|
||||||||
|
||
August 19, 2012 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
Baha sa Kalakihang Maynila
Sa ating "Tawa Na" portion ngayong gabi...
Nagpalabas ng Oratio Imperata o Obligatory Prayer ang Archdiocese ng Maynila upang ipanalangin na tumigil na ang ulan at humupa ang baha sa Kalakihang Maynila at mga kalapit na lalawigan.
Sa sirkular ni Archbishop Luis Antonio Tagle ng Maynila, ipinag-utos nito ang pagdarasal ng Oratio Imperata sa lahat ng idaraos na Misa, sa mga Holy Hour at maging sa pagro-rosaryo.
Ang kanyang Kabunyian Luis Antonio Tagle, Arsobispo ng Maynila
Naniniwala ang Manila Archbishop na malaki ang maitutulong ng sama-samang pagdarasal para huminto ang pag-ulan at humupa ang baha at maisalba ang mga komunidad na sinalanta ng kalamidad.
Bigyang-daan natin ang e-mail ni Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China. Sabi ng liham:
Dear Kuya Ramon,
Sa pagbasa mo ng sulat na ito, ang ilang bahagi ng Metro Manila ay binabaha. Maraming mga tao ang nagpunta sa matataas na lugar o sa evacuation centers para makaiwas sa malalim na tubig. Nakikiramay ako sa kanila.
Sa nakaraang Gabi ng Musika, iprinisinta mo ang tungkol sa park na binisita mo dito sa Beijing. Ako man ay mahilig ding magpunta sa mga park. Marami na rin akong napuntahang park dito sa Beijing pero hindi ko matandaan ang pangalan ng mga iba, at iyong sinasabi mong park hindi ko pa napupuntahan. Sa atin, sa Pinas, madalas din akong magpunta sa Rizal Park. Ipinagmamalaki ko ito.
Liu Xiang
Gusto kong ipaabot ang bati ko sa mga manlalarong Tsino sa Olympics. Mahuhusay sila. Nagbigay sila ng malaking karangalan sa kanilang bansa. Ikinalulungkot ko lang ang nangyari kay Liu Xiang. Naulit na naman iyong nangyari noong 2008 Olympics.
Sana, Kuya Ramon, matapos na ang pagkakagalit ng China at Pilipinas dahil sa issue ng South China Sea. Wala itong maidudulot na buti sa atin. Pare-pareho lang tayong mawawalaan. Ituloy natin ang ating mataimtim na pagdarasal para rito. Sana okey naman ang pangangatawan mo, Kuya. Huwag kang magkakasakit. Kailangan namin ang iyong moral at spiritual support.
Thanks and regards to all.
God bless.
Ronnalyn
Shunyi District, Beijing
China
Salamat sa e-mail, Ronnalyn, at salamat din sa regular na pag-iiwan mo ng messages sa aming message board. Sana okey din kayong lahat diyan sa Shunyi.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
LOTUS' BROTHER-IN-LAW
(WANG RONG)
Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Wang Rong sa awiting "Lotus' Brother-in-Law," na lifted sa album na may pamagat na "You Can Listen and Sing with Us."
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Tess Castro ng Quiapo, Manila. Sabi ng kanyang liham:
Dear Loving DJ,
How's everything with you? Matagal din naming na-miss ang voice mo.
Pinakikinggan ko ang webcast ninyo araw-araw at nagustuhan ko iyong dalawang huling episodes ng Gabi ng Musika. Sana makita ko nang aktuwal iyong sinasabi mong Bamboo Park. Mukhang kakaiba.
Binabati ko ang mga Chinese athletes na nag-participate sa London Olympics. Sila ay mga tunay na kampeon. Magagaling sila lalo na sa swimming, gymnastics, ping pong, badminton at iba pa. Pangalawa sila sa pinakamaraming nahamig na medalya.
Hindi pa humuhupa ang baha sa ilang lugar ng Kalakihang Maynila. Sa palagay ko, tama ang decision ng government na gamitin ang mga smuggled rice bilang suplay ng pagkain ng mga nabiktima ng baha. Kung hindi nila gagamitin iyon, mabubulok din iyon sa bodega, hindi ba? Sana matapos na ang mga pag-ulan na ito para maharap naman ng mga naghihirap nating kababayan ang kanilang ikabubuhay.
Magpapadala uli ako ng reception report pag nakapakinig ako sa radio.
Hinihintay ko ang susunod na edition ng Cooking Show.
This is all for now.
Mabuhay!
Tess Castro
IBM Peralta
Quiapo, Manila
Philippines
Salamat sa e-mail, Tess. Hindi ba kayo binaha diyan sa lugar ninyo? Ingat lang kayo, ha?
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
ANNIE BATUNGBAKAL
(TONI GONZAGA)
Annie Batungbakal, sa pag-awit ni Toni Gonzaga. Ang track na iyan ay hango sa collective album na may pamagat na Hotsilog!
Tunghayan naman natin ang ilang text messages…
Sabi ng 921 577 9195: "Hi, Kuya Ramon! State of calamity ang buong Luzon! Sunud-sunod naman kasi ang pag-ulan, eh! Sana matapos na ito!
Sabi naman ng 928 754 0133: "Kuya RJ, di ko alam kung bakit kawawang-kawawa tayo tuwing may ulan, bagyo at baha! Sadyang ganito ba ang ating kapalaran?"
Sabi naman ng 910 435 0941: "Kumusta na, Loving DJ? Salamat sa iyong moral at material support. Dagdagan pa natin dasal natin para huminto na ang pag-ulan at nang makabalik na sa kani-kanilang tahanan ang mga evacuees."
Sabi naman ng 0086 134 261 27880: "Hi, Kuya Mhon! Let's join hands in praying for the flood victims in the Philippines!"
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |