Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-13 2012

(GMT+08:00) 2012-03-28 17:27:37       CRI

March 25, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumust na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Nagtatanong si Evelyn Raganit ng Denmark kung bakit daw iyong mga nakatatanda ay gumagamit ng "po" at "opo" sa mga nakababata sa kanila, at iyong mga magkakasing-edad ay namumupo sa isa't isa.

Ang sweet mo naman, Evelyn. Ang sweet ng tanong mo.

Well, originally, ang "po" at "opo" ay ginagamit ng mga nagsasalita bilang paggalang sa nakatatanda sa kanila o nakatataas sa kanila ng posisyon.

Pero, tulad din naman ng ibang wika, ang wikang Filipino ay buhay na wika, living language, at, dahil sa buhay, nag-i-evolve sa paglipas ng panahon; kaya, kung hindi man nagbabago ang gamit ng mga salita, nadadagdagan naman.

Sa kasalukuyan, naririnig natin ang mga magulang na namumupo sa kanilang mga anak, at ang pangunahing dahilan nito ay para matuto ang kanilang mga anak na mamupo at gumalang sa nakatatanda sa kanila.

Ang mga mag-asawa naman ay namumupo sa isa't isa bilang paglalambing. Ang paggamit nila ng "po" o "opo" ay nagdaragdag ng lambing o sweetness sa kanilang mga pangungusap.

Ang mga nakatatanda at nakatataas naman ay namumupo sa nakababata at nakabababa sa kanila bilang simpleng paggalang sa mga ito. Ang kanilang pamumupo ay walang kinalaman sa edad o sa posisyon ng kausap.

Alam niyo, mayroong kuwento hinggil diyan.

Nang magtapat daw ang isang binata sa kaniyang nililigawan, sinabi daw nito, "I love you po."

Ang sagot naman daw ng dalaga, "I love you din po."

Salamat sa e-mail, Evelyn.

The Great Wall of China

Forbidden City in Beijing

Hall of Prayer for Good Harvests sa Temple of Heaven

May bisita pala kami next month. Gustong magpunta rito ni Lindsay Browning ng Canada. Si Lindsay ay mga tatlong taon nang on-line listener ng Serbisyo Filipino. Sabi niya: "Kuya Ramon, sana may time ka para sa akin this coming April. Gusto kong pumunta sa Beijing at dumalaw sa CRI. Bukod sa Great Wall at Tian En' Men Square, gusto ko ring puntahan ang Temple of Heaven, Forbidden City at iba pang lugar sa Beijing na mairerekomenda mong puntahan."

Walang problema, Lindsay. Pag sure na sure ka nang pupunta, abisuhan mo ako at least one week earlier para ma-i-arrange natin ang itinerary mo. Sana matuloy ka. I'm looking forward to seeing you in person.

Nagtatanong si Carol ng carolnene.edwards@gmail.com kung sinu-sino ang mga paborito kong Hollywood stars.

Iyan ang tanong.

Ashley Judd

Julia Roberts

Well, to name a few, gusto ko si Kristin Scott Thomas, Ashley Judd, Julianne Moore, Chariz Theron, Susan Sarandon at Julia Roberts.

Ilan lang sila sa mga nagugustuhan ko. Marami pang iba. Siguro, dapat mag-feature ako ng Hollywood stars sa programang ito, ano?

Salamat sa e-mail, Carol.

May tanong pa rito. Sabi ni Manuela ng manuelakierrulf@ymail.com: "Kuya Ramon, hanggang ngayon ba ay itinuturing pang "king of the road" ang mga bisikleta sa Tsina? Siyempre, once a king, always a king. Hanggang noong 1990's, sigurado ako na hari ng kalsada ang mga bisikleta sa China. Pero nang pumasok ang bagong milenyo, parang nag-iba na rin ang ihip ng hangin. Dumami ang mga kotse at nangaunti ang mga bisikleta. Mahirap nang masabi ngayon kung hari pa rin ng kalsada ang mga bisikleta, eh, kasi ultimo iyong mga bicycle lane ay inookupa na rin ng mga sasakyang de motor. Pero, gaya ng nasabi ko, once a king, always a king. Anong malay natin, baka dumami uli ang mga bisikleta pagdating ng araw. Pamahal nang pamahal kasi ang gasolina, eh.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

AWIT NG BATA
(ITCHYWORMS)

Narinig ninyo ang Itchyworms sa kanilang sariling version ng awiting "Awit ng Bata" na lifted sa collective album na may pamagat na "The Best of Apo Hiking Tribute." Alam na siguro ninyo na ang original ng kantang iyan ay iyong sa Apo Hiking Society.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Rosalinda Nunez ng Sucat, Paranaque, Metro Manila. Sabi niya: "Kumusta kayong lahat sa Serbisyo Filipino, Kuya Ramon? Hindi ko pinanghihinayangan ang bawat minutong ginugugol ko sa pakikinig sa inyong mga programa. Pinakikinggan ko lahat ang inyong mga programa Lunes hanggang Linggo. Tama ang sabi ng iba. Ang inyong mga programa ay tunay na pampamilya. Kahit maikli ang inyong transmission, nag-iiwan naman ito ng malalim na impression sa aking isipan. Salamat sa pagbibigay ninyo ng pahalaga sa mga kababaihan. Napakinggan ko ang inyong may kinalamang programa. Talaga namang maraming babae ang martir at api-apihan. Alam niyo, hindi kumpleto ang weekend ko pag hindi ko napakinggan ang inyong Pop China at Gabi ng Musika. Sana magbalik din ang inyong Cooking Show on the air. Salamat sa inyong reply sa sulat ko at mga SMS ko. More power sa inyong Serbisyo Filipino."

Salamat sa iyong e-mail, Rosalinda. More power din sa iyo and God bless you.

Ngayon, alamin naman natin ang latest tsika mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ...

HEAVEN
(GUANG LIANG)

Guang Liang sa kaniyang awiting "Heaven" na hango sa album na pinamagatang "Michael Fairy Tale."

Punta naman tayo sa mga SMS.

Sabi ng 918 730 5080: "Mabuhay ang Gabi ng Musika! Mabuhay ang Serbisyo Filipino! Enjoy ako sa mga programa ninyo!"

Sabi naman ng 910 611 8423: "Enjoy ako ng pakikinig sa inyong mga talakayan kung Friday evening. Nakakatuwa ang mga paksang pinag-uusapan ninyo!"

Sabi naman ng 921 577 9195: "Salamat sa pagsagot mo sa mga sulat ko, Kuya Ramon. Nahihiya ako sa iyo kasi ang bilis mong sumagot, pero, madalas, nadi-delay ako."

Sabi naman ng 919 333 4131: "Kuya Ramon, lagi kitang ipinagdarasal para manatili kang malakas at malusog. Alam mo naman, ikaw ang inspiration ko o namin sa araw-araw."

Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

>> Pasok sa Blog ni Kuya Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>