Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-12 2012

(GMT+08:00) 2012-03-21 16:58:39       CRI

March 18, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Hello sa lahat ng mga tagasubaybay sa Hong Kong, Singapore, Germany, Switzerland, Denmark at Finland. Salamat sa inyong remarks, comments at suggestions. Sana hindi kayo magsawa ng pagsubaybay sa aming mga programa at pagbisita sa aming website. God bless you all...

May nag-second the motion doon sa remarks ko hinggil sa status ng mga kababaihan dito sa Tsina doon sa isang programa namin last week. Maraming salamat po. Mayroon pala akong kakampi.

Wang Yihan, Popular na Babaeng Badmintong Player na Tsino

Teresa Teng, Popular sa Daigdig na Yumaong Babaeng Mang-aawit na Tsino

Mga Babaeng Pulis na Tsino

Sinabi ko last time na, sa obserbasyon ko, mataas ang katayuan ng mga babae dito sa Tsina kumpara sa ibang bansa ng mundo, partikular na sa Asya at Gitnang Silangan. Dito sa Tsina, kinikilala ang kakayahan talino ng kababaihan, kaya marami kang makikitang mga babae na gumagawa ng trabaho ng mga lalaki. Marami kang makikitang babaeng bus drivers, taxi drivers, conductors, electronic technicians at assemblers. Maging doon sa mga construction site marami ring makikitang babae. Marami ring babaeng nurses, mga babaeng guro, language experts, mga pulis at mga sundalo. Marami ring babaeng Tsino na nakagawa ng pangalan sa larangan ng palakasan, pinilakang tabing, musika at iba pa.

Ang bilang ng female legislators sa Tsina ay higit na mataas kung ikukumpara sa mga bansang tulad ng U. S. A., Thailand, South Korea at Japan.

Salamat uli doon sa nag-second the motion.

May nakilala akong mga kababayan sa isang wholesale market doon sa downtown Beijing. Ang mga ito ay ang mag-asawang Pete at Annie Lim.

Noong mga oras iyon, namimili sila ng ipapasalubong sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Nagpunta sila sa Beijing para dumalo sa isang seminar na may kinalaman sa kanilang propesyon. Sila ay parehong ophthalmologists.

Ibinahagi nila sa akin ang kanilang observation sa Tsina. Sabi nila, ang China raw ay peaceful na peaceful at isa sa iilan na lamang bansa sa daigdig na masasabing fully secured. Sabi nila, wala ka raw aalalahanin dito sa paglabas-labas mo sa gabi o pag-uwi mo sa mga alanganing oras. Ito raw siguro ang dahilan kaya maraming Pilipino ang tumatagal dito.

Ayon pa sa mag-asawa, ang development ng Tsina ay katotohanan na hindi maitatago. Kahit na raw iyong mga hindi pa nakakarating ng Tsina, nakakagamit ng China-made products at alam ng mga ito na bumabaha ng Chinese products sa lahat ng mga pangunahing lunsod ng daigdig. Iyan lang aniya ay malinaw nang ebidensiya kung gaano kalaki ang volume ng Chinese products. Finally, sinabi nila na maraming produkto ang Tsina na very competitive sa world market dahil mababa na ang presyo, export quality pa.

Bon Voyage sa inyo, Mr and Mrs. Pete Lim...

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

MANILA
(GARY VALENCIANO)

Narinig ninyo si Gary Valenciano sa kanyang sariling version ng awiting "Manila." Ang version na iyan ay lifted sa collective album na may pamagat na "Hotsilog."

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Menchu Cabalug ng R. R. Landon Extension, Cebu City. Sabi niya: "Kuya Ramon, napapakinggan namin mga programa niyo sa Radyo dito sa Cebu City. Enjoy kami sa inyong Balita, Usap-usapan at ulat ni Ka Melo Acuna ng CBCP. Sinusundan din namin ang inyong Kaalaman, Diretsahan, Pinoy sa Tsina, Movie Buddy at Pag-usapan Natin. Ipinagmamalaki ko ang inyong Pop China at Gabi ng Musika. Sana, matapos na ang isyu ng South China Sea. Nakakalungkot ang mga balita hinggil diyan sa isyu na iyan. Excited na kami sa ilalabas ninyong bagong gimik for this year. Hinihintay ko ang QSL ng reception report ko. Thanks and God bless."

Salamat, Menchu. Naipadala ko na iyong QSL ng reception report mo. God bless you.

Ngayon, narito ang matagal na ninyong pinaghahanap--ang super DJ natin sa Maynila. Sige, Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

BEAUTIFUL SNOW
(PAN RONG)

Pan Rong, sa awiting "Beautiful Snow" na buhat sa collective album na pinamagatang "Super Girls' Voice."

Punta naman tayo sa mga SMS.

Sabi ng 919 561 2548: "Kuya Ramon, siguro mayroon pa rin namang katulad ni Lei Feng sa pali-paligid, hindi lang natin natitiyempuhan. Kaya nga lang, mas marami ang hindi niya katulad."

Sabi naman ng 906 201 1704: "Siguro dapat din naman nating talakayin ang isyu ng kakulangan sa pampublikong palikuran. Malaking problema pag-inabot ka ng tawag ng kalikasan sa labas ng tahanan."

Sabi naman ng 921 348 2588: "Mahirap talaga katayuan ng mga babae kahit saang larangan kasi bukod sa kanilang profession, sila ay mga ina rin ng tahanan."

Sabi naman ng 915 628 4467: "Ka Ramon, salamat sa mahahalagang impormasyon hinggil sa mga kababaihan sa NPC. Nadagdagan na naman kaalaman ko. Napakinggan ko diretsahan niyo ni Pareng Ernest. Napakinggan ko rin toilet talks ninyo ni Ka Rhio. Mabango dating ng CR."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn.; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com.; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com.; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

>> Pasok sa Blog ni Kuya Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>