|
||||||||
|
||
February 12, 2012 (Sunday)
Happy Valentine's Day sa inyong lahat. Kumuntik ko na makalimutan, ah. Mabuti na lang naipaalala niyo…
How do you define love?
Sabi ng 920 950 2216: "Love is a passion that needs an action; no acts of love, no love at all."
Sabi naman ng 917 351 9951: "Love is the end of a long and winding road; you need perseverance to reach your destination"
Sabi naman ng 919 426 0570: "Love is an unidentified term, but the fruits that it bears are well defined."
Sabi naman ng 915 844 4529: "Ang pag-ibig ay bagay na dakila na nakalaan para sa mga pinagpala."
At sabi naman ng 910 435 0941: "Ang pag-ibig ay hindi kaning isinusubo na iniluluwa kapag napaso."
Maraming-maraming salamat. Ang gagaling niyo. Talaga lang.
Bigyang-daan naman natin ang e-mail ni Candy ng Malabon, Metro Manila. Sabi niya: "Hi, Kuya Ramon! Christian greetings and happy Love Day sa inyo. Kumusta ba ang buhay-buhay diyan sa China? Popular din ba riyan ang Araw ng mga Puso? Para sa akin, ang Araw ng mga Puso ay hindi lamang para sa lalaki at babae, kundi para rin sa anak at kanyang mga magulang. Ngayong Valentine's Day, magbe-bake ako ng cake para sa nanay ko bilang pasasalamat sa kanyang matiyagang pagpapalaki sa aming magkakapatid. Maagang nawala ang tatay ko kaya ang nanay ko ang tumayong bread winner sa amin. Ang gagawin kong cake ay talagang espesyal, hugis puso. Sana magkaroon kayo ng pagkakataong matikman ang bini-bake kong cake. Maraming nagpapagawa sa akin. Maraming order. Bukod sa pagbi-bake, mahilig din akong magluto ng iba't ibang putahe, kaya lagi akong nakikinig sa inyong Cooking Show para matuto ako ng mga Chinese recipes. Thank you rin sa padala ninyong recipes. Hindi lang ako nakakasulat nang regular, pero regular naman akong nakikinig sa inyong mga programa. Bukod sa Cooking Show, pinakikinggan ko rin ang inyong pang-araw-araw na Balita. Gusto kong ibahagi sa inyo ang isang excerpt from the Bible: "Ang hindi nakakaalam ng pag-ibig ay hindi nakakakilala sa Diyos, dahil ang Diyos ay pag-ibig." Sana araw-araw ay maging Valentine's Day at maghari ang pag-ibig sa buong sanlibutan. Maligayang Araw ng mga Puso sa inyong lahat diyan sa Serbisyo Filipino."
Maraming salamat sa iyong e-mail, Candy. Ikaw ay isang ulirang anak. God bless you.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
EVENING MUSIC
(JAY CHOW)
Iyan, narinig ninyo si Jay Chow sa kanyang awiting "Evening Music," na lifted sa album na pinamagatang "November's Chopin 11."
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Naila Feria ng San Juan, Metro Manila. Sabi niya: "Hi, Kuya Ramon! Kumusta kayo diyan sa radyo. Kababalik ko lang galing ng Visayas. Okay naman biyahe ko. Gusto kong ipaalam sa iyo na marami na tayong tagapakinig sa Samar, Bohol, Iloilo at Negros. Bukod sa mga kliyente ng aming company, nakausap ko rin iyong mga residents ng mga lugar na pinuntahan ko, kaya nakakasiguro ako na marami talagang listeners at may mga bago pang listeners. Sabi nila, hindi lang weekend programs ang pinakikinggan nila. Nakatutok din sila sa News and Current Affairs at iba pang programa. Natutuwa nga ako dahil sa bawat biyahe ko, nakakakuha na ako ng policyholders, nakakahatak pa ako ng listeners. Tulong ko iyon sa Serbisyo Filipino. Salamat sa mga padala mong regalo. Marami palang mga bagong items, ha? Paano nga pala ang Valentine's Day mo? Huwag mong sabihing katulad pa rin ng dati. Sana makakuha ka naman this time ng serious date, joke-joke lang. Tatawagan kita after a few days dahil marami pa akong gustong ikuwento sa iyo. Okay, sa susunod na uli. Happy Valentine sa inyong lahat diyan sa Filipino Service.
Maraming-maraming salamat sa iyo Naila. Aantayin ko ang tawag mo. Happy Valentine's Day din sa iyo.
Ngayon, punta na tayo sa ating Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, super DJ!
LOTUS'S BROTHER-IN-LAW
(WANG RONG)
Wang Rong sa kanyang awiting "Lotus's Brother-in-Law," na hango sa collective album na may pamagat na "You Can Listen and Sing with Us."
Dumako naman tayo sa mga SMS.
Sabi ng 928 442 0119: "Happy Valentine's Day and belated happy Spring and Lantern festivals! May you have more lucky days and more success ahead of you!"
Sabi naman ng 915 807 5559: "Masayang bati para sa Valentine's Day, Kuya Ramon. Sana manatili kang mapagmahal sa aming lahat na masusugid mong tagapakinig. Kapiling mo kami kung Linggo ng gabi."
Sabi naman ng 921 577 9195: "Happy, happy Day of Loving Hearts, Kuya RJ! Sana may tamaan na si Kupido. Pana nang pana wala namang tinatamaan, eh. Paano ba iyan? Hehehe."
Sabi naman ng 906 201 1704: "Maligayang Araw ng mga Puso, Kuya Ramon and everybody out there in Filipino Service. Sana magkaroon pa kayo ng mga kaibig-ibig na programa sa mga darating na araw. More power sa Gabi ng Musika and Filipino Service."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. Happy Valentine's Day and God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |