Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-69 2011

(GMT+08:00) 2011-11-23 12:01:17       CRI

November 20, 2011 (Sunday)

 

Inaanyayahan namin kayong lahat na makibahagi sa espesyal na pahina ng aming website hinggil sa Pasko. Maari kayong magpadala ng kuwento, tula, mensahe, video o kuhang-larawan na may kinalaman sa pagdiriwang ng Araw ng Pasko at ang mga ito ay ilalathala namin sa nabanggit na pahina. Ipadala ang inyong mga contribution sa aming e-mail address na filipino_section@yahoo.com. May naghihintay na aginaldo para doon sa mga makakapagpadala ng contribution.

Bigyang-daan natin ang e-mail ni Jose Escobar ng Letran College at snail mail ni Mrs. Mercedes Javier ng Kapitolyo, Pasig.

Sabi ni Jose: "Dear Friends, ako si Jose Escobar, nag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran.

Ngayong taon ko lamang nasumpungan ang inyong transmission na nahahati sa apat na bahagi: Balita, Usap-usapan sa Tsina, Special Features at Mag-aral Magsalita ng Wikang Tsino. Gusto ko sanang i-request na talakayin naman ninyo sa inyong Pag-usapan Natin ang hinggil sa sigarilyo at paninigarilyo— parang something to the effect na ang tobacco o cigarette business ay isang false economy. Sa tingin ko, napapanahon ang topic na ito dahil, dito lamang sa school namin, maraming estudyante ang naninigarilyo. Alam niyo, sa Filipino students, ang paninigarilyo ay hindi lamang isang bisyo kundi isa ring pamporma at pagpapa-class. Bihira kayong makakita ng estudyanteng naninigarilyo ng "Hope," "Champion," o "Winston," kasi nga, ang mga brand na ito ay walang "class" sa kanila, kaya naman ang kanilang mga allowance ay sa sigarilyo lang napupunta. Ang negative effect na ito ay sa budget pa lamang at hindi pa kasama ang sa health at sa environment. Ako nga pala ay nasa 4th year sa Law College. Nakalimang taon na ako sa pre-law kaya mga apat na taon pa ang bubunuin ko. Meron din kayong broadcast sa English kasabay ng inyong eight o'clock Filipino Service transmission, pero mas enjoy pa ako sa inyong service. Binabati ko kayo at ang inyong istasyon sa pagdiriwang ninyo ng 70th founding anniversary. Mabuhay and best wishes. Wow, medyo nauubusan na ako ng kuwento. Till next time."

Thank you so much, Jose. Welcome sa Filipino Section family. Sana hindi ka magsawa ng pagsulat at pakikinig sa akin.

Ate Andrea

Sabi naman ni Mrs. Mercedes Javier, "Dear Ramon, maligayang ika-70 anibersaryo sa China Radio International at mabuhay sa Serbisyo Filipino. Regular akong nakikinig sa inyong transmission tuwing 7:30 ng gabi sa 12.110 mghz. Pinakikinggan ko lahat ng mga programa ninyo, pero ang pinakapaborito ko ay ang Cooking Show. Marami akong natututuhan sa programang ito. Pati history ng niluluto ninyong pagkain nalalaman ko. Kaya, nalilibang na ako, natututo pa at napapatikim ko pa ng masasarap na Chinese food ang asawa ko't mga anak. Salamat sa mga padala mong recipe ng Chinese food na may kasama pang regalo. Ang bait-bait mo talaga sa aming mga tagapakinig. Naniniwala ako na patuloy pang lalaki ang following ng programa mong ito at magkakaroon ng maraming tagahanga si Ate Andrea. Kumusta nga pala sa kaniya. Buong pananabik kong hihintayin ang mga susunod pang episode ng inyong Cooking Show."

Maraming salamat, Mrs. Javier, sa pag-uukol ninyo ng panahon sa aming mga programa. Sana magpatuloy pa kayo ng pakikinig at pagsulat sa amin.

Si Mrs. Mercedes Javier ay mula sa Kapitolyo, Pasig, Metro Manila, Philippines.

STRANDED

(ZHOU JIELUN)

Iyan si Zhou Jielun sa awiting "Stranded," na lifted sa kanyang album na may pamagat na "Broken Bridge."

Sabi ni Pinky ng New Territories, Hong Kong: "Kuya Ramon, marami na rin akong benefits sa pakikinig ko sa inyong Gabi ng Musika. Napaglinaw mo ang pag-iisip ko noong panahong naguguluhan ako at hindi malaman ang gagawin. Maraming beses mo rin akong napaalalahanan noong ako ay nakakalimot sa aking obligations. Ang mga payo mo ang naglagay sa akin sa tamang daan. Sana makapiling ka namin hindi lamang kung Sunday kundi every day."

Thank you so much, Pinky.

JUST WHEN I NEEDED YOU

(JOY ENRIQUEZ)

Joy Enriquez at ang kanyang awiting "Just When I Needed You," na buhat sa album na pangalan niya ang ginamit na pamagat.

Mayroon uli tayong mga mensaheng pambati para sa 70th anniversary ng China Radio International.

Sabi ng 917 466 2270: "Kuya Ramon, kumusta ba lagay natin diyan? Gusto ko lang kayong batiin sa pagdiriwang ninyo ng 70th anniversary. Sana magpatuloy pa ang maganda ninyong serbisyo sa amin."

Sabi naman ng 918 730 5080: "It's always CRI Serbisyo Filipino laman ng aming radyo. Kayo ang dulugan ng mga Pilipinong problemado. Happy anniversary, CRI!"

Sabi naman ng 906 201 1704: "No tears, no tear at CRI Filipino Service. Dito lamang kami tuwing 7:30 ng gabi. Maligayang bati sa pagdiriwang ninyo ng ika-70 anibersaryo. Ano ang handa niyo? Sama naman kami diyan!"

Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

>> Pasok sa Blog ni Kuya Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>