Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Edukasyon para sa mga batang Tsino

(GMT+08:00) 2012-06-04 20:22:57       CRI

Sabi minsan ni Chairman Mao Zedong ng Tsina na ang mga kabataan ay bulaklak ng bansa. Ibig-sabihin, ang mga kabataan ay kumakatawan ng kinabukasan ng isang bansa. Sabi din ni Dr Jose Rizal, Pambansang Bayani ng Pilipinas, na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Walang duda, napaka-importante ng mga kabataan para sa isang bansa at sapul nang itatag ang People's Republic of China o PRC, palagiang pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang usaping pambata. Itinakda nito ang unang araw ng Hunyo bilang Araw ng Kabataan para isulong ang kapakanan ng mga batang Tsino.

Noong ika-31 ng Mayo, bumisita si Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa mga bata sa Dongcheng Distrito ng Beijing para magkakasamang ipagdiwang ang pestibal ng kabataan.

Si Pangulong Hu Jintao ng Tsina at mga bata ay magkakasamang nagdiriwang sa pestibal

Nauna rito, noong ika-25 ng Mayo, pumunta si Premyer Wen Jiabao sa mahihirap na lugar ng Hunan Province para kumustahin ang mga bata na naiwan sa bahay ng kanilang mga magulang na nagtatrabaho sa lunsod.

Si Premyer Wen Jiabao ng Tsina ay nag-abuloy ng isang school bag sa mahihirap na bata

Magkakamasamang maglitrado si Premyer Wen Jiabao ng Tsina (sa gitna sa likod), mga guro at mga mahihirapa na estudyante

Sa proseso ng paglaki ng mga kabataan, liban sa magandang kapaligiran at kalusugan, ang edukasyon ay nasa mahalagang katayuan. Kasi ito ang nagbibigay ng matuwid na landas sa kanilang paglaki. Kaya, dapat silang magkaroon ng pantay na pagkakataon sa pagtanggap ng magandang edukasyon.

Kasunod ng pag-unlad ng Tsina, lumalaki ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, mga lunsod at kanayunan. Dahil dito, ang edukasyon para sa mga bata ay humaharap din sa mga hamon.

Ayon sa ulat, noong ika-6 ng Mayo, nalunod ang 5 bata sa isang bayan sa lunsod ng Yichun, Jiangxi Province. Sila lahat ay mga bata na naiwan sa bahay ng kanilang mga magulang na nagtatrabaho sa lunsod. Inaalagaan sila ng kanilang lolo at lola, na ang edad ay lampas na sa 70 taong gulang.

Sa mahigit 3700 taong nayon, karamihan sa mga maygulang ay nagpupunta sa mga lunsod para magtrabaho, at ang kanilang mga anak ay inaalagaan ng mga lolo at lola. Ayon pa sa estadistika, mahigit 58 milyong bata ay naiiwan sa kanilang mga bahay sa nayon, habang ang kanilang mga magulang ay nagtatrabaho sa mga lunsod.

Para sa naturang mga bata, ang unang banta ay kakulangan sa pangangalaga sa kanilang kaligtasan. Ang isa pang banta ay kakulangan sa magandnag edukasyon, lalo na sa family education. Halimbawa, hindi nila alam ang mga kaalaman sa kaligtasan.

Sa kabilang dako, ito ay nagpapakita na kulang ang mga nayon sa yaman ng edukasyon. Unang una, sa mga nayon, lalo na sa mahihirap na lugar; ilan lamang ang mga paaralan at guro. Kasabay nito, masama ang kondisyon ng mga pasilidad ng edukasyon, dahil sa mababang fiscal budget ng pamahalaan.

Isang silid-aralin nasa mahihirap na lugar

Para sa mga bata sa nayon, ang hamon sa edukasyon ay nagmula sa kakulangan sa pondo at yaman. Para sa mga bata sa lunsod, kinakaharap din nila ang malaking hamon sa edukasyon.

Para sa mga anak ng migrant works sa lunsod, dahil hindi sila rehistradong residente sa lunsod, mahirap silang makapagtamasa ng parehong eduksyon sa mga batang residente ng lunsod. Kasabay nito, ang mga paaralan para sa mga anak ng migrant workers ay nahihirapan ding makakuha ng laang-gugulin mula sa pamahalaang lokal, dahil ang karamihan sa kanila ay hindi nakakaabot sa mga tadhana ng pamahalaan hinggil sa pasilidad, kaligtasan ng paaralan, at mga guro.

Pero para sa mga batang residente ng mga lunsod, ang hamon para sa kanila ay halos lahat ng mga magagandang yaman ng edukasyon ay nakukuha ng ilang kilalang paaralan. Kung nais nilang pumasok sa ganitong magagandang paaralan, malaki ang kompetisyon para sa kanila at ang daming gastusin ng kanilang mga magulang.

Halimbawa sa Beijing, ayon sa estadistika, noong 1980s, ang bilang ng mga mababang paaralan ay lampas sa 4000, pero ang bilang na ito ngayon ay mahigit 1000 lamang. Sa kabila nito, madaling makita na ang bilang ng mga batang mag-aaral ay patuloy na lumalaki.

Isang mababang paaralan sa Beijing, ang mga magulang ay abalang nagpatala para maging estudyante dito ang kanilang mga anak

Sa naturang mahigit 1000 mababang paaralan, ang ilan sa mga ito na may mahigpit na kaugnayan sa mga departamento ng pamahalaan at kolehiyo ay nakakuha ng maraming laaang gugulin mula sa iba't ibang panig at malaki din ang bayarin ng mga estudyante.

Ayon sa isang research report ng Beijing Institute of Technology, ang karaniwang gastusin ng mga pamilya sa buong bansa para makapasok ang kanilang mga anak sa middle school ay umabot sa 44 libong yuan at ang bilang na ito sa Beijing ay 87 libo. Ang ganitong gastusin ay kinabibilangan ng bayarin sa mga klase pagkatapos ng kurso ng paaralan. Para sa mga bata na nais pumunta sa mga magandang primary school, dapat silang magbayad muna sa paaralan ng di-kukulangin sa 30 libong yuan. Ito ay hindi nabibilang sa matrikula bawat semestre.

Ayon sa pambansang estadistika, noong 2011, ang karaniwang kita ng bawat residente sa lunsod buong taon ay halos 24 libong yuan. Sa pamamagitan nito, madaling makita na ang gastusin sa edukasyon ay nagiging malaking pasanin para sa mga karaniwang pamilya.

Pinahahalagahan talaga ng pamahalaan at mga magulang ng Tsina ang edukasyon ng mga bata. Pero, ang tungkulin para sa kanila ay nagkakaiba, para sa mga magulang, dapat silang magbayad sa paaralan at mag-asikaso ng pamumuhay ng mga bata. Para sa pamahalaan, dapat itong magkaloob ng magaganda at pantay na kapaligiran at pagkakataon ng edukasyon.

Para sa mga batang Tsino, dapat silang makapagtamasa ng magandang edukasyon na magbibigay sa kanila ng matuwid na landas ng paglaki at magtuturo ng mga kahusayan at kaalaman. Ito ang kanilang di-mapabubulaanang karapatan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>