|
||||||||
|
||
February 26, 2012 (Sunday)
Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Kung okey kayo riyan okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
Nagtatanong si Alicia Lee ng Bajac-Bajac, Olongapo City kung totoong malaki ang nagagawa ng carrot para malabanan ng katawan ng tao ang ilang uri ng sakit. Ang sagot ko: totoo.
Sa katunayan, ganyang ganyan din ang pahayag ng bagong pananaliksik ng mga siyentistang Tsino dito sa Beijing.
Sabi nila, ugaliin daw natin ang pagkain ng carrot o pag-inom ng katas nito para manatiling malakas at malusog ang ating mga katawan.
Pinatutunayan din, anila, ng kulay orange at makatas na ugat ng carrot na ito ay isang kahanga-hangang alternative food para doon sa mga taong nagtitiis ng matinding paso, malalim na sugat o doon sa mga napapasailalim sa chemical treatment dahil sa tumor.
Carrot, pagkaing pampalusog
Ipinalabas ng mga siyentistang Tsino ang kanilang bagong findings hinggil sa carrot na anila ay isang halaman na ang kahalagahan, kung hindi man ipinagwawalang-bahala, ay itinatanggi sa loob ng mahabang panahon.
Natuklasan din ng kanilang pananaliksik na malaki ang nagagawa ng beta-carotene, na nakakatas sa carrot para pigilin ang toxic element na naiimbak sa bituka ng tao sa pagkalat sa ibang bahagi nito.
Anila, ang bituka ng tao ang pinakamalaking storage area ng mga bacteria at toxic elements sa katawan ng tao. Ang bituka, ayon pa rito, ay may espesyal na trabaho ng pagpigil sa mga elementong ito sa pagpasok sa circulatory system ng katawan ng tao.
At sa mga kaso ng matinding paso, malalang sugat o pangmatagalang clinical treatment, ang mucosal membrane ay madalas na napipinsala, kaya napapahintulutan ang toxic materials at bacteria na malayang makapasok sa dugo at kumalat sa ibang part eng katawan. Maari, anila, na maging dahilan ito para ang ibang organo ay tumigil sa pagtatrabaho o baka magresulta pa sa pagkamatay.
Ayon sa mga siyentista, wala pang epektibong lunas, sa ngayon, para sa problema na sanhi ng hindi pagtatrabaho ng maraming organo o multi-organ failure.
Sa isang eksperimentong isinagawa sa pakikipagkolaborasyon sa Research Center for Burns ng Chinese Army, nadiskubre ng mga siyentistang Tsino na ang katas ng carrot na kanilang dinebelop ay makakapigil sa biglaang paglitaw ng mga toxic element sa bituka ng mga daga, na ang mga mucous membrane ay artipisyal na sinira. Nagawa nilang ibaba sa loob ng 72 oras ang death rate ng mga ito sa mahigit sa kalahati.
Ang mga siyentista ay nakadebelop ng isang cell wall bridge technique na maaring kumatas ng 50 porsiyento ng mga carotene mula sa carrot kumpara sa mga rekord na 20 porsiyento lamang. Ayon pa sa kanila, mas marami ang may gusto ng katas ng carrot kaysa carrot mismo.
Kaya, ipinapayo ng mga siyentistang Tsino na ugaliin natin ang pagkain ng carrot dahil ito ay tunay na pagkaing pampalusog.
Doon nga pala sa mga nagtatanong, ang National People's Congress at Chinese People's Political Consultative Conference, NPC at CPPCC, ay magbubukas next week. Abangan ninyo ang aming mga balita at mga espesyal na programa na may kinalaman dito. Siyempre, welcome din ang inyong mga opinion hinggil sa mga sesyon ng dalawang nabanggit na kapulungan.
Doon naman sa tanong ni Delia ng Carmona, Cavite hinggil sa kahalagahan ng pamilya, isang bagay lang ang masasabi ko: No amount of success can compensate for failure in the family. Iyan, pag-isipan mo ang sinabi kong iyan, Delia.
BITIN SA IYO
(ERIK SANTOS)
Iyan, narinig ninyo ang malamig na tinig ni Erik Santos sa awiting "Bitin Sa'yo," na lifted sa collective album na may pamagat na "Hotsilog."
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Jovy Ventura ng Bataan General Hospital. Sabi ng kanyang liham: "Dear Kuya Mon, kumusta ka na? Stabilize na ba ang health mo? Marami kami rito ngayong nakikinig sa inyong mga programa. Alam mo, Kuya, nami-miss ko ang mga pakontes ninyo na tulad noong early 2000. Madalas akong manalo sa mga knowledge contest na iyon at kumuntik na rin akong makapunta ng China. Hanggang ngayon, nakadispley pa rin sa kuwarto ko ang mga napanalunan kong premyo. Napaka-memorable na items. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kelan lang. Minsan, may binanggit kang bamboo dress. Ang ibig mo bang sabihin ay damit na gawa sa bamboo fiber? Hindi ba makati sa katawan? Puwede bang makahingi ng pictures? Salamat sa daliang pagsagot mo sa letter ko. Impressed ako. Pipilitin kong sumulat nang madalas sayo at sana lagi mong basahin sa air mga sulat ko. Maraming laman ang inyong website kaya hindi ko nababasa lahat in one sitting. Sa totoo lang, very informative ito. Sabihin mo lang kung gusto mo akong mag-contribute sa inyong website o maski sa inyong radio broadcast. Napapakinggan ko nang malinaw ang inyong transmission sa 7.180 Mghz. Pinakikinggan ko nang buo ang inyong broadcast mula sa balita hanggang huling programa. Susulat uli ako pag may bagong development na karapat-dapat isulat.
damit na gawa sa bamboo fiber
Salamat, Jovy. Hayaan mo at padadalhan kita ng litrato ng bamboo dress na sinasabi ko. Matutuwa ka. Talagang very colorful.
Ngayon, dumako naman tayo sa bahaging pinakahihintay ninyong lahat—Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok.
Salamat, Super DJ.
STRANDED
(ZHOU JIELUN)
Zhou Jielun sa awiting "Stranded," na buhat sa album na pinamagatang "Broken Bridge."
Tingnan naman natin ang mga mensahe ng ating textmates.
Sabi ni Eddie J. S. ng Parang, Marikina: "Ang nangyayari sa Syria ay civil war. Hindi i2 dapat pakialaman ng mga taong-labas."
Sabi naman ni Claire ng Pulong Bulo, Angeles City, Pampanga: "Thanks, Kuya RJ, for playing "I Have Nothing" and "I Will Always Love You." Napaiyak ako ng di-oras."
Sabi naman ni Carol ng carolnene.edwards@gmail.com: "Hi, Kuya Mon! This is very encouraging: 'Being single doesn't mean that you are weak; it means that you are strong enough to wait for what you deserve."
Sabi naman ni Vanessa ng Sta. Catalina College Manila: "Ok naman website niyo, Kuya Mhon. Mahirap lang ma-access mga columns. A little complicated."
Sabi naman ni Joselito ng Kamias, Quezon City: "Kuya Mhon, sa tingin ko, talagang dapat mag-usap ng deretsahan ang Pilipinas at Tsina pagdating sa issue ng South China Sea. Di dapat makialam dito ang Western countries."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa
alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |