Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-73 2011

(GMT+08:00) 2011-12-21 15:38:29       CRI

December 18, 2011 (Sunday)

Patuloy sa pagdating ang mga mensaheng pambati para sa Pasko at Bagong Taon. Maraming-maraming salamat, at, sa ngalan ng lahat ng mga kasamahan ko rito sa Serbisyo Filipino, maligayang Pasko at manigong Bagong Taon sa inyong lahat. Sana, mapalipas ninyo ang Kapaskuhan nang walang anumang problema.

Bigyang-daan natin ang liham ni Pablo Cruz ng San Juan, Cabangan, Zambales. Sabi ng kanyang liham: "Dear Kuya Ramon, magandang Gabi ng Musika at maligayang Pasko at manigong Bagong Taon sa iyo at sa lahat ng bumubuo ng staff ng Serbisyo Filipino. Halos sampung taon na akong nakikinig sa Serbisyo Filipino at sa buong panahong ito, marami na rin akong natanggap na souvenir items mula sa inyo. Gusto kong samantalahin ang pagdiriwang natin ng Christmas para pasalamatan kayo sa mga alaalang ito. Nagpapasalamat din ako dahil sa pakikinig ko sa inyong station, naging magkaibigan tayo at nalaman ko ang lahat ng mahahalagang bagay hinggil sa China. Ang katotohanan na natuklasan ko ay sapat na para makumbinsi ako na ang Tsina ay isang mapagkaibigan at mapagmahal sa kapayapaang bansa. Ang kasalukuyang impression ko sa China ay kabaligtaran ng impression ko 10 years ago. Inaamin ko na ang paborito kong programa ninyo ay Gabi ng Musika, pero hindi naman nangangahulugan na hindi ako nakikinig sa iba pa ninyong programa. Pinakikinggan ko rin ang inyong pang-araw-araw na Balita at Usap-usapan at mga special feature at talk show na tulad ng Diretsahan, Paglalakbay sa Tsina, Cooking Show, Kaalaman sa Tsina, Pag-usapan Natin, Mag-aral Magsalita ng Wikang Tsino at Cooking Show. Nakikinig ako sa inyo gamit ang transistor radio na bigay niyo sa akin. Binibisita ko rin ang inyong website at solved ako sa porma at laman nito. Gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito na anyayahan ang lahat ng kababayan sa iba't ibang lugar ng mundo na makinig at bumisita sa website nito. Maraming salamat and God bless you."

Salamat sa maganda mong liham, Pablo. Kumusta sa mga taga-Cabangan, ha? Merry Christmas and Happy New Year na rin. 

Pakinggan naman natin ang tinig ng ating caroler sa gabing ito, Super DJ Happy (kaliwa) ng Maynila.

Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Super DJ Happy, ang masipag nating reporter sa Maynila.

Si Super DJ na laking Maynila ay isang ECE at maraming taon nang nakikinig sa Serbisyo Filipino.

Sa kanyang short note, sinabi ni Kristen ng Carmona, Cavite: "Hi, Kuya Ramon! Binabati ko kayo diyan sa CRI Filipino Service ng maligayang Pasko at manigong Bagong Taon, pati na iyong mga kababayan na nakikinig sa iyong Gabi ng Musika. Nagsimula na ang Simbang Gabi, at sa pagsisimba ko, ipinagdarasal ko ang lahat ng mga kababayan na nagtatrabaho sa abroad at ang mga kababayan dito sa atin na nagsisikap para makaraos sa araw-araw. Wish ko lang na mabawasan ang karahasan at likas na kalamidad at magkaroon tayo ng peace of mind kahit man lang sa panahon ng Kapaskuhan."

Maraming salamat, Kristen, at merry Christmas and happy New Year sa iyo at iyong pamilya.

Ngayon, alamin naman natin ang latest tsika sa entertainment world mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok.

GREEN FLOWER

(LIANG JING RU)

Liang Jing Ru sa awiting "Green Flower," na hango sa album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

Tunghayan naman natin ang mga mensaheng pamasko ng mga tagapakinig.

Sabi ni Esther ng Lunsod ng Kalookan: "Advance merry Christmas sa Filipino Service. Thanks for your generosity and for making my evenings right."

Sabi naman ni Lindsay ng Globo de Oro, Quiapo, Manila: "Sana, wala munang awayan sa panahon ng Kapaskuhan. Hindi magandang pangitain iyan, eh."

Sabi naman ni Pat Cusi ng Atimonan, Quezon: "Maagang bating pang-Yuletide sa lahat ng mga kaibigan. How are you preparing for Christ's birthday?"

Sabi naman ni Mitch ng Mandaluyong, Metro Manila: "Sana maging colorful and joyful ang Krismas niyo diyan sa China."

Sabi naman ni Kate ng red_ford@yahoo.com: "Pwede na Christmas wishes. Marami ako niyon."

Sabi naman ni Becky ng Sta. Mesa, Manila: "Merry Christmas to one and all starting today."

Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

>> Pasok sa Blog ni Kuya Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>