|
||||||||
|
||
January 22, 2012 (Sunday)
Chunjie Kuaile! Happy Spring Festival sa inyong lahat, lalo na doon sa mga miyembro ng Chinese communities diyan sa Pilipinas at elsewhere in the world. Holiday bukas, di ba? Deklarado. So, enjoy the holiday.
Year of the Dragon 2012
Sa lahat ng mga festival ng Tsina, ang Spring Festival ang pinakamahalaga. Ito ang katumbas ng ating Pasko at Bagong Taon, combined, kaya mahaba rin ang kanilang celebration.
Ang Spring Festival ay nag-evolve mula sa sinaunang aktibidad na tinawag na Winter Sacrifice. Ang isang buong angkan ay nagsasama-sama dala ang mga pakinabang na natamo nila mula sa pangangaso, pangingisda at pagsasaka. Pinasasalamatan nila ang kanilang goddesses sa mga biyayang natanggap nila at sa pagbibigay-pala nito sa kalikasan, kasama na ang kabundukan, mga ilog, araw, buwan at bituin. Nagbabahaginan sila ng kani-kanilang pakinabang at nagsasayaw, umaawit at nagsasaya.
Family Reunion
Sa kasalukuyang panahon naman, ang Spring Festival ay araw ng pagsasama-sama ng pamilya, pagbabatian, pagbibigayan ng regalo, pagsasaya at pasasalamat.
At speaking of pasasalamat, gusto kong pasalamatan kayong lahat sa inyong patuloy na pagtataguyod ng aming mga programa dito sa Serbisyo Filipino. Maraming salamat lalo na kina Elisa ng elisabornhauser@leunet.ch; Caroline ng carolnene.edwards@gmail.com; Manuela ng manuelakierrulf@ymail.com; Manny ng mann_feria@yahoo.com; Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com; Dr. George ng george_medina56@yahoo.com at Poska ng poskadot610@hotmail.com. Salamat din sa 917 910 3559; 915 807 5559; 906 201 1704; 919 484 3321; 921 654 3344; 917 401 3194; at 918 730 5080…
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang mga bating pang-Spring Festival ng mga tagapakinig.
Sabi ni Super DJ Happy:
Sabi naman ni Romulo de Mesa ng Iridium, A. Francisco:
Sabi naman ni Luz Amamio ng Sta. Ana, Manila:
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
SAN LIU
(PLUCKED AND STRINGED INSTRUMENTS ENSEMBLE)
Narinig ninyo ang tradisyonal na tugtuging Tsino na may pamagat na "San Liu," na tinugtog ng Plucked and Stinged Instruments Ensemble. Iyan ay isa sa mga koleksiyong Chinese traditional music ng China Radio International.
Punta naman tayo sa liham ni KC Orioste ng Lumban, Laguna. Sabi niya: "Happy, happy Year of the Dragon, Kuya Mon and everybody. Sabi nila, ang dragon daw ay masuwerteng hayop, kaya, sana magdala ang taong ito ng marami pang suwerte sa iyo at sa inyong Filipino Service. Marami na rin akong nakuhang pakinabang sa pakikinig sa inyo. Bukod sa mga kaalaman hinggil sa Tsina, nakatanggap na rin ako ng maraming regalo all these years at nagwagi na rin ako sa inyong mga pakontes. Alam ko na pagpapalain pa kayo dahil sa inyong magandang misyon sa bayang Pilipino at lagi naman kaming nakaantabay dito hindi lamang para makinig kundi maki-join din sa inyong misyon. Happy New Year uli and God bless you!"
Salamat sa iyong sulat, KC. Happy New Year din sa iyo.
Sa puntong ito, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Pilipinas. Super DJ Happy, sige…
Salamat, Super DJ!
ANCIENT MELODY OF EARLY SPRING
(PIPA)
"Ancient Melody of Early Spring," Chinese traditional music na tinugtog sa pipa. Isa pa rin iyan sa mga koleksiyong tugtuging tradisyonal na Tsino ng CRI.
Tunghayan naman natin ang Year of the Dragon 2012 SMS ng ating textmates.
Sabi ng 906 201 1704: "Happy New Year to my favorite station, favorite SW language service, favorite program and favorite DJ! Mabuhay kayo, mga kapatid!"
Sabi naman ng 928 001 4204: "Hi, Kuya Ramon! Binabati ko kayong lahat diyan sa Beijing ng Happy Chinese Lunar New Year! Sana you are always in the pink of health! God bless!"
Sabi naman ng 917 904 0154: "Happy Spring Festival, Kuya Ramon! Paano mo ise-celebrate ang Chinese New Year? Dito, malaki rin ang celebration dahil walang pasok ang eskuwela at opisina."
Masaganang Taon ng Dragon 2012, Kuya Mhon! Sumainyo ang energy, speed and intelligence ng dragon. I'm always with you as you are with me tuwing Sunday evenings."
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Para sa inyong reactions na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |