|
||||||||
|
||
January 29, 2012 (Sunday)
Happy Spring Festival uli. Hindi pa tapos ang Spring Festival, ha? Technically, ito ay nagtatapos sa ikalabinlimang araw ng unang buwan ng lunar calendar, at ngayong taon, ito ay natatapat sa February 6 ng ating Gregorian calendar.
Paputok, panakot sa monster na tinaguriang Nian
Bakit daw tayo nagpapaputok kung Bagong Taon. Alam niyo, dito sa Tsina, ang pagpapaputok ay nagsimula libu-libong taon na ang nakararaan, at ito ay naaayon sa sinaunang kapaniwalaan na pag sumasapit ang Bagong Taon, lumalabas at naggagala ang monster na tinagurian nilang Nian at sinisira nito ang lahat ng mga bagay na kanyang nadaraanan. Pero takot daw sa paputok ang monster na ito, kaya, kung magpapaputok tayo kung Bagong Taon, lalayo ito at hindi makakapanira.
Bigyang-daan natin ang mga mensaheng pang-Spring Festival ng mga tagapakinig.
Jiaozi, di nawawala sa hapag-kainan kung Spring Festival
Sabi ni Maricar ng Cebu City, Philippines: "Kumusta ka na, loving DJ? Okey ka lang ba diyan? Wish ko ngayong taon na sana magbalik sa normal ang health mo at maging consistent ang dating ng iyong boses na kung minsan mababaw at kung minsan malalim. Wish ko rin na sana hindi magbago ang traditional na celebration ng New Year ng Tsina para manatili ang distinct character ng Spring Festival.
Sabi naman ni Angie ng Bulacan, Bulacan: "Happy New Year, Kuya Ramon at ganundin sa libu-libo niyong tagahanga. Sana maranasan ko naman ang New Year niyo sa China. Sabi nila, talagang magandang maganda ang fireworks display diyan at talagang maraming klase ang mga paputok at lusis at masasarap ang mga inihahaing pagkain. Kasama sa plano ko ang pagpunta riyan one New Year's Day."
Sabi naman ni Mel San Juan ng Ermita, Manila: "Happy Year of the Dragon, Kuya Mon!Sana dumalas pa ang inyong Cooking Show at madagdagan ang oras ng pagbabasa niyo ng mga sulat namin. Ang sarap naman talagang makinig sa mga sulat ng mga tagapakinig. Sari-saring experiences ang naririnig mo. Marami tayong natututuhan sa experiences ng mga tao, di ba?"
Salamat sa inyong New Year messages, Maricar, Angie at Mel.
SPRING ON TANSHAN MOUNTAINS
(STRINGED QUINTET)
Chinese Stringed Quintet
Narinig ninyo ang "Spring on Tanshan Mountains," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng Stringed Quintet. Iyan ay isa sa mga koleksiyong Chinese Traditional Music ng China Radio International.
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Jocelyn ng Bajac-Bajac, Olongapo City. Sabi niya: "Happy belated New Year. Kuya Ramon. Tuwing sasapit ang okasyong ito, lagi kitang naaalala at unang naaalala. I'm very proud of you at ipinagmamalaki kitang kaibigan. Marami ngang gustong sumulat sa iyo kasi inggit na inggit sila sa mga ipinadadala mong regalo. Honestly, matagal na akong sumusubaybay sa inyong mga programa. Hindi pa uso ang e-mail nakikinig na ako sa inyo kaya nga nami-miss ko iyong mga programang "Alam ba Ninyo," Dear Seksiyong Filipino" at "Tsina sa Matang Banyaga." Salamat sa paghahatid mo sa amin ng programang Gabi ng Musika, nakilala ko ang mga artist na tulad nina Eason Chan, Jacky Cheung, FIR at iba pa. Ngayong 2012, daragdagan ko pa ang oras ng pakikinig ko sa inyong transmission."
Salamat sa iyong e-mail, Jocelyn. Happy New Year sa iyo.
BIRDS SINGING IN THE MOUNTAINS
(ERHU SOLO)
Mula sa koleksiyon ng Tradisyonal na Musikang Tsino ng China Radio International, iyan ang tugtuging may pamagat na "Birds Singing in the Mountains," na tinugtog sa erhu.
Punta naman tayo sa mga SMS.
Sabi ng 0086 138 113 60604: "Belated Spring Festival, Kuya Ramon. Sana you had a very wonderful time. Sabi bongga raw celebration diyan sa China!"
Sabi naman ng 0086 134 263 77760: "Sana hindi pa huling huli bati ko ng happy Chinese New Year, Kuya RJ. Chinese na Chinese Gabi ng Musika mo last Sunday. Champion ka talaga, Loving DJ.
Sabi naman ng 917 348 2291: "Talaga lang, malakas putukan dito noong Chinese New Year! Full celebration na rin at holiday pa. Talagang we cannot deny our close relation with the Chinese people."
Sabi naman ng 917 401 3194: "Happy Year of the Dragon sa aming loving DJ at sa most favorite naming programang Gabi ng Musika. Do take care, Loving DJ!"
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 921 257 2397.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |