|
||||||||
|
||
Noong gabi ng ika-16 ng buwang ito, inilunsad ang Shenzhou-9 Manned Spacecraft na nagpadala ng 3 astronaut na Tsino sa kalawahan. Hindi ito ang kauna-unahang beses na nagpadala ng Tsina ang mga astronaut sa kalawakan. Pero ito'y maituturing na makabuluhang tagpo sa kasaysayan ng Tsina.
Si Liu Yang, kauna-unahang babaeng astronaut Tsino
Sa naturang 3 astronaut na Tsino, nabibilang ang kauna-unahang babaeng astronaut na si Liu Yang sa kasaysayan ng Tsina at sa kanilang pananatili sa kalawakan, isasagawa ang 2 beses na paghuhugpong sa Tiangong-1 space lab na naghahanda para maitayo ang kauna-unahang space station ng Tsina sa taong 2020.
Minsan ay sinabi ni Chairman Mao Zedong, na "Hawak ng mga Kababaihan ang Kalahati ng Kalangitan." Ito ay pagkilala sa pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae sa Tsina, at pagkilala sa karapatan at kontribusyon ng mga kababaihang Tsino sa pag-unlad ng bansa. Kasunod ng pagpasok ni Liu Yang sa kalawakan, ang katagang ito ay literal na nagkatotoo na ang kalahati ng kalawakan ay totoong hawak na ng mga kababaihan.
Si Liu Yang ay isinilang sa lalawigang Henan sa dakong gitna ng Tsina. Siya ay 33 taong gulang, may asawa, mahilig sa mga bata, at marunong ding magluto. Noong 1997, naging miyembro siya ng People's Liberation Army (PLA). Pagkatapos ng 1,680 oras na pagpapalipad ng eroplano, siya ay naging isang beteranong piloto at naging pangalawang lider ng isang yunit panghimpapawid. Noong Mayo ng 2010, isa siya sa mga napili na sanayin upang maging astronaut ng Tsina.
Si Liu Yang ay nagpapalipad ng eroplano
Ayon kay Jing Haipeng, komander ng misyon ng Shenzhou-9, "kahit huling nagsimula ng pagsasanay si Liu Yang, ang kanyang kakayahan sa ngayon ay kapantay na ng sinuman sa mga miyembro ng misyon."
Sa isang panayam, sinabi ni Liu, "noong piloto ako, lumipad ako sa kalangitan. Pero, ngayon ako ay isa ng astronaut, lilipad naman ako sa kalawakan. Ito ay isang mas mataas at mas malayong paglalakbay."
Sapul nang itatag ang People's Republic of China, walang humpay na tumataas ang katayuan ng mga kababaihang Tsino. Pantay ang karapatan ng mga kalalakihan at kababaihan sa edukasyon at trabaho at pantay rin sila sa katayuang panlipunan. Sa Tsina, hindi kailangang itakwil ng mga kababaihan ang kanilang trabaho pagkatapos ng pag-aasawa.
Nitong ilang taong nakalipas, mas maningning ang tagumpay ng mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan sa mga larangan. Halimbawa, si Li Na, babaeng tennis player na nakuha ang championship sa French Open. Si Feng Shanshan, 22 taong gulang na babaeng Tsino, naging kampeon siya sa kompetisyon ng Ladies Professional Golf Association (LPGA). Wala pang sinumang lalaking Tsino ang nakakuha ng parehong tagumpay.
Babaeng doctor na Tsino
Sa proseso ng pag-unlad ng lipunan at kabuhayang Tsino, malaki pa rin ang tagumpay ng mga kababaihang Tsino. Ayon sa estadistika ng All-China Women's Federation, may mahigit 29 na milyong babaing mangangalakal sa Tsina at 41% sa kanila ay mayroong sariling negosyo.
Sa larangan ng edukasyon, ang karamihan ng mga guro sa mababa at mataas na paaralan ay kababaihan. Sa ospital naman, dumarami ang mga babaeng doktor. Bukod dito, parami nang paraming babaeng Tsino ang pumapasok sa mga propesyon na kinabibilangan ng mga kalalakihan noon na gaya ng pulis, sundalo at opisyal.
Babaeng pulis na Tsino
Sa mga lugar na pampubliko, madalas na nakikita ang mga napakagandang babaneg pulis. Sa mga sangay ng pamahalaan, marami din ang mga babaeng opisyal sa mataas na antas. Halimbawa si Liu Yandong, Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina at si Song Qinglin, pangalawang pangulo ng Tsina mula 1949 hanggang 1975.
Palagiang kinakaharap ng mga kababaihan ang mga presyur na gaya ng panganganak, pag-aalaga sa mga matatanda at anak at mga tradisyonal na moralidad. Sa kabila nito, tinatanggap na ng lipunang Tsino ang kanilang hangarin at aksyon na gaya ng pagkaroon ng sariling karera, malayang paghahanap ng pag-ibig, at pamumuno sa mga tanggapan na maraming kalalakihan.
Si Song Qingling, Pangalawang Pangulo ng Tsina mula taong 1949 hanggang 1975
Pero kumpara sa ibang mga bansa, kulang ang mga kababaihang Tsino ng kasiglahan sa pagpasok sa larangang pulitikal. Kahit mayroong mga opisyal na babae, punong babae ng mga organisasyon at kinatawang babae sa NPC at CPPCC, hindi masyadong marami ang bilang nito. Sa kabilang dako, mas mabigat ang papel ng mga kababaihan sa loob ng pamilya. Liban sa sariling trabaho, dapat silang mag-alaga sa mga matatanda at anak at dapat atupagin ang mga gawaing pambahay.
Sa katotohanan, nakakayanig-daigdig ang pagbabago ng katayuan ng mga kababaihang Tsino pagkatapos ng pagkakatatag ng People's Republic of China. Bago taong 1949, ang mga kababaihan ay dapat sumunod sa mga kalalakihan batay sa tradisyonal na ideya at kaugalian na itinakda ni Confucius at kaniyang mga tagapagsunod.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |