Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-21 2012

(GMT+08:00) 2012-05-23 14:45:54       CRI

May 20, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Ngayong gabi, tampok sa ating Seeing Hollywood Stars: Charlize Theron.

Charlize Theron

Si Charlize Theron ay isang South African Actress at fashion model. Sinimulan niya ang kanyang career bilang aktres sa Estados Unidos, at pumanhik sa tugatog ng popularidad noong huling dako ng 1990's kasunod ng kanyang papel sa "The Devil's Advocate" (1997), "Mighty Joe Young" (1998), at "The Cider House Rules" (1999). Nagwagi siya ng Academy Award for Best Actress sa pagganap niya ng papel bilang isang serial killer na si Aileen Wuornos sa "Monster" (2003), at siya ang naging kauna-unahang Aprikano na nagwagi ng Academy Award sa pangunahing acting category. Nakatanggap rin siya ng isa pang Academy Award nomination para sa kanyang performance sa "North Country" (2005). Si Charlize ay naging US Citizen noong 2007, samantalang pinananatili ang kanyang South African citizenship.

Si Charlize ay ipinanganak sa Benoni, Transvaal Province ng Timog Aprika. Nagsimula siyang mag-aral sa Putfontein Primary School, at nang tumuntong ng 13 taong gulang, ipinadala sa isang boarding school at nagsimulang mag-aral sa National School of the Arts sa Johannesburg. Datapuwa't siya ay matatas na matatas sa wikang Ingles, ang unang wika niya ay Afrikaans. Nag-aral din siya ng ballet sa Joffrey Ballet School sa New York, pero nahinto ang kanyang pagsasayaw nang magtamo siya ng injury sa kanyang tuhod.

Bukod sa "The Devil's Advocate," Mighty Joe Young," at "The Cider House Rules," nakilala rin si Charlize sa mga pelikulang "The Italian Job," "Trapped," "Sweet November," "Men of Honor," "The Astronaut's Wife," at iba pa.

Bigyang-daan natin ang e-mail ni Sandra Sy ng Shunyi District, Beijing, China. Sabi niya:

Dear Kuya Ramon,

Huangyan Island

Kumusta sa lahat ng staff ng Filipino service. Lagi akong nakikinig sa inyong mga balita. Tama sila: No News is good news. Ang latest development sa Greece, Spain at France ay magkakaroon sigurado ng mabigat na impact sa world economy--lalo naman sa sarili nating economy. Kaya nga ba lagi kong sinasabi na ang dapat pagtuunan ng pansin ng ating mahal na Pangulo ay ang ating kabuhayan at hindi ang Huangyan Island. Itong isyung ito ay may kinalaman lamang sa kanilang kampanya para sa isang taon. Hindi ito makakatulong sa ating bansa.

Binisita ko ang espesyal na pahina ninyo hinggil sa mga pinakamalikhaing lunsod ng Tsina. Kung ako ang boboto, ang pipiliin ko ay Shanghai. Nakapunta na ako rito at nakakita ako ng mga artistic architecture na wala sa iba. Talagang unique na unique ang mga design. Mahuhusay ding mag-isip ng paraan ang mga taga-Shanghai para dayuhin sila ng mga turista. Magandang gimik ang naisip ninyong ito.

Binibisita ko rin ang mga iba pa ninyong column and I find them just as interesting. I think you are doing your homework. Congrats.

Sana matapos na ang tensiyon sa Huangyan Island para matahimik na tayong lahat.

God bless you all...

Sandra Sy
Shunyi Distric, Beijing
China

Thank you so much, Sandra. Kung libre ka ay welcome kang dumalaw sa aming radio station.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

WISH
(FAYE WONG)

Narinig ninyo si Faye Wong sa kanyang awiting "Wish," na lifted sa album na may katulad na pamagat.

Sabi ng e-mail ni Menchu ng Malaybalay, Bukidnon:

Dear Kuya Ramon,

Mahigit isang taon na akong nakikinig sa inyong mga programa sa radyo pero kailan ko lamang nasimulang bisitahin ang inyong website. Maganda ang inyong web design. Meron itong professional touch at hindi nalalayo sa websites ng ibang radio stations na nabisita ko. Siksik din ito sa laman kaya marami kang mababasang artikulo. Gusto ko sanang mag-contribute dito one day, kung maaari.

Napagtuunan ko ng pansin ang inyong City Ranking--Pinakamalikhaing Lunsod ng China. Maganda itong way to promote Chinese cities. Maraming magaganda at mga malikhaing lunsod ang China. Good luck sa inyong programang ito at rest assured na I am giving my full support to this program.

Menchu
Malaybalay, Bukidnon
Philippines

Thank you so much, Menchu. Sana maging regular ang pagbisita mo sa aming website, at welcome ka at kayong lahat na mag-contribute sa aming website.

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang ulat ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

BAKIT ANG BABAE
(SANDWICH)

Sandwich, sa kanilang sariling version ng awiting "Bakit ang Babae" na hango sa collective album na may pamagat na "The Best of Apo Hiking Tribute."

Dumako naman tayo sa mga mensahe ng ating textmates.

Sabi ng 921 342 5539: "Double thumbs-up ako sa inyong Pag-usapan Natin, Kuya Ramon. Ayos ang pagdadala ninyo ng programa. Wala akong masabi. Isa nang habit ang pakikinig ko rito."

Sabi naman ng 919 251 3481: "Palagi kong pinakikinggan ang Gabi ng Musika at iba pa. Natutuwa akong marinig ang idea ng mga listeners hinggil sa iba't ibang subject. Enjoy din ako sa inyong mga trivia."

Sabi naman ng 919 052 6674: "Nakikinig ako sa transmission ng CRI Filipino Language Service Monday to Sunday. Makabuluhan ang inyong mga balita at interesting ang inyong mga talk shows at feature programs. Nami-miss ko ang inyong popular na Cooking Show."

Maraming salamat sa inyo at maraming salamat din kina Mato, Ara Mae, Janine, Ebeth, Ronnalyn at Gigi.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>