|
||||||||
|
||
April 29, 2012 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh...
May mga natanggap kaming May Day greetings. Labor Day nga pala samakalawa. Happy Labor Day sa inyong lahat.
Kung tutuusin, ang Labor Day ay araw nating lahat, dahil halos lahat naman tayo ay maituturing na mga manggagawa, di ba?
Mamaya, sa huling bahagi ng ating programa, babasahin ko ang ilan sa mga mensaheng nabanggit ko.
Titanic
Bigyang-daan natin ang e-mail ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore. Sabi niya: "Pareng Ramon, Happy Labor Day sa inyong lahat! Siguradong maraming demonstration at rally sa atin sa Pinas sa pagdaraos ng mga Pinoy ng Labor Day. Kung sabagay, hindi lang naman sa atin nangyayarin iyan. Maski sa mga bansa sa Europa marami ring demonstration lalo na sa panahon ngayon. Napakinggan ko ang talakayan ninyo ni Pareng Rhio hinggil sa pagbibigay ng reward sa magsasauli ng napulot na bagay na naiwan o nawala natin. Sa palagay ko, hindi na kailangang magkaroon ng espesyal na batas para riyan. Nasa sa atin na lang iyan. Kasi, kung may katumbas na halaga ang honesty ng isang tao, mahirap na ring masabi kung siya nga ay tunay na matapat. Nagsasauli lamang siya dahil alam niya na tatanggap siya ng pera. Hayaan nating praktisin ng kapuwa natin iyong kasabihang "Honesty is the best policy." Hinggil naman doon sa Titanic, siyempre, kung lulubog ang barkong sinasakyan ko-- huwag naman sana-- uunahin kong iligtas iyong pinakamadaling iligtas at iyong talagang maari pang iligtas, kasi, talaga namang pag may emergency na ganyan, iyan ang unang pumapasok sa isip natin dahil hindi naman talaga natin maililigtas silang lahat. Matagal na akong sumasakay ng barko pero wala pa naman akong nararanasang ganyan. Salamat naman. May binubuhay tayong pamilya, pare. Siyanga pala, iyong hinahangaan nating dating miyembro ng Bee Gees na si Robin Gibbs ay nagkamalay na. Matagal din siyang comatous dahil na rin sa mga complication. Siya ay mayroong colon cancer. Ipagdasal na lang natin siya, pare. Sabi ng kumara mo, maraming salamat daw sa regalo. Tuwang-tuwa, pare. Ipinagmamalaki sa mga anak niya. Sige, pare, hintayin mo na lang reception report ko. Sa susunod na lang natin ituloy ang kuwentuhan. Mahaba na ito. Regards sa lahat...
Robin Gibbs (Sa gitna)
Salamat, Pareng Buddy. Kumusta kay Kumare at sa mga tsikiting mo, ha?
Salamat din sa lahat ng mga iba pang nag-react sa dalawang huling episodes ng aming Pag-usapan Natin...
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
EASY
(XU WEI)
Narinig ninyo si Xu Wei sa kanyang awiting "Easy" na lifted sa album na pinamagatang "That Year."
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Benilda ng Malolos, Bulacan. Sabi niya: "Happy Labor Day, Kuya Ramon at kumusta sa lahat ng mga manggagawa ng Serbisyo Filipino. Napakinggan ko ang episode niyo ng Pag-usapan Natin hinggil sa Titanic. Kung ako ang inyong tatanungin, siguro, kung malapit nang lumubog ang barkong sinasakyan ko, mas mabuting iligtas ko muna ang sarili ko bago ang iba. Kung maililigtas ko ang sarili ko, puwede pa rin naman akong magligtas ng ibang victims. Sa totoo lang, wala akong nakikitang special sa pelikulang Titanic, pero naging paborito ko ang theme song nitong "Life Will Go On." Tama, life will go on kahit minamakmak tayo ng problema. Kailangan lang siguro positive thinking. Pabor ako sa pagtalakay ninyo sa iba't ibang paksa. Nakakatulong iyan para matimbang natin ang tama at mali. Ipagpapatuloy ko ang pagsubaybay ko sa inyong "Pag-usapan Natin." Nakikinig ako araw-araw sa 7.180 MgHz. Mabuhay kayo!
Super salamat, Benilda, and God bless…
Ngayon, dumako naman tayo sa ating Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ...
UNFORGETTABLE
(NAT KING COLE AND NATALIE COLE)
Nat King Cole at ang kanyang anak na si Natalie sa awiting "Unforgettable" na hango sa collective album na pinamagatang "Closer: When Pop Meets Jazz."
Punta naman tayo sa mga mensaheng SMS.
Sabi ng 917 351 9951: "Happy Labor Day, Kuya Ramon! Enjoy the holiday and make the most out of it. This is the best time to enjoy the fruits of your labor!"
Sabi naman ng 928 415 6462: "Mabuhay ang mga manggagawa sa buong mundo! Mabuhay kayo jan sa Serbisyo Filipino, Kuya Ramon! How are you going to spend your golden holiday?"
Sabi naman ng 919 333 4131: "Masayang Araw ng Paggawa, Kuya Ramon! Ito ay espesyal na araw para sa ating lahat na kabilang sa hanay ng mga nagpapatulo ng pawis. Sana mapakinabangan naman natin ang ating pinagpapaguran."
Sabi naman ng 906 522 9981: "Ipagdiriwang natin ang Araw ng mga Manggagawa. Ito ay araw ng pagkilala sa kontribusyon ng mga manggagawa sa ating lipunan. Papurihan natin sila!"
Maraming-maraming salamat sa inyong text messages...
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng programang Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction hinggil sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang
e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |