Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-20 2012

(GMT+08:00) 2012-05-16 16:25:02       CRI

May 13, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Happy Mother's Day

Ngayon ay second Sunday of May. Happy Mother's Day sa lahat ng mommy, lalo na sa pinakamamahal kong mommy.

Moral obligation natin na gawing espesyal ang araw na ito para sa ating mga ilaw ng tahanan na dumanas ng katakut-takot na hirap sa pagpapalaki sa atin.

Iisa lang ang ating nanay. Hindi natin mapapalitan iyan. In a manner of speaking, mapapalitan natin ang ating asawa pero hindi ang ating nanay...

Beyonce

Tatanggap daw ng journalism award si Beyonce...

Ang popular sa buong daigdig na mang-aawit na si Beyonce ay gagawaran ng National Association of Black Journalists sa New York ng first-place prize in arts and entertainment sa magazine category nito para sa isang artikulong isinulat niya sa Essence magazine.

Ang artikulong may pamagat na "Eat, Play, Love" ay nalathala sa July 2011 issue ng naturang magazine.

Sa kanyang artikulo, tinalakay ni Beyonce kung paanong nabago ang kanyang buhay nang pansamantalang magpahinga siya sa musika.

Tatanggapin ng Grammy Award winning singer ang kanyang pagkilala sa Scholarship and Awards Banquet ng NABJ sa New York...

Bigyang-daan natin ang liham ni Melinda Baltazar ng Lamayan, Sta. Ana, Manila.

Sabi niya:

Dear Kuya Ramon,

Sana, sa mga oras na ito, nasa mabuti kang kalagayan. Kung ako ang iyong tatanungin, sa kasalukuyan ay abalang-abala ako sa aking mga part-time jobs. Ang isa pang pinagkakaabalahan ko ay ang aking thesis na may kinalaman sa computer virus. Mahirap ding mag-isip kung minsan pero kailangang pagtiyagaan ko para makumpleto ko ang requirements ng aking master's degree.

Lagi kong binabasa ang mga artikulo ninyo sa website kasi marami rin akong natututuhan sa mga ito. Maganda ang inyong website, Pilipinong-Pilipino ang dating. Makakatulong iyan sa pagpapalaganap ng Filipino language at ng kaalaman sa China.

Sa tingin ko, ang tagumpay ng China ay resulta ng kanilang pagiging masikap, masinop at matiyaga. Kasama na rin diyan ang kanilang pagkakaisa. Sana matutuhan natin iyan para makabangon naman tayo. Mahirap talagang magtagumpay kung magkakanya-kanya tayo at wala tayong disiplina.

Maganda ang inyong paalalang "Ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik." Marami na kasi ngayong balakyot. Marami ang hindi nag-iisip para sa kanilang kapuwa.

Hinihiling lang naming dito na sana maging bahagi ng inyong gabi-gabing transmission ang Best Letters of the Month at Dear Seksiyong Filipino. Ang mga programang ito ang nagsisilbing pang-akit sa mga tagapakinig.

Hindi ko na pahahabain pa ang sulat na ito, Kuya Ramon, dahil alam kong abalang-abala kayo riyan sa Serbisyo Filipino.

Happy Mother's Day na lang sa lahat ng madir na nakikinig ngayon sa iyong programa.

Gumagalang,
Malinda Baltazar
Lamayan St., Sta. Ana, Manila
Philippines.

Maraming-maraming salamat sa iyong liham at malasakit, Melinda. Hayaan mo't isasaalang-alang namin ang iyong kahilingan. God bless you...

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ...

MAPLE
(JAY ZHOU)

Iyan si Jay Zhou sa kanyang awiting "Maple" na lifted sa album na may pamagat na "November's Chopin 11."

Tunghayan naman natin ang email ni Claire Alonzo ng Angeles City, Pampanga. Sabi niya:

Dear Loving DJ,

Sa pamamagitan ng malawak mong programa, gusto kong ipaabot ang Mother's Day greeting ko sa nanay ko at sa lahat ng mga nanay na nakikinig ngayon. Dapat lamang na gawin nating espesyal ang araw na ito bilang pagpupugay sa kanila.

Natawag ang pansin ko ng programa ninyong Pag-usapan Natin. Magaganda at napapanahon ang inyong mga paksa. Magandang pang-stimulate ng isip ang ganitong mga programa.

Sinusubaybayan ko rin ang mga balita ninyo at ikinalulungkot ko ang mga balitang may kinalaman sa Huangyan Island. Hindi na dapat magtagal pa ang pagtatalong ito at hindi nila dapat hayaang gamitin ito ng media bilang scoop. Napakasensitibo ng isyung ito para gamitin lamang nilang scoop sa kanilang mga balita.

Inaabangan ko ang pagbabalik ng inyong Cooking Show at Mag-aral ng Wikang Tsino. Interesado pa rin akong sumali sa inyong mga darating na pakontes.

Para sa akin, dapat bigyan ni Pangulong Aquino ng malaking pagpapahalaga ang relasyon ng Pilipinas at Tsina. Lubhang napakahalaga ng relasyong ito lalo na ngayon.

Nakikinig ako sa inyong webcast at bumibisita sa mga column ng inyong website halos araw-araw. Malaman na malaman at makulay na makulay ang inyong website.

Salamat sa inyong souvenir items at susulat akong muli pag may nasagap akong mahalagang balita.

Kumusta na lang sa lahat at happy Mother's Day uli sa lahat ng mga madir.

Claire Alonzo
Angeles City, Pampanga
Philippines

Maraming-maraming salamat, Claire, sa iyong liham. God bless you.

Ngayon, pakinggan naman natin ang ulat ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ.

SUPERSTAR
(THE CARPENTERS)

"Superstar," hatid sa ating masayang pakikinig ng "Carpenters." Ang track na iyan ay hango sa album na pinamagatang "The Carpenters' Greatest Hits."

Bigyang-daan naman natin ang ilang bating pang-Mother's Day.

Sabi ng 917 401 3194: "Happy Mother's Day sa lahat ng mothers diyan sa Filipino Service. Mabigat ang ginagampanan ninyong papel sa lipunan. Wala iyang katumbas na halagang salapi."

Sabi naman ng +49 242 188 210: "Masayang Araw ng mga Madir sa lahat ng mga mommy! Padalhan naman natin sila ng mga sariwa at mabangong bulaklak."

Sabi naman ng +86 134 261 27880: "Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay everywhere. Mahalin natin ang ating mga nanay. Iisa lang iyan. Minsan lang tayo magka-nanay."

Ito ang maganda. Sabi ng 920 950 2716: "Happy Mother's Day, Mommy! I love you, I love you, I love you!

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>