|
||||||||
|
||
September 2, 2012 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
Sa ating Tawa Na portion ngayong gabi...
Bigyang-daan natin ang liham ni Conchita Taylo ng Sta. Cruz, Manila. Sabi ng kanyang snail mail:
Dear Kuya RJ,
Gusto kong ipaabot ang taos-puso kong pangungumusta sa iyo at sa lahat ng mga kasamahan mo sa Serbisyo Filipino. Gaya rin ng madalas mong sinasabi, kung okey kayo riyan, okey din kami rito.
Gusto kong magpasalamat sa iyo dahil sa words of encouragement mo sa mga reply mo sa mga sulat ko. Nagsosolong binubuhay ko ngayon ang pamilya ko at, sa awa ng Diyos, mapapagtapos ko na sa kolehiyo ang panganay kong anak na kumukuha ng Bachelor of Science in Education.
Hindi ko makakalimutan iyong madalas mong sinasabi na "Iniwan ka ng asawa mo, pero hindi nangangahulugan na katapusan na ng mundo mo." Hanggang ngayon, nakakintal pa rin ito sa utak ko.
Ang isa pang nagbigay sa akin ng inspirasyon ay ang Kumareng Gina mo na nagtayo ng Chinese restaurant makaraang mag-aral ng lutuing Tsino sa inyong programang Cooking Show. Kailangan talaga ng lakas ng loob at siyempre ng katulad mo na nakakapagbigay ng lakas ng loob at handang makinig sa mga problema ng iba. Nagbabalak din ako ngayong magbukas ng maliit na karinderiya.
Hanggang ngayon ay buhay pa iyong transistor radio na ibinigay mo sa akin at doon ko pinakikinggan ang mga programa ninyo tuwing gabi.
Meron lang akong request, Kuya Ramon. Puwede bang patugtugin mo iyong kantang "Unforgettable" sa iyong Gabi ng Musika?
Maraming salamat and God bless.
Conchita Taylo
Raon, Sta. Cruz, Manila
Philippines
Maraming salamat sa sulat mo, Conchita. Sa totoo lang, wala kang dapat ipagpasalamat sa akin. Ang pasalamatan mo ay iyong Nasa Itaas. Kasangkapan lang niya tayo, eh. God bless you rin at narito ang hiling mong awitin...
UNFORGETTABLE
(NAT KING COLE AND NATALIE COLE)
Nat King Cole at ang anak na si Natalie sa kanilang awiting "Unforgettable," na lifted sa collective album na pinamagatang "Closer: When Pop Meets Jazz."
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Kris Sagun ng New Territories, Hong Kong. Sabi ng kanyang liham:
Xinjiang, China
Kuya Ramon,
Gustung-gusto ko ang bahaging "Tawa Na" ng programang Gabi ng Musika. Maiksi lang ito pero mahaba ang epekto. Kumuntik na akong masamid noong unang marinig ko ito.
Kinuwentuhan mo kami ng hinggil sa mga parks at temples na napuntahan mo diyan sa Beijing. Sana, in future, kuwentuhan mo naman kami ng hinggil sa biyahe mo sa Xinjiang.
Ambassador Sonia Brady
Sana naman magbalik ang lakas ni Mrs. Sonia Brady. Mahihirapan tayong humanap ng kapalit niya bilang ambassador sa China. Matagal na siya riyan at marami nang experience.
Bukod sa inyong weekend programs, pinapakinggan ko rin ang inyong Usapa-usapan, Mga Pinoy sa Tsina, Diretsahan, Balita at Usap-usapan at iba pa.
Lagi akong nananabik sa mga reply mo sa mga e-mail at SMS ko.
Binabati ko ang lahat ng mga tauhan ng Filipino Service.
Mabuhay!
Kris Sagun
New Territories, Hong Kong
China
Salamat sa e-mail, Kris. Natanggap mo ba iyong ipinadala kong souvenir item?
Ngayon, dumako naman tayo sa bahaging pinakahihintay ninyong lahat, Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
THE POWER OF LOVE
(F. I. R.)
F. I, R. sa kanilang awiting "The Power of Love," na hango sa album na may pamagat na "Unlimited."
Bigyang-daan naman natin ang mga SMS.
Dating-Kalihim ng DILG Jesse Robredo
Sabi ng 921 577 9195: "Maraming nakiramay sa pagyao ni Sec. Robredo. Marami kasi ang nanghihinayang sa kanyang pagkawala. Nagbigay siya ng magandang halimbawa sa madla."
Sabi naman ng 910 826 0152: "Ka Ramon, mula pa noon, sinusundan na namin ang mga kapulungan ng cpc. Inaabangan namin ang pagbubukas ng kapulungan ng cpc ngayong taon."
Sabi naman ng 0049 242 188 210: "Salamat sa tulong mo at ng Gabi ng Musika sa mga proyekto namin dito sa barangay namin. Pangako, lagi kaming makikinig sa lahat ng mga programa ng Serbisyo Filipino."
Sabi naman ng 921 378 1478: "Sana i-share mo naman sa amin ang naging experience mo sa Xin Jiang. Gusto naming makita ang big picture ng region na iyan through your story."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipin_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |