|
||||||||
|
||
April 8, 2012 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
Easter Mass
Ano ang ginawa ninyo nitong mga nagdaang araw? Nag-istasyon ba kayo? Nagbisita Iglesia? Nangumpisal? Nag-ayuno? Nag-meditate? Sa anumang paraan ninyo ipinagdiwang ang Mahal na Araw, sana naisabuhay ninyo ang tunay na diwa nito.
Salamat sa mga nagpadala ng Easter messages. Salamat, Poska ng poskadot610@hotmail.com; Carol ng carolnene.edwards@gmail.com; Sylvia ng angelsylvia@atlantic.net; Aileen ng perfidia909@yahoo.com; Kate ng red_ford@yahoo.com; at Leck ng bigbenbolt_co@hotmail.com.
Welcome back, Catherine (Catherine Lightfoot).
Si Catherine ay dati ko nang kakilala. Nag-meet kami several years ago noong magpunta siya rito sa Beijing bilang isang turista. Ngayon naman, nagpunta siya rito dahil inanyayahan siya ng isang private school para magturo ng Ingles.
Si Catherine ay may law background at nang magkita kami last week, nasabi niya na marami siyang nami-miss dito sa China at hindi niya mailalarawan ang kanyang kagalakan nang siya ay makatanggap ng imbitasyon para magturo dito sa Beijing. Nami-miss daw niya ang mga kaibigang Chinese, ang Jiaozi, ang hotpot, ang Peking Duck at ang maanghang na Sichuan food.
Where is the Easter Egg?
Sabi niya, primary school students ang hawak niya ngayong term at masuwerte ang mga batang Tsino, dahil, sa murang-gulang pa lamang, nabibigyan na sila ng pagkakataong mag-aral ng Ingles. Maganda raw iyon, dahil, pagtungtong nila ng high school at college, fluent na sila sa Ingles.
Sabi niya, gusto niyang balikan ang Great Wall of China. Balak niya itong panikin for the second time. Hindi niya aniya ma-imagine kung papaano ito nabuo nang hindi gumamit ng makabagong makinarya at kasangkapan. Gusto rin daw niyang dalawin uli ang Terra Cotta Warriors ng Xian na nag-iwan sa kanya ng hindi mabuburang impression.
Sabi niya, baka sa pagkakataong ito, magtagal siya sa China. Mami-miss lang daw niya ng mami-miss ang China kung babalik siya kaagad sa England. Marami na rin daw siyang napuntahang bansa, pero, walang nag-iwan sa kanya ng kasinglalim na impresyon na tulad ng iniwan sa kanya ng China. Sisikapin daw niyang marating ang iba pang mga lugar sa China na hindi niya napuntahan noon.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Gusto ko nga palang ipaabot ang aking taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ng kapatid sa hanapbuhay na si Angelo Castro Jr. Si Angelo ay isang professional broadcaster, at isa sa mga hinahangaang broadcaster ng inyong lingkod. May he rest in peace.
PERS LAB
(RACHELLE ANN GO)
Narinig ninyo ang magandang tinig ni Rachelle Ann Go sa awiting "Pers Lab" na lifted sa collective album na pinamagatang "Hotsilog."
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Donna Sy ng Antipolo, Rizal. Sabi niya: "Dear Kuya Ramon, mula pa noong Palm Sunday, lagi na akong nasa simbahan. Marami akong ipinagdarasal bukod sa sarili ko. Isinasama ko na rin kayong lahat diyan sa Serbisyo Filipino. Ipinagdarasal ko rin ang mga biktima ng bagyo at baha sa Fiji at tornado sa Texas, U. S. A. Hindi ko rin nakakalimutan iyong mga biktima ng labanan sa Syria at siyempre ang mga kababayan natin na mga kapuspalad. Wini-wish ko rin na sana matapos na ang awayang-pulitika dito sa atin. Sobra na rin. Sana harapin naman ng ating mga kinauukulan ang mga problema ng mga mahihirap. Salamat sa pagpaparinig mo sa boses ni Dr. George. Maganda ang mga sinabi niya. Ganun talaga ang Mahal na Araw sa atin, di ba? Maganda rin ang paliwanag mo hinggil sa Pistang-patay ng mga Chinese. Tatandaan ko na ito. Sabi mo mga April ito laging sumasapit. Salamat din sa mga bookmarks at paper-cuts. Maraming nagkakagusto. Sana padalhan mo pa ako kung hindi malaking kaabalahan. Nakikinig ako sa radyo at bumibisita rin sa website. Malaki na ang improvement ng inyong mga programa at puwedeng puwedeng ipagmalaki ang inyong website. Sa susunod na sulat ko, magpapadala ako ng reception report. Puwede bang makahingi ng form? Hangga't may pagkakataon, hindi ko puputulin ang pakikinig ko sa inyong transmission. Mabuhay kayo at happy Easter sa iyo at sa Serbisyo Filipino."
Salamat sa e-mail Donna at happy Easter din.
Si Donna ay mga dalawang taon nang nakikinig sa Serbisyo Filipino. Siya ay namamasukan bilang kahera sa isang internet café sa Makati.
Ngayon, dumako naman tayo sa ating Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok! (Voice of Super DJ Happy)
Salamat, Super DJ!
LOVE BIRDS
(F. I. R.)
Narinig ninyo ang F. I. R. sa awiting "Love Birds" na buhat sa kanilang album na may pamagat na "Unlimited."
Bigyang-daan natin ang ilang SMS.
Sabi ng 917 401 3194: "Happy Easter, Kuya Ramon! Patuloy pa rin pala mga programa ninyo kahit Holy Week, at natapat pala sa Holy Week ang Tomb Sweeping Festival ng mga Chinese."
Sabi naman ng 0049 242 188 210: "Happy Easter Sunday, Kuya Ramon! Kumusta ang Holy Week ninyo diyan sa China? Naka-attend ka ba ng Concelebrated Mass kagabi? Sana maging blessed ang mga araw mong darating."
Sabi naman ng 138 114 09630: "Maligayang Pasko ng Pagkabuhay, Kuya Ramon! Kumust ba ang buhay-buhay pagkaraan ng Mahal na Araw? Mas gusto ko ang kinagisnan nating paraan ng pagse-celebrate ng Mahal na Araw. Mas napi-feel ko ang spirit ng Holy Week sa ganitong paraan."
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. Happy Easter and God bless...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |