|
||||||||
|
||
March 11, 2012 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
Mga Kinatawan ng NPC mula sa Pambansang Minorya
Napanood ko iyong pagbubukas ng NPC session last Monday, at ang unang-unang nakatawag ng pansin ko ay iyong traditional costumes ng mga kinatawan mula sa pambansang minorya. Magandang-maganda at makulay na makulay ang kanilang mga kasuotan. Natawag ang pansin ko kasi walang ganyang tagpo diyan sa atin pag nagbubukas ang Kongreso.
Ang isa pang nakatawag ng pansin ko ay iyong dami ng reporters na nagko-cover. Punung-puno ng mga mamamahayag mula sa loob at labas ng bansa ang gallery. Ganoon karami ang mga reporter na gustong makakuha ng balita hinggil sa ginaganap na sesyon. Naisip ko tuloy na marami sigurong mga mamamayan sa iba't ibang panig ng mundo ang interesadong makarinig ng balita hinggil sa NPC.
Giant Buddha ng Sichuan, Tsina
Nakakita na ba kayo o nakarinig ng istatuwa ng Buddha na kasintaas ng 20-palapag na gusali? Subukin ninyong ilarawan sa inyong isip. Siguro, ni sa guni-guni, hindi pa kayo nakakakita nito. Sa Lalawigan ng Sichuan, dito sa Tsina, mayroon nito.
Diyan sa Pilipinas, popular na popular ang Sichuan food. Pero, hindi lang sa pagkain popular ang Sichuan. Marami rin itong magagandang pook at mga sinaunang istruktura at istatuwa na gaya nitong giant Buddha na ito.
Ang istatuwa ay nakaharap sa pinagsasalubungan ng tatlong tributaries ng Yangtze River. Ayon sa isang kuwento, dito sa lugar na ito ay maraming nagaganap noong araw na mga aksidente ng mga sasakyang pantubig at ito raw Buddha na ito na nakumpleto sa panahon ng Tang Dynasty ay sinasabing siyang kumokontra sa masamang ispiritu sa ilog.
Itong Buddha na ito na may taas na 71 metro ay inukit sa paanan ng isang bundok--ang Lingyun--at ang nagsisilbing tanawin sa likod nito ay isang burol. Pinaniniwalaang ito ang kauna-unahang nakaupong Buddha sa buong mundo.
Alam niyo, ang mga bisita mula sa loob at labas ng bansa ay namamangha sa higanteng istatuwang ito. Bakit ikaniyo? Eh, kasi naman, sa isang paa lang nito kasyang-kasya ang isang-daang tao.
Pagkaraan ng 1,000 taong pagkakabilad sa araw at ulan, ang Buddha ay nagkaroon ng kapinsalaan dahil sa erosyon, alat, matatarik na bangin at hindi sapat na paagusan ng tubig.
Sinisikap ng Munisipyo ng Bayan ng Leshan ng Lalawigan ng Sichuan na malutas ang problemang ito. Noong mga unang dako ng 1960's at kalagitnaan ng 1970's, ang pamahalaang munisipal ay naglunsad ng malakihang pagkukumpuni ng istatuwa at mga paligid nito.
Sa dahilang ang istatuwa ay nabibilang sa pangunahing pambansang proyekto ng pagkukumpuni noong 1984, pinabilis ng isang espesyal na lupon na binuo ng Pamahalaang Munisipal ng Leshan ang gawain ng pagsasaayos.
Sa tulong ng ultrasound, kinumpleto ng mga eksperto ang kinakailangang datos na may kinalaman sa geological survey at itinala nila ang meteorologic, hydrologic, pollution at tremor data. Pagkatapos nito, sinimulan nila ang pagpapatibay ng matatarik na burol at pagsasaayos ng sistema ng paagusan ng tubig.
Ang proyektong ito ay nakakuha ng malasakit sa buong bansa. Nitong mga nakalipas na taon, ang gobyerno ay nakapamuhunan ng mahigit 40 milyong yuan para sa pagkukumpuni, na ang karamihan ay galing sa individual donors. Gaya ng sinabi ng mga donor na ito, ang Buddha ay hindi lamang pag-aari ng Tsina. Ito ay pag-aari ng daigdig.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
EVERYBODY
(JACKY CHEUNG)
Narinig ninyo ang magandang tinig ni Jacky Cheung sa awiting "Everybody" na lifted sa album na pinamagatang "Are You Falling in Love?"
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Menchu Cabalug ng Cebu City. Sabi niya: "Kuya Ramon, napapakinggan namin mga programa niyo sa radyo dito sa Cebu City. Enjoy kami sa inyong Balita, Usap-usapan at ulat ni Ka Melo Acuna ng CBCP. Sinusundan din namin ang inyong Kaalaman, Diretsahan, Pinoy sa Tsina, Movie Buddy at Pag-usapan natin. Ipinagmamalaki ko ang inyong Pop China at Gabi ng Musika. Sana matapos na ang isyu ng South China Sea. Nakakalungkot ang mga balita hinggil diyan sa isyu na iyan. Excited na kami sa ilalabas niyong bagong gimik for this year. Hinihintay ko ang QSL ng reception report ko. Thanks and God bless.
Maraming salamat sa iyong e-mail, Menchu.
Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang impresyon ng ilang tagapakinig sa NPC at CPPCC.
Sabi ni Kolin ng Singalong, San Andres, Manila, lagi raw niyang sinusubaybayan ang mga sesyon ng NPC at CPPCC nitong mga nagdaang ilang taon. Ang NPC at CPPCC aniya ay unique at talagang may Chinese characteristic at hinahangaan niya ang paraan ng kanilang pagtatrabaho. Sabi niya: (VOICE)
Sabi naman ni La Trixia ng Galas, Quezon City, sa pagkakaalam daw niya, itong National People's Congress ng China ay isang kongreso na ang attitude ay walang bahid ng pulitika at ang mga kinatawan ay walang vested interest. Sabi pa niya: (VOICE)
Sabi naman ni Rosselle ng Sta. Ana, Manila, binabati raw niya ang NPC at CPPCC sa pagbubukas ng kanilang sessions. Marami aniyang humahanga sa kanilang cooperative efforts sa paggawa ng magagandang batas para sa bansa. Sana aniya: (VOICE)
Sabi naman ni Butch ng Subic Bay Port, Bataan: (VOICE)
Maraming-maraming salamat sa inyo...
TEN YOUNG FIREFIGHTERS
(EASON CHAN)
Eason Chan, sa awiting "Ten Young Firefighters" na hango sa album na may pamagat na "Digital Life."
Bigyang-daan naman natin ang mga SMS.
Sabi ng 917 351 9951: "Sa palagay ko, hindi mahalaga ang haba ng sesyon ng NPC at CPPCC. Ang mahalaga ay kung gaano karaming batas ang nagagawa."
Sabi naman ng 919 651 1659: "Kuya Ramon, maikli lang ang session ng NPC, pero, mataas naman ang episiyensi. Binabati ko ang lahat ng mga kinatawan nito."
Sabi naman ng 920 950 2716: "Nagkaroon ako ng konting idea kung paanong nagpa-function ang NPC. Salamat sa inyong live coverage at mga espesyal na programa."
Sabi naman ng 917 401 3194: "Binabati ko ang lahat ng mga kaibigang Chinese sa pagkakaroon nila ng masigasig na mga mambabatas. Congratulations din sa inyong live coverage."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |