Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-70 2011

(GMT+08:00) 2011-11-30 18:04:17       CRI

November 27, 2011 (Sunday)

Si Santa Klaus

Inaanyayahan namin kayong lahat na makibahagi sa espesyal na pahina ng aming website hinggil sa Pasko. Maari kayong magpadala ng kuwento, tula, mensahe, video o kuhang-larawan na may kinalaman sa pagdiriwang ng Araw ng Pasko, at ang mga ito ay ilalathala namin sa nabanggit na pahina. Ipadala ang inyong mga contribution sa aming e-mail address na filipino_section@yahoo.com. May naghihintay na aginaldo para doon sa lahat ng makakapagpadala ng kanilang contribution.

Bigyang-daan natin ang mga snail mail nina Vivian Mercado ng Sto. Nino Village, Paranaque at Estelita Castillo ng Bataan General Hospital.

Sabi ni Vivian: "Dear Kuya Ramon, happy 70th anniversary sa China Radio International. Dapat kung gaano kalaki ang natamong tagumpay ng inyong station, ganoon din kalaki ang celebration. Makatuwiran lang naman siguro kung magarbo at maingay ang celebration dahil malaki ang ipinuhunan ninyong pagod. Isabay na rin ninyo sa inyong celebration ang pagtaas ng status ng China sa daigdig. Ngayon, talagang nararamdaman ang impluwensiya ng China kahit saang sulok ng mundo. Narinig ko nga pala na binasa mo ang SMS ko sa inyong slot last Sunday. Mabuti naman at hindi ito nawaglit sa iyo. Natanggap ko rin ang reply mo sa e-mail ko. Thanks sa advice. Salamat din sa recipe ng "Chicken with Peanuts and Chili." Sinubok kong lutuin at nagustuhan naman ng mister ko at pinagpistahan din ito minsan ng mga bisita ko. Dumarami ang mga tagapakinig ng iyong Gabi ng Musika . Ito ay dahil sa mga text messages at short notes na binabasa mo. Nakakatuwa naman kasi ang mga laman ng SMS at sulat. Corny iyong iba pero nakakatuwa din. Ang inyong signal ay maganda o hindi depende sa lagay ng panahon. Sinasabi ko ito sa iyo kasi personal experience ko. Kumusta na ang health mo, Kuya? Kumain ka sa oras at bawasan mo ang pagpupuyat. Sana lagi kang malakas para lagi ka naming makapiling sa aming pakikinig. Salamat sa lahat ng souvenir items at hanggang dito na lang."

Chicken with Peanuts and Chili

Thank you so much, Vivian. God bless.

Sabi naman ni Estelita: "My dear friends, it's been a long time since we last exchanged notes. Ano na ba ang nangyayari sa inyo riyan? Alam niyo, kaming lahat dito sa hospital ay natutuwa sa pagbabago ng format ng inyong Gabi ng Musika. Parang naging 3 in 1, kasi , nawala ang Dear Seksiyong Filipino, Alam ba Ninyo at Tsina sa Matang Banyaga. Akala naming tuluyan nang mawawala. Alam namin na binibigyan ninyo ng appreciation ang mga sulat namin, kaya dinagdagan ninyo ang letter reading portion ng inyong Gabi ng Musika. Miss namin ang Dear Seksiyong Filipino, kasi, pakiramdam namin dito we are family. Sa programa ding ito kami binabati ni Ramon Jr. at of course, I received my short-wave radio from this friendly wholesome family program. Pero ang mga

co-workers ko dito sa hospital ay hindi pa nakakatanggap ng ganitong mga items o mga alaala buhat sa inyo o sa Dear Seksiyong Filipino, kaya noong bigla itong mawala na parang bula we were all very sorry. I just hope you will continue airing this program. Ipinangangako ko at ng lahat ng mga co-workers ko dito na pagdating ng 7:30 o 8:00 ng gabi, mag-uumpukan uli kami sa nurses' station para sa inyong programa. Nahinto ang pag-aaral namin ng Chinese language dahil noong maputol ang ating communication by mail and by air, parang tinamad na rin kaming sundan ang inyong lessons, although, admittedly, paminsan-minsan we tune to your station with the hope that you will air your friendly Dear Seksiyong Filipino. Minsan, nai-suggest ko rin sa inyong survey na ibalik ninyo ang Dear Seksiyong Filipino at Best Lett ers of the Month, pero I did not receive any word from you. Ako at karamihan sa mga kasamahan ko rito ay dating members ng CRI Listeners Club, at lagi kaming sumasali sa inyong mga pakontes. Marami kaming mga bagong nurses dito ngayon. Mga fresh graduates sila at mga potential listeners rin ng inyong program. If you have time in your program, batiin niyo naman sila para ganahan silang lalo na makinig at sumulat. Ipagpapatuloy namin ang pagpo-promote ng inyong program. Ang area na sakop namin ay Bataan at Zambales. Sana mabigyan niyo kami ng moral support."

Salamat, Estelita. Sana nga, matutuhan ng mga kasamahan mo riyan na makinig sa amin.

WHEN I START THINKING OF YOU SECRETLY

(LI YU CHUN)

Narinig ninyo si Li Yu Chun sa kanyang awiting "When I Start Thinking of You Secretly," na lifted sa collective album na may pamagat na "Super Girls' Voice."

Sabi ni Cita Conde ng Atimonan, Quezon: "Sa nakikita ko, malayo na rin ang naabot ng inyong pagsasahimpapawid sa Tagalog. Pinakikinggan ko ang mga text messages at e-mails ng inyong listeners from Philippines and outside the country at naiisip ko na parami sila nang parami at padagdag din nang padagdag ang kaalaman nila sa China. Pag binibisita ko naman ang inyong website, nakakabasa rin ako ng mga relebanteng mensahe mula sa CRI friends sa iba't ibang lugar ng mundo. Talagang you deserve na tawaging "bridge of friendship between China and the world.

Thank you so much, Cita. Very sensible at encouraging ang sulat mo.

THIS MASQUERADE

(THE CARPENTERS)

Mula sa album na may pamagat na "Carpenters: Their Greatest Hits," iyan ang awiting "This Masquerade," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng magkapatid na Richard at Karen Carpenter.

Tunghayan naman natin ang ilang SMS.

Sabi ni Carol ng carolnene.edwards@gmail.com: "Salamat sa advice, kuyang. Sa tingin ko, yung sayo ang most sensible. Salamat din sa Serbisyo Filipino. Kung wala ito, wala ka sa amin."

Sabi naman ni Shienna ng Pedro Gil, Paco, Manila: "Okey na sa amin website niyo, Kuya RJ. Maayos arrangement ng columns, malaman at maipagmamalaki."

Sabi naman ni Mildred ng Cebu City, R. R. Landon: "Hi, Kuya Ramon! Gud PM. Ang pakikinig sa mga programa ninyo ay di na dapat pag-isipan pa. Worthwhile programs, pampamilya at pambalana."

Sabi naman ni Kristen ng Movenpick, Beijing, China: "Happy Thanksgiving Day sa buong staff ng Serbisyo Filipino. I honestly appreciate your website and all your programmings."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

Para sa inyong reactions hinggil sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section @ yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 921 257 2397.

>> Pasok sa Blog ni Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>