Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-74 2011

(GMT+08:00) 2011-12-28 16:49:25       CRI

Maligaya, maligaya, maligayang Pasko sa inyong lahat mga giliw na tagasubaybay. Kumusta ba ang inyong Noche Buena? Masaya ba? Dapat lang…

Ang Pasko ay araw ng pasasalamat. Salamat kina Poska ng poskadot610@hotmail.com;

Dr. George ng george_medina56@yahoo.com; ebeth ng mistyeyed119@ymail.com; manny ng manny_feria@yahoo.com; manuela ng manuelakierrulf@ymail.com; Caroline ng carolnene.edwards@gmail.com; Let Let ng paulette_anne@yahoo.com; at Elisa ng elisabornhauser@leunet.ch.

Salamat din sa 917 960 6218; 919 651 1659; 920 950 2716; 921 378 1478; 917 351 9951; at 919 648 1939…

Bigyang-daan natin ang ilang maiikling liham…

Maligayang Pasko Mula Kay Kuya Ramon

Sabi ni April ng Pandacan, Manila: "Kuya Ramon, masaya ang Pasko ko ngayong taon dahil makakauwi ang mister ko. Siya ay isang seaman at madalas nasa ibayong dagat kung Araw ng Pasko. Pero, ngayong taon, magbabakasyon siya sa Pinas. Talagang walang kasing-saya ang Pasko kung buo ang iyong pamilya."

Sabi naman ni Lucy ng Imus, Cavite: "Kuya Ramon, merry Christmas sa Filipino Section ng CRI. Maraming alaala sa akin ang Araw ng Pasko: Pasko noong mag-honeymoon kami ng husband ko sa Baguio City; Pasko noong regaluhan niya ako ng bahay na kahit maliit ay sarili naman namin; at Pasko noong mag-travel kami sa Singapore."

Sabi naman ni Ingrid ng Shunyi, Beijing, China: "Kuya Ramon, para sa akin, ang Pasko ay pag-alaala sa mga inaanak. Dapat silang anyayahan sa iyong tahanan kung Araw ng Pasko. Dapat iparamdam sa kanila ang iyong genuine concern sa araw na ito. Noong sila ay binyagan, nangako ka na hindi sila pababayaan."

Sabi naman ni Sandra ng West Coast Way, Singapore: "Kuya Ramon, ngayong Pasko, mami-miss ko ang pananapatan ng mga bata, ang simbang gabi, ang puto bumbong at bibingka, ang exchange gifts at paglalamyerda sa downtown kasama ang mga barkada."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga liham. Merry Christmas and God bless.

Bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating caroler sa gabing ito—Max Coquia ng Maynila.

Iyan, narinig ninyo ang magandang tinig ni Max Coquia ng Maynila. Si Max ay isang trainer sa Eperformax at singer sa Dimsum at bagu-bago pa lamang nakikinig sa Serbisyo Filipino.

Welcome sa Filipino Section family, Max.

Max Coquia

Ngayon, tunghayan naman natin ang liham ni Kris Alcano ng Dinalupihan, Bataan. Sabi niya:

"Dear Kuya Ramon, merry Christmas and happy New Year! Kumusta ba ang Christmas mo diyan sa Beijing? Kung ako ang tatanungin, Christmas is a time to praise and give thanks to the Lord for all the blessisngs that we have received this year. Marami sa atin ang nakakalimot na gawin ang bagay na ito kung Araw ng Pasko. Marami sa atin ang nagkakamali ng paraan ng pagse-celebrate ng Pasko. Sana, Kuya, makapakinig ka ng Misa diyan sa Beijing sa midnight ng December 24. Salamat sa mga payo at guidance. Iba na rin talaga kung marunong kang makinig sa payo ng iba. Mas lalong lumalakas ang iyong loob at mas lalo kang tumatapang sa gitna ng pagsubok. Salamat din sa pagkakaloob sa amin ng programang Gabi ng Musika. Dumami pa sana ang mga tagasubaybay ng programang ito. Again, merry Christmas and God bless."

Maraming salamat at merry Christmas, Kris. Sana, maanyayahan mo rin ang mga kaibigan mo riyan sa Dinalupihan na makinig sa mga programa ng Serbisyo Filipino at bumisita sa website nito.

LET IT SNOW

(LILY PILAR)

Lily Pilar ng Swiss Hotel Bejing sa kanyang sariling version ng pamaskong awiting "Let It Snow."

Bigyang-daan naman natin ang ilang SMS.

Sabi ni Techie ng West Coast Way, Singapore: "Maligayang Pasko, Kuya Ramon. I hope and pray that God may bless you always."

Sabi naman ni Lucienne ng Beijing, China: "Miss ko na bibingka at puto bungbong at mainit na tsaa. Maligayang Pasko sa Gabi ng Musika at kay loving DJ."

Bibingka at Puto Bungbong

Sabi naman ni Myra ng Lunsod ng Kalookan: "Hohoho, merry Christmas sa Gabi ng Musika. Kmzta ka, Kuya Mhon? Huwag pababayaan ang sarili."

Sabi naman ni Irene ng Beijing, China: "Dalawang tulog na lang Pasko na, Kuya RJ! How sweet it is to be served by you."

Sabi naman ni Miles ng Cubao, Quezon City: "Hi, Kuya Ramon! How is everything going? Masaya talaga ako tuwing naririnig ko voice mo. Take it easy man!"

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 921 257 2397.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>