|
||||||||
|
||
January 8, 2012 (Sunday)
Happy Three Kings at Happy New Year na rin uli. Maganda ba ang pasok ng 2012 sa inyo? Marami bang positibong sinyales? Think positive, sabi nga ng mga psychologist. Kung positibo ang inyong kaisipan, maganda ang kahihinatnan.
Para sa ating letter reading portion, bigyang-daan natin ang mga e-mail nina Sylvia ng Antipolo, Rizal; Veronica ng Subic, Zambales; at Carla ng La Consolacion College Manila.
Sabi ni Sylvia: "Hi, Kuya Mhon! Tama ang sabi ng iba, hindi mo pagsisisihan ang pakikinig sa Gabi ng Musika. No wonder na maraming nagpapadala ng sulat sayo. Gusto nilang humingi ng payo bukod pa doon sa mga papuri nila sa inyong mga programa. Ang resolve ko ngayong 2012 ay dagdagan pa ang araw ng pakikinig ko sa inyong mga programa at dalasan pagbisita sa inyong website."
Sabi naman ni Veronica ng Subic, Zambales: "Kuya Mhon, kumusta kayo sa Filipino Service? Alam mo, lagi akong gumagawa ng New Year's resolution pero hindi ko naman natutupad; kaya, this year, wala akong resolution. Pipilitin ko na lang na iwasan ang mga bagay na dapat iwasan at baguhin ang mga dapat baguhin. Salamat sa inyong mga encouragement. God bless you and your program."
Sabi naman ni Carla: "Kuya Ramon, ipinaaabot ko ang aking mataos na pagbati sa iyong palawak nang palawak na programa. Sana, magpatuloy pa ang inyong mga gimik at sana, makaisip pa kayo ng mga relevant topics para sa inyong mga talk shows. Lagi kong pinananabikan ang iyong Cooking Show at Gabi ng Musika at tuwang tuwa ako sa mga payong ibinibigay mo tuwing dumudulog ako sa iyo. Sana, mapasaiyo ang ingenuity ng Three Wise Men."
PANAGINIP
(RACHELLE ANNE GO)
Narinig ninyo ang magandang tinig ni Rachelle Anne Go sa kanyang sariling version ng awiting "Panaginip," na ang original ay iyong sa Hotdog. Ang version na iyan ay lifted sa collective album na may pamagat na "Hotsilog."
Tunghayan naman natin ang mensahe ni Irma ng Pasong Tamo, Makati City. Sabi niya: "Dear Kuyang, matagal na rin akong nakikinig sa inyong mga programa at natutuwa ako dahil sa laki ng pagbabago ng inyong Serbisyo. Dati-rati puro snail mail lang. Pero, ngayon, may SMS, DDD, MMS at e-mail at meron pang Facebook. Naniniwala ako na ang tapat ninyong paglilingkod sa masang Pilipino ay mag-aani ng ibayo pang biyaya. A progressive 2012 sa iyo at sa buong Serbisyo Filipino. May God bless you."
THE POWER OF LOVE
(F. I. R.)
F. I. R. at ang kanilang orihinal na awiting "The Power of Love." Iyan ay hango sa album na may pamagat na "Unlimited."
Punta naman tayo sa mga SMS.
Sabi ni Kristen ng Beijing, China: "Manigong Bagong Taon! Masayang Araw ng Tatlong Haring Mago! Mabuhay ka, Kuya Ramon, at ang programa mong Gabi ng Musika!"
Sabi naman ni Cecile ng Norzagaray, Bulacan: "Sana, sa 2012, manatili kayong powerhouse ng short-wave radio. Talagang malakas dating niyo sa puso namin! Happy belated New Year!"
Sabi naman ni Myrna ng R. R. Landon Extension, Cebu City: "Kumusta ka na, Loving DJ? Okay ba ang health mo? Wish ko na sana, mag-improve pa lagay ng pangangatawan mo sa 2012. Kailangan ka namin."
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, filipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. Happy Three Kings and God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |