Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-71 2011

(GMT+08:00) 2011-12-07 15:36:01       CRI

December 4, 2011 (Sunday)

Inaanyayahan namin kayong lahat na makibahagi sa espesyal na pahina ng aming website hinggil sa Pasko. Maari kayong magpadala ng kuwento, tula, mensahe, video o kuhang-larawan na may kinalaman sa pagdiriwang ng Araw ng Pasko, at ang mga ito ay ilalathala namin sa nabanggit na pahina. Ipadala ang inyong mga contribution sa aming e-mail na filipino_section@yahoo.com. May naghihintay na aginaldo para doon sa lahat ng makakapagpadala ng kanilang contriblution.

Maraming salamat sa lahat ng mga nagpadala ng mensaheng pambati para sa ika-70 anibersaryo ng Radyo Internasyonal ng Tsina at sa lahat ng mga sumali sa aming pakontes na may kinalaman sa nabanggit na okasyon. Sana magpatuloy pa kayo ng pagtataguyod at pakikibahagi sa aming mga programa. May God bless you all.

Bigyang-daan natin ang mga liham nina Baby Bangilit ng San Juan, Metro Manila at Brother Felix Pecache ng Methodist Church Manila.

Happy 70th anniversary, CRI!

Sabi ni Baby: "Dear Kuya Ramon, sumulat ako para ipaalam sa inyo na ako ay isang bagong tagapakinig ng CRI at para batiin ang CRI sa pagdiriwang nito ng 70th anniversary. Alam mo, kuya, itinuturing ko ang mga Pinoy abroad natin na tulad mo bilang tunay na buhay na mga bayani. Ang pinagpapawisan nilang pera ay sumusuporta sa pambansang kabuhayan, at iyan ay hindi maipagkakaila ninuman. Iyan ang dahilan kaya labis akong nalulungkot kapag nakakarinig ako ng mga balita na may kinalaman sa ating mga pinoy abroad na nakakaranas ng hindi maganda sa kanilang mga pinagtatrabahuhan. Alam mo, kuya, ang personal touch ninyo diyan sa Filipino Service ang dahilan kaya malapit sa inyo ang mga tagapakinig. Samantalang pinakikinggan kayo ng mga tagapakinig sa inyong pagsasahimpapawid, pinakikinggan din naman ninyo ang kanilang mga tinig sa pagpapahayag nila ng kanilang saloobin. I have a feeling na masuwerte ang mga manggagawang Tsino dahil malaki ang malasakit sa kanila ng gobyerno at sa loob lamang ng maikling panahon, naitaas ng gobyerno ang antas ng pamumuhay ng mga manggagawa sa buong Tsina. Lagi ako ngayong nakaupo sa tabi ng radyo ko tuwing sasapit ang 7:30 ng gabi. Dalangin ko na sana magpatuloy pa kayo sa paghahatid sa amin ng magagandang programa."

Maraming-maraming salamat sa iyong liham, Baby. Welcome to the Filipino Section family

Sabi naman ni Brother Felix: "Sa Serbisyo Filipino: Sumainyo ang Panginoon, mga kapatid! Alam niyo, hindi niyo natitatanong, laging kasama kayo sa aking mga panalangin. Gusto kong lumawig pa ang inyong mga programa sa radyo upang makumpleto ang kaalaman ng mga kababayang Pilipino sa mga kaganapan sa bansang Tsina. Tuwang-tuwa ako noong marinig ko ang mga tinig ng mga kababayan sa Saudi Arabia at Alemanya na nakikilahok sa inyong palatuntunan sa pagluluto. Nakakatuwa ang programa ninyong ito. Puwede itong taguriang wholesome family show. Ang higit na nakatawag ng aking pansin sa programang ito ay ang pagpapabatid ninyo sa mga tagapakinig ng mga lutong Tsino na hindi pa nila naririnig noon. Unti-unti, nagkakaroon ng kaalaman ang mga nakikinig na Pilipino hinggil sa mayamang kulturang kulinaryo ng Tsina. Pagbati kay kapatid na Ramon Jr.: Bendisyunan ka nawa ng Panginoon at ang iyong misyon ng paghahatid ng kabatiran sa iyong mga kababayan. Ang iyong ginagawa para sa iyong mga kababayan ay walang katumbas na halaga ng salapi. Dakila ka, kapatid na Ramon. Gusto ko ring ipaabot sa inyo ang aking taos-pusong pagbati sa pagdiriwang ninyo ng ika-70 anibersaryo. Hindi ko na pakahahabaan pa ang liham kong ito. Salamat sa inyong lahat at patnubayan nawa kayo ng Poong Maykapal.

Maraming salamat, Bro. Felix, sa iyong liham, sa iyong inspirasyon at sa iyong bendisyon. Alam mo, kailangang-kailangan namin ang mga iyan dito. Thank you once again.

YOUR BACKPACK

(EASON CHAN)

Narinig ninyo si Eason Chan sa awiting "Your Backpack," na lifted sa album na may pamagat na "Digital Life."

Sabi ni Aida ng Circumferential Road, Antipolo Rizal: "Kuya Ramon, para sa akin, ang Tsina ay bansang pinagpapala. Mahirap ngayon ang ekonomiya ng mundo pero ito ay mabilis pa ring umuunlad. Ang pagpapala ay resulta ng pagiging matulungin nito sa kapuwa bansa. Nagpapautang ito nang walang mabigat na kondisyon at kinakansela nito ang utang ng mga mahirap na bansa. Meron bang mayamang bansang makakagawa ng ganun?"

Maraming-maraming salamat sa iyo, Aida.

MANILA

(HOTDOG)

Hotdog, sa kanilang awiting "Manila," na hango sa album na may pamagat na "Hotdog's Greatest Hits."

Tunghayan natin ang ilang SMS.

Sabi ni Linda ng Beijing, China: "Kuya Ramon, matagal na akong nakikinig sa CRI at nasundan ko development ng inyong transmission. I appreciate all your hard work for Pinoy listeners."

Sabi naman ni Dr. George ng george_medina56@yahoo.com: "Hangad ko ang inyong tagumpay sa mga plano ng pagbabago ng inyong mga programa. Naniniwala ako na malayo pa rin ang patutunguhan ng inyong pagsasahimpapawid. Maligayang bati sa inyong ika-70 anibersaryo."

Sabi naman ni Poska ng poskadot610@hotmail.com: "Mhon, send me details of your Christmas special. I'll try to reach out to some friends in Europe."

Sabi naman ni Chat ng Punta, Sta. Ana: "Kuya Ramon, ano exact date ng establishment ng CRI? Binabati ko kayo sa inyong celebration."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

>> Pasok sa Blog ni Kuya Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>