Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-3 2012

(GMT+08:00) 2012-01-18 15:22:43       CRI

January 15, 2012 (Sunday)

Alam niyo, ang isang bagay na nagpasaya sa akin nitong nagdaang Pasko, bukod sa pagkakataong makauwi at makapiling ang pamilya, ay iyong pagkakatanggap ko ng maraming Christmas cards by post. Yes, marami akong natanggap na postal Christmas cards this year. At gaya ng lagi kong sinasabi, anumang bagay na natatanggap ko mula sa koreo ay labis kong pinahahalagahan. Ewan ko, wala akong logical explanation, pero iba ang pakiramdam ko pag nakakatanggap ako ng sulat, postcard, poster o greeting card by post. Itinatago ko talaga ang mga iyan. At kaugnay ng mga natanggap kong Christmas cards this year, maraming salamat kina Jane ng Riyadh, Saudi Arabia; Stephanie Lim ng C. M. Recto, Manila; May Lesaca ng San Juan, Metro Manila; Blanca Cabral ng R. R. Landon Extension, Cebu City; Librada Cinco ng Northbay Blvd., Navotas; Vicky Santos ng Quiapo, Manila; Cielo Dy ng New Territories, Hong Kong; Divine Garcia ng Project 8, Quezon City; at Elycia Tupas ng Quirino Highway, Malate, Manila.

Tagaytay, Pilipinas

Bigyang-daan natin ang snail mail ni Lovely Fernan ng Sta. Ana, Manila. Sabi ng kanyang liham: "Dear Filipino Service, kumusta sa inyong lahat. Advance happy Chinese Lunar New Year. Kumusta rin kay Kuya Ramon Jr. Sana manatiling malakas ang inyong pangangatawan at tinig sa himpapawid. Bago ang December 25, nagpunta kami ng kaibigan ko sa Tagaytay. Napakaganda pala ng Tagaytay at buong pagmamalaking inirerekomenda ko ito sa mga turista sa Pilipinas. Marami pala talagang lugar na maipagmamalaki ang bansa natin. Ang pinakahuling recipe na natanggap ko sa inyo ay iyong Gingko, Lily and Wolfberry Fruit Gruel. Alam niyo, ang Cooking Show ninyo ay gustung-gusto kong pakinggan. Talagang hilig ko ang pagluluto. Sabihin niyo naman kay Ramon Jr. na maglagay siya ng programa na may kinalaman sa Chinese movies. Natitiyak kong marami ang magiging interesado na mahilig sa mga balita tungkol sa mga Chinese movie stars. Ang mga nababalitaan namin dito na mga Chinese movie stars ay iyong mga taga-Hong Kong, kaya gusto kong makarinig ng tungkol sa mga Mainlanders. Alam niyo, nitong nakaraang linggo lang, nayaya ako ng kaibigan ko na kumain sa isang restaurant na ang specialty ay Chinese food. Ang isa sa mga nagustuhan ko sa kinain namin ay iyong Fresh Lotus Seeds in White Gourd Cup. Sabi sa amin ng manager, ang iba raw sa mga ingredients nito ay imported from Mainland China. Siguro iyon ang dahilan kung bakit may kamahalan ang lutong ito. Gusto kong ipaalam sa inyo na isa ako sa mga nagdarasal para matapos na ang issue ng South China Sea. Alam ko na makukuha ito sa mabuting usapan. Sana sumulat uli kayo sa akin."

Salamat sa iyong sulat, lovely. Your letter is as lovely as your name.

PUMAPATAK NA NAMAN ANG ULAN

(PAROKYA NI EDGAR)

Narinig ninyo ang Parokya ni Edgar sa kanilang Version ng awiting "Pumapatak Na Naman ang Ulan." Ang version na iyan ay hango sa album na pinamagatang "The Best of Apo Hiking Tribute."

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Mel San Juan ng Ermita, Manila. Sabi ng kanyang sulat: "Hi, Kuya Ramon! Advance happy Chinese New Year sa iyo at sa lahat ng mga katrabaho sa Serbisyo Filipino. Sana naging masaya ang Christmas at New Year mo. Ako, okay lang. Napalipas ko ang Yuletide kasama ang mga magulang at kapatid. Nakumpleto ko rin ang Simbang Gabi ko at naka-attend ako ng Christmas Eve mass. Napasaya ko rin ang mga inaanak ko. Dinala ko sila sa MOA at sa carnival malapit sa Macapagal Avenue. I hope and pray na magbago na ang ating mga politicians. Sana maging tapat naman sila sa bansa at sa mga mamamayan. Tigilan na sana nila ang sobrang pamumulitika. Dasal ko rin na magkaisa na ang mga mamamayang Pilipino na tulad ng pagkakaisa na ipinakikita ng mga Chinese everywhere. Iyang mga iyan ang kailangan natin para umusad ang ating ekonomiya at umunlad ang bansa."

Maraming salamat, Mel. Ganyang-ganyan din ang wish ko para sa Pilipinas.

EASY

(XU WEI)

Xu Wei at ang awiting "Easy," na lifted na album na pinamagatang "This Year."

Punta naman tayo sa mga SMS.

Sabi ni Cindy ng Chaoyang, Beijing, China: "Hi, Kuya Ramon! How was your vacation? Did you make the most out of it? Maikli lang, ah. Ang bilis ng araw, eh."

Sabi naman ni Ruth ng Shunyi, Beijing, China: "Welcome back to the loveliest DJ of all time! Hapi kami na malaman na you are around.Can't go on without you."

Sabi naman ni Ingrid ng Malolos, Bulacan: "A prosperous 2012 and advance happy Year of the Dragon, Kuya Mhon! So happy to hear from you again!"

Sabi naman ni Brenda ng Shunyi, Beijing. Chnina: "Thanks for the gift and for the help, Kuya RJ. You are really great. I thank God for giving us the opportunity to get closer to you. God bless you."

>> Pasok sa blog ni Kuya Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>