Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-68 2011

(GMT+08:00) 2011-11-17 16:57:24       CRI

November 13, 2011 (Sunday)

Inaanyayahan namin kayong lahat na makibahagi sa espesyal na pahina ng aming website hinggil sa Pasko. Maari kayong magpadala ng kuwento, tula, mensahe, video o

o kuhang-larawan na may kinalaman sa pagdiriwang ng Pasko at ang mga ito ay ilalathala namin sa nabanggit kong pahina. Ipadala ang inyong mga contribution sa aming e-mail address na filipino_section@yahoo.com. May naghihintay na aginaldo para doon sa lahat ng makakapagpadala ng kanilang contribution.

Bigyang-daan natin ang e-mail ni Sixto Pagadian ng Lumban, Laguna. Sabi ng kanyang liham: "Dear Filipino Service, kumusta na kayo? Alam niyo, if you ask me, hindi ako palo sa pagpe-pressure ng ibang bansa para i-revalue ng China ang yuan. Looks like parang sobra na itong pakikialam sa affairs ng ibang bansa. Ang China lang ang nakakaalam kung dapat i-revalue ang yuan o hindi. Kumbinsido ako na ang China ay nananatili sa tamang direksiyon nitong nagdaang dekada, kaya dumaranas ito ng malaking pag-unlad at pagbabago. I am following very closely ang inyong 'Pag-usapan Natin.' at natutuwa ako sa mga pinag-uusapan ninyong issues at personalities. Narinig kong pinag-usapan ninyo si Yao Ming, si Steve Jobs, ang Beijing Opera, fair ladies, at iba pa. Gusto ko rin ang inyong 'Kaalaman sa Tsina.' Nalalaman namin ang mga bagay na may kinalaman sa kultura at kasaysayan ng Tsina. The same goes with your 'Gabi ng Musika' at iba pang mga programa. Sana magpatugtog naman si Kuya Ramon Jr. ng mga selection ng the Beatles. Ito ang pinakapaborito kung grupong 60's and 70's. Thank you so much and God bless."

Dollar and Yuan RMB

Salamat, Sixto. Sulat ka uli, ha? Kuwentuhan mo naman kami ng mga happening diyan sa inyo, sa Lumban.

Punta naman tayo sa snail mail ni Vicky Santos ng Quinta Market, Quiapo, Manila.

Sabi niya: "Dear friends, kumusta na kayo? Happy 70th anniversary sa inyong himpilan.

Sana maligaya kayo sa mga sandaling binubuksan ninyo ang sobreng ito. Binabati ko kayo sa pagkakaroon ninyo ng Tree Planting Program. Sa ibinigay ninyong estimasyon, umaabot na sa milyong ektarya ang lawak ng saklaw ng lupang natatamnan ng punungkahoy. Mukhang talagang napaka-epektibo ng inyong reforestation program. Sa tingin ko, nangyayari lamang ito dahil sa mahusay na pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa gobyerno. Ayon sa inyong pinakahuling ulat, ang sandstorm na palagian nang phenomenon sa maraming lugar ng inyong bansa ay nabawasan at ang dahilan na itinuturo ng mga meteorologist ay ang mga itinanim na puno. Kung minsan kinalilibangan ko rin ang mga kuwento ninyo tungkol sa mga naging buhay ng mga dayuhan diyan sa tsina. Ang magandang halimbawa ay ang buhay nina Kathleen at Sabriye. Ang dalawa ay parehong teacher. Ang pagkakaiba lang, si Kathleen ay nakakakita samantalang si Sabriye ay bulag. Sa kanilang munting paraan, sila ay nakagawa ng bagay na kapuri-puri at dapat ipagmalaki ng kanilang mga kababayan.

Talagang inaabangan ko ang programa ninyo tungkol sa buhay-buhay ng ibang lahi diyan sa Tsina at buhay-buhay ng inyong mga tagapakinig dahil natututo ako sa kanilang mga karanasan. Alam ko na laging nakabukas ang pintuan ng inyong himpilan sa mga sulat ko,at lagi namang nakabukas ang puso ko sa inyong mga programa. Salamat sa pagbibigay-daan ninyo sa sulat kong ito. P. S., abala kami ngayon sa paggawa ng mga parol para sa nalalapit na Kapaskuhan."

Salamat, Vicky. Talagang ang sipag mong sumulat, ah. Regards sa lahat ng mga kaibigan diyan sa palengke ng Quiapo, ha?

PARADISE

(JOLIN TSAI)

Narinig ninyo si Jolin Tsai sa kanyang awiting "Paradise," na lifted sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us.

Sabi ni Dr. George ng George_Medina56@yahoo.com: "Napakinggan ko ang inyong 'Pag-usapan Natin' at kung ako ang inyong tatanungin, sa palagay ko, hindi lohikal na ipagsapalaran ng Tsina ang kanyang dollar reserve para tulungan ang mga bansang Europeo na bayaran ang kanilang sovereign debt. Sa tingin ko ang pinakamagandang magagawa ng Tsina ay mag-contribute nang malaki sa lending institutions na tulad ng IMF at WB at hayaan ang mga institusyong ito na magpautang sa mga nangangailangang bansa."

Maraming salamat, Dr. George. May point kayo diyan.

KNOCKIN' ON HEAVEN'S DOOR

(AVRIL LAVIGNE)

Avril Lavigne sa kanyang sariling version ng awiting "Knockin' on Heaven's Door," na lifted sa album na may pamagat na "My World."

Bigyang-daan natin ang ilang mensaheng pambati para sa ika-70 anibersaryo ng CRI.

Sabi ng 917 401 3194: "Maligayang bati sa CRI sa pagdiriwang ng 70th anniversary nito! Malayo na rin ang narating ng istasyon sapul noong unang makinig ako rito."

Sabi naman ng 919 426 0570: "Happy anniversary, CRI! May you have more power to continue serving your Filipino audience here and abroad."

Sabi naman ng 917 351 9951: "Greetings, greetings, greetings to China Radio International! May God bless you with more successes."

Sabi naman ng 919 651 1659: "Kuya Ramon, gusto kong iparating ang bati ko sa inyong istasyon. Alam ko na magdiriwang ito ng 70th founding anniversary. Ito ang tunay na istasyon ng mga Pinoy abroad."

Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

>> Pasok sa Ramon's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>