![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
May 27, 2012 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Sumakabilang-buhay na ang mga hinahangaan nating mang-aawit na sina Donna Summer at Robin Gibb. Sila ay kapuwa namatay kasunod ng matagal na pakikipagbuno sa kanser.
Donna Summer
Si Donna ay namatay noong May 17 sa Naples, Florida sa gulang na 63. Datapuwa't tinaguriang reyna ng disco, siya ay isang diverse artist na nagwagi ng Grammys sa iba't ibang kategorya, kasama na ang dance, R & B, rock at inspirational music. Noong araw na siya ay pumanaw, ipinatalastas din na ang kanyang awiting "I Feel Love" ng taong 1977 ay isa sa pinakahuling dagdag sa U. S. National Recording Registry sa Library of Congress, pinaniniwalaang isa sa mga tugtuging naghugis ng cultural landscape ng Amerika.
Robin Gibb
Si Robin naman ay namatay noong May 20 sa gulang na 62. Ang Bee Gees na kinabibilangan niya ay lumikha ng dance floor classics na gaya ng "Stayin Alive," "Jive Talkin," at "Night Fever" na hanggang ngayon ay pinagpipistahan pa sa mga dance floor. Nakabenta sila ng mahigit 200 milyong records at napabilang sa Songwriters Hall of Fame at Rock and Roll Hall of Fame. Ang isa sa pinakahuling projects ni Robin ay ang "The Titanic Requiem" na sinulat nila ng kanyang anak na si Robin-John.
Bigyang-daan natin ang e-mail ni Menchu Cipriano ng Navotas City. Sabi niya:
Dear Kuya RJ,
How are you these days?
Natanggap ko na iyong request kong novelty item. Thank you so much. Ang cute daw sabi ng mga kapatid ko.
Iyong turo mo sa amin na pagbababad ng paa sa mainit na tubig na may asin ay nakakatulong sa rayuma ng papa ko. Nakakaranas daw siya ngayon ng ginhawa at parang dumalang ang sumpong ng rayuma niya. Salamat sa payo mo.
Bumoto ako sa inyong "Pinakamalikhaing Lunsod ng Tsina" at ang pinili ko ay Beijing. Alam mo kung bakit? Nakita ng lahat ang creativiy ng Beijing sa pagdaraos nito ng Olympic Games. Namamalas din ang creativity nito sa pagtatayo ng mga makabagong gusali na hindi na kailangang gumamit ng ilaw sa umaga. Sana, ito ang tanghaling most creative city sa China.
Natutuwa ako dahil naririnig ka namin araw-araw sa inyong mga balita. Back to the good old days, ha? Siyempre, iba na rin kung kasama ka namin gabi-gabi.
Sana baguhin ni Pnoy ang kanyang diplomatic approach. Dapat matuto siya sa karanasan ng mga nauna sa kanyang lider ng bansa. Dapat bigyan niya ng malaking pagpapahalaga ang relasyon ng Pilipinas sa lahat ng mga kalapit niyang bansa.
Lastly, gusto kong ipaalam sa iyo na kasama mo ako, Kuya, sa iyong pagdarasal para sa regional at international peace. May peace be with all of us.
Menchu Cipriano
North Bay Boulevard
Navotas City, Metro Manila
Philippines
Thank you so much, Menchu. Matagal kang nawala, ah. Miss na miss ko na ang sulat mo. Welcome back...
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
MISS YOU SO MUCH
(ZHOU BICHANG)
Iyan si Zhou Bichang sa kanyang awiting "Miss You So Much" na lifted sa collective album na may pamagat na "Super Girls Voice."
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Grace Felipe ng Sta. Mesa, Manila. Sabi ng kanyang e-mail:
Dear Kuya Ramon,
Sana ayos naman ang lagay ninyo riyan. Gusto lang kitang pasalamatan sa ini-recommend mong gamot sa ubo na mula sa Hong Kong. Nabili namin sa isang botika sa downtown. Tumigil na rin ang pag-ubo ng asawa ko. Matagal na rin siyang binabagabag ng ubo niya. Salamat talaga. Sana magkaroon kayo ng programa na may kinalaman sa health and nutrition. Sa tingin ko magiging kapakipakinabang ito sa inyong mga tagapakinig.
I am praying for your success and the success of all your programs.
Grace Felipe
R. Magsaysay Boulevard
Sta. Mesa, Manila
Philippines
Salamat sa e-mail, Grace. Mabuti naman at nakuha sa gamot na ini-recommend ko ang ubo ng asawa mo. Ingat lang kayo, ha? Mahirap magkasakit.
Ngayon, alamin naman natin ang latest tsika mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
MOST RECOMMENDED
(CHEN WAI QUAN)
Mula sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us," iyan ang awiting "Most Recommended" na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Chen Wai Quan.
Tunghayan naman natin ang ating mga SMS.
Sabi ng 0086 135 6475 5772: "Hi, Super DJ! Binabati kita sa magandang pagdadala mo ng programang Gabi ng Musika at Pag-usapan Natin. Ang Filipino Service ay masasabing tunay na bintana ng China."
Sabi naman ng 0049 242 188 210: "Hi, Kuya Ramon! Nakikinig ako sa iyong newscasting at sa inyong talakayan ni Kuya Rhio sa Pag-usapan Natin. Kelan ba kami magkakaroon ng pagkakataon na makisali sa inyong usapan?"
Sabi naman ng 920 950 2716: "Kumusta na, Kuya Ramon? Magandang makinig ngayon sa inyong mga programa sa radio. Maganda lagi ang signal, malinaw at malakas. Sana magkaroon uli kayo ng dedication program."
Sabi naman ng 134 2612 7880: "Hello sa inyo, Kuyang! Dalawang kamay na tinatanggap namin ang inyong 'Pinakamalikhaing Lunsod ng Tsina'."
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |