Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-14 2012

(GMT+08:00) 2012-04-05 18:16:01       CRI

April 1, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Palm Sunday

Ngayon ay April 1, Palm Sunday, very special day para sa ating mga Pilipino. Ito ang pagsisimula ng Mahal na Araw. Nakinig ba kayo ng misa kanina? Dapat lang. Kami man dito sa Beijing ay nagmisa rin. Meron din kaming palaspas hindi nga lang katulad ng sa atin diyan. Tangkay ng halamang may maliliit na dahon ang ginamit. Pero, okey lang. Sana masamantala natin ang Holy Week para sa ating spiritual upliftment. Magawa sana nating i-relate ang ating quote "everyday cross" sa krus na pinasan ni Christ sa Calvary. Sana matutuhan nating tanggapin ang ating mga kasalanan. Sana maging mabunga ang ating Semana Santa...

Bigyang-daan natin ang Holy Week messages ng mga tagapakinig.

Sabi ni May Lesaca ng San Juan, Metro Manila: "Kuya Ramon, Holy Week na. Panay na panay ang reflection ko. Kailangan ko ng peace of mind. Gusto kong mapalapit kay Lord this Holy Week and beyond."

Sabi naman ni Tess Tombocon ng Sta. Mesa, Manila: "Kuya Ramon, sana ang Holy Week na papasok ay maghatid sa inyo ng magandang suwerte, at sana malayo kayo sa anumang karamdaman at kapahamakan. Sana rin magpatuloy pa ang inyong magandang serbisyo sa amin."

Sabi naman ni Sarah Samudio ng AMA Computer Center: "May the peace of the Lord be with you always, Kuya Ramon. Lagi kang laman ng aming mga dasal dahil napakabait mo sa amin. Please stay as sweet as you are."

Sabi naman ni Dr. George ng george_medina56@yahoo.com: (VOICE OF DR. GEORGE)

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

MANILA
(HOTDOG)

Narinig ninyo ang Hotdog sa kanilang awiting "Manila." Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "Hotdog's Greatest Hits."

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Aida Go ng Silay City, Negros Occidental. Sabi niya: "Kuya Ramon, kumusta na? Okay lang ba health mo these days? Natutuwa ako kasi napapag-usapan na ninyo sa air ang mga subjects na hindi ninyo napapag-usapan noon. Iyan ang isang kapuna-punang palatandaan ng pagsulong ng Filipino Service at China Radio International. Pinakikinggan kong lagi ang inyong Pag-usapan Natin, at nagustuhan ko so far ang mga subjects ninyong love, pangangailangan sa public toilets, Lei Feng, consumers at school bus. Lagi kong naririnig ang mga text messages ko sa Gabi ng Musika. Maraming salamat poh. Ipinapangako ko na daragdagan ko pa ang oras ng pakikinig sa inyo at sana habaan din ninyo ang oras ng inyong mga talk shows. Ngayong Holy Week, nakaplano akong mag-Bisita Iglesia at mag-Istasyon, at ipinapangako kong isasama ko kayo sa aking mga dasal. Ipinagmamalaki ko ang Serbisyo Filipino kahit saang lugar ako magpunta. Naniniwala ako na patuloy pang lalakas ang inyong Serbisyo sa paglipas ng mga araw. Ingatan mo ang iyong pangangatawan, Kuya Ramon. Ikaw ang aming huwaran. May God bless all of you."

Salamat sa e-mail, Aida at salamat din sa iyong prayers. Talagang malaking tulong sa amin ang inyong mga dasal.

Qing Ming Festival of China

An April 4 ay Miyerkoles Santo diyan sa atin, pero, dito sa China, ito ay Qing Ming Festival. Nagkataon lang iyan. Pabagu-bago kasi ang petsa ng Qing Ming at ganundin ng ating Mahal na Araw, Holy Week, kaya ngayong taon natapat ang Qing Ming sa Mahal na Araw.

Itong Qing Ming ang katapat ng ating All Saint's Day, kaya, sa Miyerkoles, magpupunta ang mga Chinese sa sementery na tulad ng ginagawa natin kung November 1st.

Ang Qing Ming ay nag-originate sa Hanshi na nangangahulugan ng "Cold Food Only Day." Ito ay memorial day para kay Jie Zitui. Si Jie ay namatay noong 636 B. C. sa Spring and Autumn Period. Isa siya sa mga tagasunod ni Duke Wen ng Jing Dynasty bago maging duke si Wen. Minsan, sabi sa kuwento, sa 19 na taong pamumuhay ni Wen bilang tapon o exile, sila raw ay naubusan ng pagkain at itong si Jie ay nagluto ng meat soup para sa kanya. Lumabas na humiwa pala si Jie ng isang pirasong laman mula sa kanyang hita at iyon ang ginawa niyang soup. Nagkatimo ito kay Wen, kaya nangako siyang bibigyan niya ng reward si Jie. Pero, si Jie ay hindi tipo ng taong naghihintay ng gantimpala o kapalit sa kanyang kabutihang-loob. Ang totoo ay gusto lang niyang tulungan si Wen na makabalik sa Jin, sa Jin Dynasty, para maging hari. Nang maging Duke na si Wen, nagbitiw si Jie sa tungkulin at lumayo kay Wen. Binigyan ni Wen ng pabuya iyong mga taong tumulong sa kanya noong siya ay nasa exile, pero, sa ilang kadahilanan, nakalimutan niya si Jie na noon ay nagpunta na sa gubat kasama ang nanay niya. Nagpunta rin sa gubat si Wen para hanapin si Wen, pero hindi niya ito nakita, kaya, bilang pagsunod sa suggestion ng kaniyang mga opisyal, ipinasunog niya ang gubat para mapilitan daw na lumabas si Jie. Pero, hindi siya lumabas. Namatay siya sa nasusunog na gubat. Laking pagsisisi ng Duke, ni Duke Wen, kaya nagpalabas siya ng kautusang tatlong araw na walang apoy bilang paggalang sa alaala ni Jie.

PARADISE
(JOLIN TSAI)

Jolin Tsai sa awiting "Paradise" na hango sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang mga mensahe ng ating textmates.

Sabi ng 918 730 5080: "Kuya Ramon, hindi na kita tatanungin kung ano ang signs of the times. Makinig ka lang sa mga balita araw-araw malalaman mo na."

Sabi naman ng 915 160 8843: "Hi, Kuya Ramon! Ano ang plan mo for this Holy Week? Wala ka bang balak na mag-retreat? Baka mag-spend ako ng one hour each evening sa pagme-meditate sa "Passion ni Christ."

Sabi naman ng 906 875 5783: "Hi, Kuya RJ! Parami nang parami laman ng Gabi ng Musika. Padagdag din nang padagdag enjoyment namin. Keep up the good work. May God bless you always."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

>> Pasok sa Blog ni Kuya Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>