|
||||||||
|
||
June 24, 2012 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din ako rito. At kung wala kayo riyan, wala rin ako rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
Karera ng mga Bangka sa Dragon Boat Fest
Salamat sa inyong mga bating pang-Dragon Boat Festival, naalala ko na Dragon Boat Festival pala last Friday. Talagang nawala sa loob ko. Hindi ko ito dapat makalimutan dahil isa ito sa mga festival na may pinakamahabang kasaysayan dito sa Tsina. Ay, naku...
Sabi ni Kathy ng Ermita, Manila, kung gusto raw nating humaba ang buhay natin, dapat daw tayong manatiling optimistic, friendly at masayahin, at dapat lagi daw tayong tumatawa at open sa ating mga nararamdaman. Ayon daw iyan sa mga mananaliksik at dalubhasang Israeli...
Salamat, Kathy. Totoo iyan. Naniniwala ako riyan.
Bigyang-daan natin ang e-mail ni Janine ng Cebu City. Sabi ng kanyang liham:
Dear Kuya Ramon,
Lagi kong binibisita ang website ng Serbisyo Filipino at gusto ko kayong papurihan dahil sa matagumpay ninyong mga programang Diretsahan, Pag-usapan Natin, mga Pinoy sa Tsina, Pop China, Gabi ng Musika at iba pang programa. Lagi kong sinusundan ang inyong mga diskusyon hinggil sa iba't ibang paksa. Dagdag kaalaman din ang mga ito.
Liu Yang, Kaunaunahang Chinese Astronaut sa Kalawakan
Gusto ko ring ipaabot ang pagbati ko sa matagumpay na paglulunsad ng China ng space module at pagpapadala ng babaeng atronaut sa outer space. Ito ay matatala sa kasaysayan ng space exploration at hindi makakalimutan ng sangkatauhan.
Kasabay ng pagbati ko sa maayos na paghawak ng China sa issue ng Huangyan Island, gusto ko ring ipaabot ang pagbati ko sa lahat ng mga kaibigang Chinese sa kanilang pagdiriwang ng Dragon Boat Festival. May mga news clip dito hinggil sa dragon boat race sa Hong Kong.
Kumusta naman ang paghahanda ng China para sa London Olympics? Gaano kalaki kaya ang Chinese delegation?
Patuloy ko ring sinusubaybayan ang inyong mga balita hinggil sa mga kaganapan diyan sa China at iba pang lugar ng mundo. Umasa kayo na patuloy kong susuportahan ang inyong serbisyo.
Ipinaaabot ko rin ang pangungumusta ko sa lahat ng mga kasamahan ninyo.
Mabuhay ang more power!
Janine
R. R. Landon Ext., Cebu City
Philippines
Maraming-maraming salamat, Janine, sa iyong sulat, moral support at malasakit. Huwag kang magsasawa ng pagsulat, ha?
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
GENERAL
(ZHOU JIELUN)
Narinig ninyo si Zhou Jielun sa kanyang awiting "General," na lifted sa album na may pamagat na "Broken Bridge."
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Becky Sy ng Tianjin, China. Sabi niya:
Kuya Ramon,
Dapat na talagang matuldukan ang issue ng Huangyan Island. Walang idudulot na buti sa Pilipinas at sa Tsina ang kanilang hidwaan. Mas maganda kung magbabalik sila sa hapag ng talastasan at paiiralin ang pagtitiwala sa isa't isa. Ang muling pagganda ng kanilang relasyon ay maghahatid ng malaking kapakinabangan sa mga mamamayan ng dalawang panig.
Happy Dragon Boat Festival sa lahat ng staff members ng Serbisyo Filipino.
Becky Sy
Tianjin, China
Maraming salamat sa e-mail, Becky. Sana okey kayong lahat diyan sa Tianjin.
Ngayon, alamin naman natin ang latest tsika mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
KASI NAMAN
(NIKKI GIL)
Nikki Gil at ang awiting "Kasi Naman." Ang track na iyan ay buhat sa collective album na pinamagatang "Hotsilog."
Bigyang-daan naman natin ang mga mensaheng SMS.
Sabi ng 910 662 1181: "Christian greetings! Kumusta, kumusta, kumusta na kayo, Kuya Ramon? Sana, lagi kayong malakas at malusog, at masaya.
Sabi naman ng 918 730 5080: "Siyempre, Serbisyo Filipino kami pagsapit ng ika-7:30 ng gabi at Gabi ng Musika pagsapit ng araw ng Linggo. Hindi naman ito nangangahulugan na ini-snob na namin ang iba ninyong programa."
Sabi naman ng 919 462 8180: "Gusto kong batiin ang kauna-unahang babaeng astronaut ng China. Siya ay super woman at maituturing na isang bayani ng bansa."
917 808 8188: "Gabi ng Musika, programang pampasigla. Talaga. Hindi ko ito kinakalimutan tuwing Linggo ng gabi."
Maraming-maraming salamat sa inyong text messages...
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng programang Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook; crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart), 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |