Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika una 2012

(GMT+08:00) 2012-01-05 16:49:20       CRI

January 1, 2012 (Sunday)

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat, mga giliw na tagapakinig. Kumusta ang inyong Media Noche? Kumpleto ba ang inyong pamilya? Masaya ba ang inyong pagsasalu-salo? Nakaiwas ba kayo sa paputok? Naku, nabanggit natin iyang paputok. Alam niyo, ako ay tutol na tutol diyan sa mga paputok na iyan, lalo na doon sa mga ipinagmamalaki nilang malalakas at nakakayanig daw. Sa tingin ko, maling paraan iyan ng pagse-celebrate ng New Year. Kung ingay lang ang pag-uusapan, maraming paraan ng pag-iingay na hindi nakakasakit sa inyong sarili at inyong kapuwa. Puwede kayong maglabas ng kawali at kaserola at siya ninyong tambulin nang tambulin para maipahayag ninyo ang inyong kagalakan sa pagpasok ng Bagong Taon. Puwede rin magtali kayo ng mga lata sa likuran ng inyong mga kotse at kaladkarin ninyo sa kalye. Puwede ring umihip kayo nang umihip ng torotot sabay-sabay para umingay. Maraming paraan, di ba, na hindi nakakadisgrasya? Taun-taon na lang maraming isinusugod sa ospital dahil sa pinsalang dulot ng paputok pero talagang walang kadala-dala ang ating mga kababayan. Ewan ko ba. Mahirap ipaliwanag…

Bigyang-daan natin ang short notes nina Vilma ng San Sebastian College Manila; Amapola ng Antipolo, Rizal; at Esther ng Bajac-Bajac, Olongapo City.

Sabi ni Vilma: "Kuya Ramon, ipinaaabot ko ang aking bating pang-Bagong Taon sa mga tauhan ng Serbisyo Filipino. Isang bagay lang ang hinihiling ko at ito ay mabago na sana ang texture ng pulitika sa ating bansa. Sumosobra na ata ang ating mga opisyal. Dahil sa kanilang pamumulitika, tayo ay nagdurusa. Tama na. Sobra na.

Sabi naman ni Amapola ng Antipolo. Rizal: "Hi, Kuya RJ! Happy New Year sa inyo! Paano ang inyong New Year diyan sa Beijing? Malakas ba ang putukan? Kami, hindi magpapaputok. Mag-iingay na lamang kami sa pamamagitan ng pagpalo sa mga basyong lata at kaldero. Kasama sa mga handa namin ang biko, ensaymada, at piyaya. Ang bagong component namin ngayon ay made in China. Maganda ang quality ng tunog at enjoy na enjoy kami ng pakikinig. Salamat din sa paghahatid ninyo sa amin ng magagandang programa."

ensaymada at biko

Sabi naman ni Esther ng Bajac-Bajac, Olongapo City: "Masaganang Bagong Taon at belated Merry Christmas, Kuya Mhon. Salamat sa CRI T-shirts, radio set, at novelty items. Talagang mahirap sukatin ang inyong generosity. Lagi akong nakikinig sa inyong mga balita at mga programa na tulad ng Mag-aral Magsalita ng Wikang Tsino, Cooking Show, Kaalaman sa Tsina, Pag-usapan Natin, Deretsahan at iba pa. Sana mas lumakas pa ang dating ng inyong mga programa sa 2012."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga sulat. Happy New Year and God bless.

Hurricane Band

Bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating caroler sa gabing ito, Hurricane Band ng Hard Rock Café Beijing.

Iyan, narinig ninyo ang Hurricane Band mula sa Hard Rock Café Beijing.

Tulad din naman ng Pasko, ang Bagong Taon ay araw ng pasasalamat. Salamat sa mga sumusunod sa kanilang patuloy na pagtataguyod sa aming mga programa: Lagrimas Ramos ng New Territories, Hong Kong; Jovy Ventura ng Bataan General Hospital; Myrna Kalayco ng Kowloon, Hong Kong; David Evangelista ng San Ildefonso, Bulacan; Marivic Lim ng Bajac-Bajac, Olongapo City; Jane ng Riyadh, Saudi Arabia; Alex Roman ng Dinalupihan, Bataan; George Medina ng Nakar, San Andres, Manila; Kris Sagun ng New Territories, Hong Kong; Techie Villareal ng West Coast Way, Singapore; Janice Quinto ng Beijing. China; Sarah Samudio ng AMA Computer Center; Tess Tombocon ng Sta. Mesa, Manila; Emilie, Mato at Ara Mae ng Pandacan; KC Orioste ng Lumban, Laguna; Librada Cinco ng Northbay Boulevard, Navotas; Lilibeth ng PUP; Manuela Kierrulf ng Bel-Air, Makati City; at Vivienne Alejandro ng Polytechnic University of the Philippines Manila.

FROSTY THE SNOWMAN

(WENG WENG NUYDA)

Narinig ninyo si Weng Weng Nuyda sa kanyang sariling version ng awiting "Frosty the Snowman."

Tunghayan natin ang ilang SMS.

Sabi ni Rolly ng Iridium, A. Francisco: "Masaganang Bagong Taon, Ka Ramon. May all your dreams come true."

Sabi naman ni KC Orioste ng Lumban, Laguna: "Happy New Year sa inyong lahat, Kuya Ramon. Health is wealth. Sana malayo ka sa anumang karamdaman."

Sabi naman ni Janice Quinto ng Shunyi, Beijing, China: "Manigong Bagong Taon sa programang Gabi ng Musika. More power to you, Kuyang.

Sabi naman ni Tess Tombocon ng Sta. Mesa, Manila: "What's in store for Gabi ng Musika in 2012? More sounds, more SMS and more e-mails. Iyon yun, eh."

Sabi naman ni Kristy ng Marikina, Metro Manila: "Manigong Bagong Taon sa Serbisyo Filipino at sa iyo, Kuya Ramon. Mabuhay ang Cooking Show at Gabi ng Musika."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS. Happy New Year sa inyong lahat…

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>