Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-17 2012

(GMT+08:00) 2012-04-25 18:33:18       CRI

April 22, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Dick Clark

Sumakabilang-buhay na ang batikan at kilala sa buong mundong TV host na si Dick Clark. Ang tinaguriang "world's oldest teenager" ay namatay dahil sa massive heart attack sa gulang na 82 noong ika-18 ng Abril ng kasalukuyang taon sa St. John's Hospital sa Los Angeles.

Si Dick ay naging breakout star makaraang mapili para maging host ng "American Bandstand," isang panghapong dance show para sa teenagers, na nagsimulang isahimpapawid sa buong Amerika noong 1957. Si Elvis Presley, Janis Joplin at ang Jackson 5 ay ilan lamang sa mga matutunog na pangalang naitampok sa naturang programang pantelebisyon. Nagtatag din si Dick ng sarili niyang production company at nagprodyus ng mga programang naging popular sa buong mundo, na tulad ng "TV's Bloopers and Practical Jokes" at the 25,000-Dollar Pyramid. Nagprodyus din siya ng TV award shows, kasama na ang "Golden Globe's."

Naulila ni Dick ang kanyang ikatlong asawa na si Keri Wigton at tatlong anak.

Nakikiramay kami rito sa Serbisyo Filipino sa kanyang pamilya.

Isang isla sa South China Sea

Kausap ko sa telepono noong isang araw si Manuela ng Gachnang, Switzerland, at mayroon siyang offer na solution para sa issue ng South China Sea. Sabi niya, nasisira raw ang araw niya tuwing nakakarinig siya ng balita hinggil sa isyu ng South China Sea sa pagitan ng China at Pilipinas. Sabi niya, matagal na talaga ang isyung ito, pero, noon ay sumusunod ang Pilipinas sa nilagdaan nitong code of conduct at hindi nag-iingay na tulad ng ginagawa ngayon ng kasalukuyang administrasyon. Baka aniya may kinalaman ito sa darating na eleksiyon o sa hangarin ng US na muling maglagay ng military base sa Pilipinas. Para sa ikatatahimik ng lahat, dapat aniyang dumistansiya muna ang Pilipinas sa pinagtatalunan nilang isla ng Tsina, lumayo sa media, iwasan ang pabibitiw ng maaanghang na salita, makipagsanggunian sa ASEAN hinggil sa isyu, sumunod sa code of conduct at isaisantabi muna ang isyu at harapin ang isyung pangkabuhayang kinakaharap ng Pilipinas.

Salamat, Manuela. Maraming, maraming salamat. Magka-vibes tayo.

Chinese Hybrid Rice

May hatid na magandang balita si Josie ng Tecson, Sta. Cruz, Manila. Sabi niya sa kanyang e-mail: "Kuya Ramon, may magandang balita. Susubukin daw ang hybrid rice ng China. 40 bagung-bagong Chinese hybrid rice variety ang planong itanim sa isang demonstration farm dito sa atin para raw dumami pa ang bilang ng uri ng palay na maaring gamitin ng ating mga magsasaka. Magsasagawa ng pag-aaral ang Philippine-Sino Center for Agricultural Technology kung saan pipili sila ng 10 bagong variety ng palay para sa national cooperative testing. Ang mga mapipiling uri ay sasailalim sa mga adaptability trial sa 15 lalawigan. Ang pagdedebelop at commercialization ng mga uri ng hybrid rice ay isa sa tatlong component projects ng ikalawang bahagi ng bilateral agreement ng Pilipinas at China na isinagawa noong 2003 hanggang 2008. Ang ikalawang bahagi ay nagsimula last year at magtatapos sa 2016.

Maraming-maraming salamat, Josie. Magandang balita talaga.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

SOMETHING WILD
(NAN QUAN MAMA)

Iyan ang Nan Quan Mama, sa kanilang awiting "Something Wild" na lifted sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang e-mail ni Carla ng Virac, Catanduanes. Sabi niya: "Kuya Ramon, mabuhay! Una, salamat sa mabilis na pagsagot mo sa SMS at e-mail ko. Liban kung Monday and Wednesday, lagi kong pinakikinggan mga programa niyo sa radyo. Nami-miss ko ang inyong "Cooking Show" at "Mag-aral Magsalita ng Wikang Tsino." Ano ang nangyari sa mga programang ito? Enjoy ako sa talakayan ninyo ni Kuya Rhio kung Friday. Nakikitawa rin ako sa inyo. Hindi ko nakakaligtaang pakinggan ang inyong "Gabi ng Musika" kung Linggo. Maraming familiar numbers doon sa mga binabasa ninyong SMS at familiar names sa mga e-mails. Ang puna ko lang ay konti lang ang nababasa ninyong messages and letters. Kailangan siguro talagang habaan ninyo ang oras ninyo. Sana matapos na ang pagtatalo ng Philippines at China sa South China Sea. Hindi magandang tayong magkakalapit na bansa ay nag-iiringan lagi. Dapat maalis kaagad ang tensiyon sa pagitan ng dalawang panig. Sana mapadalahan mo rin ako ng CD ng Chinese lessons, na gaya ng ipinadala mo sa friend ko. Sana, basahin ninyo ito sa air. Thank you so much in advance. Mabuhay!

Maraming salamat sa iyong e-mail, Carla. Matagal ka atang nawala sa sirkulasyon, ah. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo ngayon?

Ngayon, dumako naman tayo sa ating Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

LANGIT NA NAMAN
(SAM MILBY)

Sam Milby sa awiting "Langit na Naman" na hango sa collective album na pinamagatang "Hotsilog."

Punta naman tayo sa mga mensaheng SMS.

Sabi ng 910 662 1181: "Sana itigil na ng mga kinauukulan natin ang pakikipagpingkian dahil sa Spratley Islands. Makipag-usap na lamang sila at gumawa ng compromise."

Sabi naman ng 918 730 5080: "Hindi po ba meron nang nilagdaang code of conduct ang ASEAN at China para sa peaceful solution ng South China Sea issue? Bakit hindi ito binabanggit ng Filipino officials?"

Sabi naman ng 919 462 8180: "Anumang gusot ay may lusot, basta kalmado lang ang mga sangkot na panig at meron silang strong will na malutas ang gusot in a most peaceful way."

Sabi naman ng 917 808 8118: "Dapat tapusin na ang kaguluhan sa South China Sea. Marami pang mas importanteng problema na dapat harapin."

Salamat sa inyong text messages.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn.; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...

>> Pasok sa Blog ni Kuya Ramon

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>