Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-19 2012

(GMT+08:00) 2012-05-09 19:12:50       CRI

May 6, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Great Wall

Patuloy sa reformatting ang programang ito, kaya asahan niyo na magkakaroon ito ng mga karagdagang segment na tulad ng Sports News, biography at filmography ng mga paborito ninyong Hollywood stars, Lakbay-diwa, Trivia, Q and A at iba pa. Manatili lang kayong nakatutok sa radio at sa aming website.

Ilang araw lamang ang nakararaan, tumawag si Baby Balangue ng Atimonan, Quezon. Binabati niya ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa Pinas at abroad. Sabi niya, itinuturing niyang mga buhay na bayani ang ating mga Pinoy abroad. Ang pinagpapawisan nila aniyang pera ay sumusuporta sa pambansang kabuhayan. Pinapupurihan din niya ang mga manggagawang Pilipino at Tsino ng Serbisyo Filipino. Sabi niya, masuwerte ang mga manggagawang Tsino dahil malaki ang malasakit sa kanila ng Chinese government. Sa loob lamang aniya ng maikling panahon, naitaas ng gobyerno ang antas ng kanilang pamumuhay.

Salamat uli sa iyo, Baby...

Tian An Men

Bigyang-daan natin ang liham ni Patrick Valdez ng Olongapo City. Sabi niya:

"Dear Filipino Service,

My warm greetings.

This is to let you know na ipinagmamalaki ko ang Filipino Service ng China Radio. Ako ay isang amateur radio operator at professional DX-er din. Lagi ay sumusulat ako sa iba-bang radyo internasyonal at sinasabi ko ang impression ko sa Philippine Service. I tell them in all honesty na hindi ako nagkaroon ng personal interaction sa ibang radyo maliban sa Philippine Service. Ang treatment na tinatanggap ko sa Philippine Service ay personal, friendly at tunay na special. Napi-feel ko na everytime na tumatanggap ako ng souvenir mula sa Philippine Service, ito ay personal at friendly gift, not a gift sent to a listener bilang consolation.

Tina-track ko ang inyong transmissions sa gabi—7:30, 8:00 at 10:30. Ang signal quality ay iba-iba rin, depende sa araw o maybe climatic condition. Atsaka iyong spectrum, hindi gaanong broad kumpara sa iba.

Gusto kong i-suggest sa mga kasamahan ko sa international DX group na mag-confer sa inyo ng certificate of appreciation. Malaki talaga ang admiration ko sa Philippine Service ng China Radio International.

Sana matapos na ang hidwaan ng Pilipinas at China sa Huangyan Island. Ang anumang hidwaan ay malulutas kung dadaanin sa mabuting usapan. Sa kasalukuyang panahon at kalagayan, hindi maganda ang pag-aawayan. Malaking sagabal ito sa ating mga pambansang kabuhayan. Sana okay lang ang kalagayan ninyo riyan sa Serbisyo Filipino.

This is all for now.

Patrick Valdez
Bajac-Bajac, Olongapo City
Philippines

Maraming-maraming salamat sa iyong sulat, Patrick. Malaman na malaman talaga. Kumusta sa lahat ng mga kapamilya mo riyan sa Olongapo, ha?

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

WHEN I START THINKING OF YOU SECRETLY
(LI YUCHUN)

Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Li Yuchun sa awiting "When I Start Thinking of You Secretly." Ang track na iyan ay hango sa collective album na pinamagatang "Super Girls' Voice."

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Encar de los Santos ng West Coast Way, Singapore. Sabi niya:

Dear Kuya Ramon,

Nakabisita na ako sa China three years ago kasama ng isang tour group mula sa Maynila. Pero, bago ang pagbisitang iyon, nakikinig na ako talaga sa inyong mga programa. Nakita ko mismo iyong mga bagay na sinasabi ninyo sa radyo.

Bukod sa magagandang tanawin, nag-iwan din sa akin ng malalim na impression ang mga Chinese food. Hindi ko makakalimutan ang Peking Duck, Hot Pot, at maaanghang na Beef with Chili Pepper at Chicken with Peanuts and Chili.

Ang pagbisita ko sa Tian En' Men at Great Wall ay katuparan ng matagal nang pangarap. Bata pa ako ay pinapangarap ko nang makarating sa mga lugar na ito.

Hindi ko rin makakalimutan ang pamamangka sa isang ilog sa Nanjing.

Alam mo, Kuya Ramon, kahanga-hanga ang mga proyekto ng China na may kinalaman sa environmental protection. Sana lahat ng mga bansa ay magkaroon ng malasakit sa kapaligiran at mga likas na yaman.

Narinig ko na pinag-usapan ninyo sa air ang hinggil sa proper disposal ng basura. Maganda iyong topic na iyon. Talagang dapat matuto tayong maghiwa-hiwalay ng mga basura, kasi ang improper disposal ng basura ay nakakasama sa environment. Dapat magkaroon ang mga tao ng awareness sa pagse-segregate ng basura at pagtatapon ng basura sa tamang tapunan.

Malayo pa ang mararating ng inyong mga bagong programa. Lagi akong nakikinig sa mga ito.

Kumusta na lang sa lahat ng mga host ng Serbisyo Filipino.

Encar de los Santos
Hin Seng Garden
West Coast Way, Singapore

Maraming-maraming salamat, Encar. Napakaganda ng sulat mo. Sana hindi ka magsawa ng pagsulat at pakikinig sa amin. God bless you.

Ngayon, alamin naman natin ang latest tsika mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

PAANO
(SHAMROCK)

Shamrock, sa kanilang awiting "Paano" na hango sa collective album na pinamagatang "The Best of Apo Hiking Tribute."

Punta naman tayo sa mga SMS.

Sabi ng 905 471 2138: "Hi, Kuya Ramon! Lagi akong nakikinig sa Gabi ng Musika, Diretsahan, Pag-usapan Natin, at Balita at Usap-usapan. Keep up the good work!

Sabi naman ng 922 209 7022: "Greetings, Kuya RJ and everybody out there! Sobra-sobra na ang kaguluhan sa mundo. Huwag na nating dagdagan pa! Ipagdasal natin na matapos na ang alitan ng Pilipinas at China sa South China Sea."

Sabi naman ng 919 648 1939: "Good p. m., Kuya Ramon. Enjoy ako ng pakikinig sa Gabi ng Musika kasi natututo ako sa mga karanasan ng letter-senders at texters. Salamat sa pagbabahagi mo sa amin ng programang ito."

Sabi naman ng 917 960 6218: "Isang pahabol na bating pang-Labor Day, Kuya Ramon. Sana okay mga trabaho ninyo riyan at okay din inyong kalusugan!"

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>