Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-72 2011

(GMT+08:00) 2011-12-14 10:43:06       CRI

December 11, 2011 (Sunday)

 

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Kung okey kayo riyan, okey din kami rito; at kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Maraming salamat sa lahat ng mga nagpapadala ng Christmas greetings at sa lahat ng nagbibigay-kulay sa aming espesyal na kolum hinggil sa Pasko. Walang katapusan ang pasasalamat namin sa inyo. May God love you all!

St. Nicholas

Bigyang-daan natin ang liham ni Lucas Baclagon ng Jeddah, Saudi Arabia. Sabi ng liham: "Pareng Ramon, ngayon pa lang binabati ko na kayo ng merry Christmas and happy New Year. Nabisita na ba kayo ni St. Nicholas? Joke, joke lang…Buti pa, pare, ang CRI at may Filipino Service. Naririnig ko na kinakapanayam ng Filipino Service ang mga Pilipino sa Beijing at para akong naiinggit dahil may pagkakataon sila na ipaalam ang kanilang mga kalagayan sa Tsina. Sa amin dito sa Saudi ay walang ganitong serbisyo kaya wala kang maririnig na balita hinggil sa amin at wala kaming pagkakataon na makipag-ugnayan sa aming mga kababayan sa pamamagitan ng himpapawid. Alam mo, noong araw, ako pa lang sa aming tropa ang nakikinig sa Serbisyo Filipino, pero nu'ng makita ako ng tropa na palaging nakikinig dito at nakikipag-usap pa minsan sa telepono sa iyo, lahat sila gumaya. Nakakabawas naman kasi ng homesickness ang pakikinig sa inyo. Malakas ang dating ng inyong interactive program. Nagaganyak na mag-participate ang listeners dahil naririnig nila mismo ang kanilang mga boses. Diyan sa puntong iyan kayo nagkatalo ng ibang short-wave stations. Masaya kami kapag naririnig naming ini-interview ninyo ang mga kababayan diyan sa China. Natutuwa kaming lahat na malaman na magaganda ang mga performance ng mga kababayan at nagkokontribusyon sila sa magandang pagkakaibigan ng mga Pilipino't Tsino. Sana, sa papasok na bagong taon, magkaroon pa kayo ng mga bagong gimik at ng mga bagong subject sa inyong programang Pag-usapan Natin.

Salamat sa iyo, Lucas. May you have a very joyful Christmas kasama ng mga iba pang kababayan diyan sa M/V Aldavaran.

Pakinggan naman natin ang magandang tinig ng ating caroler sa gabing ito—Rowena Nuyda ng Bicol Region.

Si Rowena Nuyda

Iyan si Rowena Nuyda ng Bicol Region. Si Rowena o Weng Weng ay isang propesyonal na guro at mang-aawit at nakikinig na sa Serbisyo Filipino sapul pa noong huling dako ng 1990's.

May mensahe para sa atin si Carmina ng Navotas, Metro Manila. Sabi ng kanyang short note: "Dear Kuya Ramon, sana maging colorful, enjoyable and peaceful ang inyong Kapaskuhan diyan sa Beijing. Para sa akin, ang Pasko ay isang makahulugang araw at hindi tayo dapat magsaya para sa ating mga sarili lamang. Dapat nakatuon ang ating celebration kay Christ, the only savior of mankind. Siya lang dapat ang central focus ng ating celebration at wala nang iba, kaya dapat ipag-celebrate natin ang Yuletide in this spirit."

Iyan, narinig ninyo ang Christmas message ni Carmina ng Navotas, Metro Manila.

TOUCH THE NIGHT

(NAN QUAN MAMA)

Nan Quan Mama sa awiting "Touch the Night," na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Tunghayan naman natin ang mga bating pamasko ng mga tagapakinig.

Sabi ni Katrina ng Dasmarinas Village, Makati City: "Too early yet, but merry Christmas sa lahat ng mga kaibigan sa Filipino Service at China."

Sabi naman ni PabloCruz ng San Juan, Cabangan, Zambales: "Haay, Pasko na sinta ko. Ano ba ang ating regalo? Huwag nang ibalot, hehehe."

Sabi naman ni Rachel ng Shunyi, Beijing: "Advance merry Christmas sa inyong lahat. I'm sending my love and special concern sa inyo in the spirit of Christmas."

Sabi naman ng San Andres boys: "Ramdam na ramdam na ang Pasko. Maagang bating pang-Pasko, mga kapatid."

Sabi naman ni Leah ng Carmona, Cavite: "Meri Krismas in advance mga mare't pare! Tawa naman tayo! Kalimutan ang problema."

Sabi naman ni Miles: "Christmas is not around the corner; it is in our midst. Rejoice, for

is born."

Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

>> Pasok sa Blog ni Kuya Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>