Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-6 2012

(GMT+08:00) 2012-02-08 18:48:48       CRI

February 5, 2012 (Sunday)

Iyong sinasabi ko last time na Lantern Festival ay ipagdiriwang bukas ng mga mamamayang Tsino. Bukas, February 6, ay ika-15 araw ng unang buwan ng lunar calendar. Muling magsasaya ang mga magkakapamilya at magkakaibigan. Magkakasamang kakain ng dinner at pagkatapos kakain ng Yuanxiao—iyong maliit na dumpling balls na gawa sa malagkit na rice flour.

Yuanxiao, Espesyal sa Lantern Festival

Puwede itong palamanan ng matamis o maalat na palaman. Ang matamis na palaman ay gawa sa asukal, walnuts, sesame, osmanthus flowers, rose petals, sweetened tangerine peel, bean paste o jujube. Iyong maalat na variety naman ay binubuo ng mincedmeat, vegetables o kombinasyon ng dalawa. At, malamang kaysa hindi, may putukan na naman sa gabi.

Lantern Display sa 15th Day ng Lunar Calendar

Dumako na tayo sa ating letter-reading portion. Bigyang-daan natin ang sulat ni Lucas Baclagon ng M/V Aldavaran Singapore. Sabi ng kanyang liham: "Dear Pareng Ramon, kumusta ka na? Ipinaaabot din ng mga katropa ko dito sa M/V ang kanilang pangungumusta. Ayos ba naman ang holidays ninyo diyan? Nag-enjoy ka ba nang husto. Alam mo, enjoy kami sa inyong website kasi dito lang kami nakakabasa ng mga balita na nakakapagpatahimik ng loob. Nakakasawa na kasi iyong mga balitang pulitika. Paggising mo sa umaga, pulitika. Sa tanghali, pulitika. Sa hapon at gabi, ganun din. Iyo't iyon din naman. Ngayon, walang laman ang ating pahayagan kundi impeachment ni Corona. Napapabayaan na ang isyung pangkabuhayan. Ang nangyayari tuloy naiiwanan tayo ng ibang mga bansang Asyano. Lagi naming sinusubaybayan ang inyong Balita araw-araw pati mga programang tulad ng Pag-usapan Natin, Deretsahan, Kaalaman sa Tsina, Usap-usapan at Paglalakbay sa Tsina. Iyong dalawang kasama ko rito nag-aaral ng Chinese sa inyo kaya sana padalhan na lang ninyo sila ng libro at CD. Sana, Pre, dagdagan mo pa ang kuwento mo sa Gabi ng Musika. Marami rin kaming natututuhan mula sa iyo. Habaan mo na rin sana ang oras ng programa. Iyon nga palang bigay mong transistor radio, napapakinabangan na namin. Hinihintay na lang namin ang pagpapatuloy ng inyong video Cooking Show at ang inyong mga pakontes sa taong ito. Sana dumalas pa ang ating pag-i-imeylan. Mabuhay and God bless.

Maraming salamat sa iyong e-mail, Pareng Lucas. Hayaan mo, one of these days, susulat ako sa iyo. Marami akong gustong sabihin sa iyo. Tsika-tsika lang naman.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

MANILA

(GARY VALENCIANO)

Iyan si Gary Valenciano sa kanyang sariling version ng awiting "Manila." Ang track na iyan ay lifted sa collective album na may pamagat na "Hotsilog."

Tunghayan naman natin ang e-mail na Haydee Chan ng Paz, Paco, Manila. Sabi ni Haydee: "Dear Kuya Ramon, happy Lantern Festival! Pasensiya na, ngayon ko lang nalaman na mayroon palang tinatawag na Lantern Festival diyan sa Beijing. Regular akong nakikinig sa inyong broadcast sa 7.180 MgHz. Last two Sundays, sinundan ko ang paliwanag mo hinggil sa Spring Festival. Ganun pala ang istorya sa likod niyon. Sana magkuwento ka pa ng mga karanasan mo diyan sa China kasi para sa amin, ito ay bagay na worth knowing. Mahaba kasi ang history ng Chinese civilization at marami pang bagay kaming dapat malaman hinggil dito. Iyan ang isang dahilan kaya sini-surf ko ang mga co.lumn ng inyong website. Siyanga pala, maganda ang lay-out ng website ninyo. Impressed na impressed ako sa professional touch. Congr atulations! Sana habaan pa ninyo ang inyong radio broadcast para humaba rin ang panahon ng aming enjoyment. Mabuhay kayo sa Serbisyo Filipino!

Salamat sa iyong sulat, Haydee. God bless you.

Mukhang report na report na ang ating tagapag-ulat sa Maynila, ah. Okey, Super DJ Happy, ano ba ang latest showbiz tsika natin diyan?

Salamat Super DJ.

CAMEL BELL

(DAO LANG)

Dao Lang at ang kanyang orihinal na awiting "Camel Bell," na hango sa album na may pamagat na "The First Snow in 2002."

Punta naman tayo sa mga SMS.

Sabi ni Gertrude ng Guadalupe, Makati City: "Hi, Kuya Ramon! Thanks for the info! Ngayon ko lang nalaman na 15 days ang duration ng Chinese New Year!"

Sabi naman ni Chato ng La Consolacion College Manila: "Happy Lantern Festival to Kuya Ramon and Everybody! Enjoy the lantern parade. Ano ba ang madala ihanda sa ganitong okasyon?"

Sabi naman ni Bridget ng Antipolo, Rizal: "How are you these days, Kuyang? Thank you for remembering me and my family last Christmas and New Year. It was kind of you!

Sabi naman ni Mildred ng Atimonan, Quezon: "Let the heavenly light shine upon you, wonderful people of CRI Filipino Service."

Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>