|
||||||||
|
||
June 17, 2012 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
Peking Opera
Nakatsikahan namin sa Philippine Embassy noong Biyernes ang Filipino soprano na si Annie Luis. Si Annie ay miyembro ng Bayanihan Dance Company at naririto siya sa Beijing dahil siya ay nag-aaral ngayon ng Peking Opera. Sabi niya, kahanga-hanga raw ang tradisyonal na Chinese art na ito, unique na unique at hindi madaling pag-aralan. Very rigid daw ang training pero hindi niya pinanghihinayangan ang bawat sandaling ginugugol niya sa pag-aaral nito. Sabi niya, balak niyang sumulat ng thesis hinggil sa comparison ng Philippine sarsuwela at Peking Opera at balak din niyang magturo ng Peking Opera sa Pilipinas in the future.
Good luck sa iyong endeavor, Annie.
Bigyang-daan natin ang e-mail ni Jose Escobar ng Carmona, Cavite. Sabi niya:
Dear Kuya RJ,
Kumust ba buhay-buhay diyan?
Pasensiya na, hindi ako makasulat nang madalas. Doble-kayod kami, eh. Kailangan talaga. Sabi nila maganda raw takbo ng ekonomiya ng bansa. Ang problema, hindi namin nararamdaman, kaya nga kubakob kami sa trabaho. Nakakaraos naman sa araw-araw.
Alam mo, binigyan mo ako ng magandang idea. Meron ako ngayong maliit na tindahan sa Baclaran, at ang mga paninda ko ay mga produktong Tsino. Sari-saring gamit. Bago pa lamang akong nagsisimula, mga ilang buwan pa lamang. Sana lumago ang puhunan.
Meron din akong tindang mga transistor radio na made in China, kaya may nagagamit ako sa pakikinig ko sa inyong mga programa. Napapakinggan kita kung Friday sa Pag-usapan Natin, at kung Sunday, sa Gabi ng Musika. Pero, madalas kitang naririnig sa inyong mga balita.
Sa tingin ko, lumalamig na ang isyu ng South China Sea. Dapat talaga itong lumamig. Ang dapat uminit ay ang pagkakaibigan ng mga Tsino at mga Pilipino. Dapat tayong magtulung-tulong dahil magkakapit-bansa tayo, di ba?
Siya nga pala, meron ditong celebration noong June 9 at June 12. Meron din ba riyan?
Pacquiao vs Bradley
Ano ang masasabi mo sa laban ni Pacquiao? Malabo, di ba? Kung sa bagay, ganyan talaga ang boksing—you either win or lose.
Okay, sa tingin ko, mahaba na ito. Pipilitin kong sumulat nang madalas. Gusto ko ring magpadala ng reception report.
Regards to everybody.
Jose Escobar
Carmona, Cavite
Philippines
Thank you so much, Jose. Sana nga, dumalas ang pagsulat mo sa amin. Kumusta sa lahat ng mga kaibigan diyan sa Carmona, ha?
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
BEAUTIFUL SNOW
(PAN RONG)
Narinig ninyo ang magandang tinig ni Pan Rong sa awiting "Beautiful Snow" na lifted sa collective album na pinamagatang "Super Girls' Voice."
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Elfa ng Sta. Ana, Manila. Sabi niya:
Dear Kuya Ramon,
Kumusta kayo riyan?
Hindi ko nakakalimutan ang radio transmission ninyo tuwing gabi, at mas lalo naman ang inyong website na naglalaman ng iba't ibang topics.
Hinggil sa topic ninyong Little Adults sa Pag-usapan Natin, sa tingin ko, hindi dapat masyadong problemahin ng mga magulang kung may anak silang parang matanda kumilos. Talaga lang na may tendency ang mga bata na gayahin ang mga taong nasa paligid nila. Kahit na nagsasalita at kumikilos silang parang matanda, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan na sila ay mga batang paslit.
Napanood ko ang laban ni Manny Pacquiao at isa ako sa mga naniniwala na mali ang hatol ng hurado. Talagang obvious na obvious ang mga natamong puntos ni Manny mula sa kanyang mga suntok na hindi nasangga at nailagan ng kanyang kalaban. Bakit hindi nila imbestigahan ito para lumabas ang totoo?
Isa rin ako sa mga nananalangin para matapos na ang hidwaan ng China at Phlippines sa Huangyan Island. Hindi siguro mahalaga sa ngayon kung sino ang may karapatang mag-angkin dito. Ang maganda siguro ay magkasama silang mag-explore dito at magbahaginan ng pakinabang.
Sana magpatuloy kayo ng pagbabahagi sa amin ng mga interesting topics sa inyong talk shows at sana madagdagan pa segments ng inyong Gabi ng Musika. Gusto ko ang hinggil sa Hollywood, sports, at fashion.
Sana lagi kayong malayo sa anumang karamdaman.
Mabuhay and more power!
Elfa Madrid
Punta, Sta. Ana, Manila
Philippines
Maraming-maraming salamat sa iyong e-mail, Elfa, at sana ay okey kayong lahat diyan sa Punta, Sta. Ana. God bless you.
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating movie reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
KAHIT PA
(HALE)
Iyan naman ang Pinoy band na Hale, sa kanilang awiting "Kahit Pa" na hango sa collective album na may pamagat na "Pinoy Play File."
Tunghayan naman natin ang mga mensaheng SMS.
Sabi ng 917 351 9951: "Halatang halata sa mukha ni Bradley na siya mismo hindi makapaniwala na panalo siya. Ano pa nga ba. Talagang talo ka, engot!"
Sabi naman ng 919 651 1659: "Kung punto por punto ang usapan, walang dudang lamang si Pacman. Alam ng media iyan. Kaso, dinaan sa botohan na hindi naman objective. Talo si Manong!"
Sabi naman ng 917 483 2281: "Naniniwala ako na sa malao't madali ay matatapos din ang isyu ng Huangyan Isaland. Hangga't bukas ang pinto ng magkabilang panig para sa magiliw na usapan, walang hindi posible."
Sabi naman ng 915 716 4448: "Happy belated Independence Day, Kuya Ramon. Meron bang salu-salo ang mga kababayan diyan sa Beijing? Sana, naging masaya naman ang celebration."
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |