|
||||||||
|
||
June 10, 2012 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
Guyabano, Mahusay sa Kanser
Mayroong health tips si Jeffy Sumilhig ng Mandaue City, Cebu. Isasalin ko ito sa wikang Filipino. Sabi niya: (1) Guyabano ang pinakamahusay laban sa kanser. (2) Huwag iinom ng malamig na tubig kung kumakain ng fatty food. (3) Huwag iinom ng bitamina kasama ng malamig na tubig. (4) Uminom ng maraming tubig sa umaga; kaunti lamang sa gabi. (5) Iwasang kumain nang marami pagkaraan ng alas-singko ng hapon. (6) Huwag kaagad hihiga pagkaraang uminom ng gamot. (7) Ang pinakamagandang oras ng pagtulog ay mula alas-diyes ng gabi hanggang alas-kuwatro ng umaga para makapag-regenerate ng good cells. (8) Sagutin ang cellphone sa kaliwang tainga. (9) Kung ang power/signal ng cellphone ay nasa last bar, huwag itong sagutin dahil ang radiation ay 1000 ulit na malakas.
Maraming-maraming salamat, Jeffy. God bless you...
Bigyang-daan natin ang e-mail ni Lucy Garces ng Singapore. Sabi niya:
Kuya Ramon,
Sana, okey kalagayan ninyo riyan.
Isa sa mga paborito kong programa ninyo ay "Pag-usapan Natin." Last Friday, pinagdiskusyunan ninyo ang hinggil sa mga batang parang matanda ang kilos at pag-iisip. Sa palagay ko, dalawa iyan: ang isa ay ipinanganak nang ganun, at ang isa naman ay naimpluwensiyahan ng mga tao sa paligid. Iyang ikalawang uri ay laging may kahalubilong matatanda, at ginagaya nila iyong mga nakikita nila, kaya sila ay kumikilos at nagsasalita na parang matanda na rin. Hindi nga mabuti iyon sa isang bata dahil bina-by-pass niya ang kanyang childhood. Pagsapit niya sa hustong-gulang, maaring problemahin siya ng kanyang mga magulang.
Gusto kong papurihan ang inyong mga tagapakinig, lalo na sina Dr. George, Poska, Manny, Caroline at Pablo Cruz. Sila ay mga aktibo at matatalinong tagapakinig.
Tagahanga rin ako ng programa ninyong "Diretsahan," kaya binabati ko sina Kuya Ernest at Kuya Rhio.
Beijing
Shanghai
Bumoto na ako sa inyong "City Ranking," at ang pinili ko ay Beijing at Shanghai. Kung creativity ang hanap mo, dito ka pumunta sa dalawang lunsod na ito.
Malapit na ang ating Independence Day. May celebration ba kayo riyan sa Beijing?
Susulat uli ako pag may magagandang development.
More power!
Lucy Garces
Hin Seng Garden, West Coast Way
Singapore
Thank you so much, Lucy. Sulat ka uli, ha? Hindi ko pa alam kung ano ang binabalak ng Philippine Embassy sa Beijing. Wala pa kaming natatanggap na mga imbitasyon.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Dear Kuya RJ,
Lagi akong nakikinig sa CRI Filipino Service Transmission sa 7:180 MgHz sa 7:30 ng gabi. Isa ako sa mga naghihintay sa pagbabalik ng Cooking Show. Mahilig kasi akong magluto at talagang gustung gusto ko ang mga pagkaing Tsino.
Medyo naintriga ako sa topic ninyong little adults last time. Sa tingin ko, ito ay may kinalaman sa environment ng mga bata. Tama kayo: ang bata ay dapat mag-astang bata, dahil, kung ganito nga naman ang mangyayari, kailan pa sila magiging bata?
Salamat sa mga padala ninyong souvenir items at sa mga QSL ng reception reports ko. Sana magpatuloy ang regular communications natin on the air.
Hindi ko rin pinababayaan ang mga programa ninyong Movie Buddy, Kaalaman sa Tsina at Pop China. Tumutulong din ako sa pagpo-promote ng inyong mga programa.
Naging habit na ang pakikinig ko sa inyo, kaya mahirap na itong itigil.
Thanks in advance for reading this mail.
Gertrude Lagman
Kasarinlan, Makati City
Philippines
Salamat sa iyong sulat, Gertrude. May God bless you.
EVERYBODY
(JACKY CHEUNG)
Narinig ninyo si Jacky Cheung sa kanyang awiting "Everybody" na lifted sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?"
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Gertrude Lagman ng Makati City. Sabi niya:
Dear Kuya RJ,
Lagi akong nakikinig sa CRI Filipino Service Transmission sa 7:180 MgHz sa 7:30 ng gabi. Isa ako sa mga naghihintay sa pagbabalik ng Cooking Show. Mahilig kasi akong magluto at talagang gustung gusto ko ang mga pagkaing Tsino.
Medyo naintriga ako sa topic ninyong little adults last time. Sa tingin ko, ito ay may kinalaman sa environment ng mga bata. Tama kayo: ang bata ay dapat mag-astang bata, at hindi dapat mag-astang matanda, dahil, kung ganito nga naman ang mangyayari, kailan pa sila magiging bata?
Salamat sa mga padala ninyong souvenir items at sa mga QSL ng reception reports ko. Sana magpatuloy ang regular communications natin off the air.
Hindi ko rin pinababayaan ang mga programa ninyong Movie Buddy, Diretsahan, Kaalaman sa Tsina, Mga Pinoy sa Tsina at Pop China. Tumutulong din ako sa pagpo-promote ng inyong mga programa.
Naging habi ko na ang pakikinig sa inyo, kaya mahirap na itong itigil.
Thanks in advance for reading this mail.
Gertrude Lagman
Kasarinlan, Makati City
Philippines
Maraming-maraming salamat Gertrude sa iyong e-mail. May God love you.
Ngayon, dumako naman tayo sa bahaging pinakahihintay ninyong lahat--Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ.
PLAY WITH ELVA
(DAVID TAO)
David Tao sa awiting "Play with Elva" na hango sa album na may pamagat na "David Tao 69."
Punta naman tayo sa mga SMS.
Sabi ng 917 563 1184: "Solved ako sa Gabi ng Musika at Pag-usapan Natin. Talagang magaling kang DJ at talk show host. More power sa Filipino Service!"
Sabi naman ng 921 577 9195: "Ang isyu ng South China Sea ay isyung pampulitika, kaya hindi dapat maapektuhan nito ang pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Tsino!"
Sabi naman ng 917 483 2281: "Maganda topic niyo sa Pag-usapan Natin nung Biyernes. Hindi ko alam na isa palang phenomenon na ikinababahala ng mga Tsino ang little adult thing. Parang walang ganitong phenomenon dito sa Pinas."
Sabi naman ng 928 001 4204: "Salamat sa gifts, encouragement at moral support, Kuya RJ. You are really champion of Filipino listeners here and abroad."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS...
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook,
crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |