyong napagdidiskusyonan ninyo iyong mga currents issues. Sana, sa susunod, matalakay din ninyo ang mga kalagayan naming OFW's. Sa susunod, magbabalita rin ako ng hinggil sa mga happenings dito. Belated Happy Halloween na lang sa inyo."
Maraming salamat sa sulat mo, Lucas. Parang matagal ka atang nawala sa sirkulasyon, a. Ano ba'ng nangyari?
Sabi naman ng sulat ni Arlene Reyes ng Cainta, Rizal: "Hi! Kumusta kayo diyan? Kumusta ang inyong All Saints' Day? Maayos naman ang kalagayan namin dito. Ako ay patuloy sa aking misyon bilang isang estudyante. Paminsan-minsan, kung may chance, nagtatrabaho din on the side. Siyanga pala, gusto kong iulat sa inyo na nitong nagdaang dalawang buwan, ang inyong signal sa 11.700 MgHz , sa 7: 30 P. M., ay napakalinaw at lalong naging enjoyable ang pakikinig ko sa inyong mag-aral ng wikang Tsino. Itong bahaging ito ng inyong pagsasahimpapawid ang pinakagusto ko. Alam ko na pag natuto ako ng inyong wika, kung susubukin kong mag-aplay ng trabaho sa mga Chinese company dito sa Maynila, malaki ang chance ko na matanggap. Sana, huwag ninyong alisin ang programang ito na alam kong kinagigiliwan ng marami at talaga namang magagamit pagdating ng araw.
Impressed ako sa halos lahat ng mga topic ninyo sa Pag-usapan Natin. Hindi ko rin siyempre maaring kalimutan ang inyong Gabi ng Musika at Pop China. Maaring makalimutan ko ang pakikinig sa ibang araw pero hindi kung Biyernes, Sabado't Linggo. Red letter days ang mga ito sa akin.
Ang mga produktong made in P. R. O. C. ay matatagpuan ngayon sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Maski na sa Amerika at Europa ganun din . Sa tingin ko, ilang panahon na lang at tatanghalin din ang China na giant sa trade and commerce. I wish you the best.
Ipinaaabot ko ang aking warm hello kay Ramon Jr. at sa mga iba pa niyang kasamahan na gumagawa ng programa para sa amin. Ang gagaling nilang lahat.
Salamat sa mga regalong alaala mula sa inyong istasyon.
Thank you, Arlene. Siguradong matutuwa ang Chinese language teachers namin sa iyong remarks.
UNFORGETTABLE
(NAT KING COLE AND NATALIE COLE)
Iyan si Nat King Cole at ang kanyang anak na si Natalie sa awiting "Unforgettable," na lifted sa collective album na may pamagat na "Closer: When Pop Meets Jazz."
Sabi ni Naila Feria ng San Juan, Metro Manila, ina-appreciate daw niya ang patuloy na pagbabago ng format ng Gabi ng Musika. Sana raw madagdagan ang oras para sa mga liham at SMS ng mga tagapakinig at sa mga kuwento ko hinggil sa mga karanasan ko rito sa China. Marami raw kasing nagtatanong sa kanya hinggil sa buhay ko rito at buhay ng mga Chinese pag bumibiyahe siya sa iba't ibang probinsiya.
Salamat sa iyong concern, Naila. Usap tayo sa telephone pagbalik mo, ha?
LOTUS'S BROTHER-IN-LAW
(WANG RONG)
Wang Rong sa awiting "Lotus's Brother-in-law," na hango sa album na may pamagat na "You Can Listen and Sing with Us."
Bigyang-daan naman natin ang ilang SMS.
Sabi ng 921 827 3323: "Kumusta, Kuya Ramon! How did you observe All Saints' Day and All Souls' Day? As usual, nakipagsiksikan kami sa makapal na tao sa sementeryo."
Sabi naman ng 910 011 8819: "Belated happy Halloween, Kuya Mon! November 1 din ba ang Araw ng mga Patay diyan sa Beijing? Saan ka nagtirik ng kandila?"
Sabi naman ng 915 708 9585: "Hi, Kuya Ramon! Lagi kong pinakikinggan ang programa niyong Pag-usapan Natin. Sana pag-usapan naman ninyo ang tungkol sa mga isyung pang-kababaihan na tulad ng women slavery."
Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 921 257 2397.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |