Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-35 2012

(GMT+08:00) 2012-09-12 16:07:23       CRI

September 9, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

TAWA NA

Kausap ko sa telepono noong isang araw si Nanding Dycueco, isang kababayan na tumutugtog dati ng piyano a Radisson SAS Hotel Beijing. Nasa Shanghai siya ngayon at nagtatrabaho bilang entertainment manager ng isang 5-Star Hotel. Sabi niya, dalawa raw ang dahilan kaya ayaw niyang umalis ng China para sumubok na tumugtog sa iba pang bansa: Una, panatag daw ang kalagayan niya rito; ikalawa, napamahal na raw sa kanya ang China. Sa sarili niyang pananalita: "I have fallen in love with China."

Alam niyo, professional talaga itong si Nanding. Kahit saang hotel siya tumugtog, hinahanap-hanap siya ng mga tao. Bago siya nagpunta ng China, nagkaroon din siya ng pagkakataong tumugtog sa mga hotel sa Europa.

Good luck sa iyo, Pareng Nanding.

Bigyang-daan natin ang liham ni Jorge Aragon ng San Andres, Manila.

Sabi niya:

Dear Kuya Ramon,

Pasensiya ka na, ngayon lang uli ako nakasulat. Alam mo na, lagi tayong abala sa maraming bagay.

Temperature sa Xin Jiang pumapalo ng mahigit 46 degrees kung summer

Alam mo, naintriga ako doon sa sinabi mo na umaabot sa mahigit kuwarenta ang temperature sa Xin Jiang kung summer. Paanong nakakaya ng mga tao ang ganoong kataas na temperature? Tanong ko lang.

Narinig ko sa inyong programa na ang Communist Party of China ay magdaraos ng isang mahalagang meeting sa loob ng darating na maikling panahon. Hindi lang ninyo ini-specify sa inyong program kung kailan ito gaganapin. Hinahangad ko ang pinakamabuti para sa Communist Party of China.

CPC: Bayan muna bago ang iba

Karapat-dapat lang ipagbunyi ng mga mamamayang Tsino ang CPC. Tagumpay ang partidong ito sa kanyang serbisyo publiko. Dapat lang ipaabot ng mga Tsino ang kanilang pasasalamat sa CPC dahil nakarating sila sa dapat nilang marating dahil sa patnubay ng partidong ito na hindi kailanman naging mapag-imbot sa sambayanang Tsino. Hindi maikukumpara ang serbisyo ng CPC sa serbisyo ng mga partido ng ibang bansa. Sa tingin ko, para sa CPC, bayan muna bago ang iba. Kaya naman mula sa partidong mabibilang mo sa daliri ang miyembro, ang Partido Komunista ay lumaki sa isang partidong milyon ang miyembro. Where in the world, especially in non-socialistic world can you find this? Sa tingin ko, kaugnay ng pulong ng partido, hindi lamang ang partido ang dapat batiin kundi pati na rin ang lahat ng Chinese--in and out of China. Siyempre, kung wala namang suporta ng malaking masa ng mga mamamayan, wala rin ang Partido Komunista.

Kahit hindi ako nakakasulat lagi, regular ko namang sinusubaybayan ang inyong mga programa at nag-iiwan din ako ng mensahe sa inyong message board every now and then.

I hope, magpapatuloy ang kasalukuyang sigla ng inyong mga programa mula sa Balita hanggang sa Pop China at Gabi ng Musika.

Until next time...

God bless...

Jorge Aragon
San Andres, Manila
Philippines

Salamat sa sulat, George. Huwag kang mag-alala. Sisikapin naming laging mabigyang-buhay ang aming mga programa para sa inyong ikasasaya. Ikaw ay isang keen observer at seryosong tagapakinig ng Serbisyo Filipino. Mabuhay ka, Jorge. God bless you.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ

FLOWER IN GREEN
(LIANG JING RU)

Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Liang Jing Ru sa awiting "Flower in Green," na lifted sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Stephanie ng Batangas. Sabi ng kanyang liham:

Dear Kuya Ramon,

Mga Tsinong nag-aral o nag-aaral ng wikang Filipino

Guto ko pong ipahayag dito ang kasiyahan ko doon sa mga mag-aaral na Chinese na nag-aaral magssalita ng wikang Filipino. Bihira akong makarinig ng ganyan at mayroon palang ganyang diyan sa China. Biruin mo, sa dinami-dami ng lengguwahe sa mundo, Filipino pa ang napili nilang pag-aralan at interesado rin sila sa Pilipinas at buhay ng mga Pilipino. Kung buhay lang si Pangulong Quezon, siguradong matutuwa siya.

Natawag din ang pansin ko ng inyong topic na may kinalaman sa billboard ng mga naghahanap ng life partners. Parang kakaiba rin iyan dahil wala ring ganyan dito sa atin. Ang masasabi ko lang ay malaya sila na gawin ang gusto nila basta huwag lang sila lalabag sa batas. Kung sa tingin nila iyon ang pinakamagandang paraan ng paghahanap ng makakasama sa buhay, sumigi lang sila.

Bukod sa mga ito, sinusundan ko rin ang iba pa ninyong mga blog at umasa kayo na lagi akong makikinig sa inyong streaming at bibisita sa inyong website.

Sana okay kayong lahat diyan sa Serbisyo Filipino.

Take care,

Stephanie Nobleza
Tanauan, Batangas
Philippines

Super, super salamat, Estephanie, sa e-mail at sa mga padala mong post card. Sana nakarating na rin sa iyo iyong mga padala naming souvenir item. Sulat ka uli, ha? Kumusta na lang sa lahat ng mga kaibigan diyan sa Tanauan at God bless you...

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating movie reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok.

Salamat, Super DJ!

MISS UNIVERSE NG BUHAY KO
(HOTDOG)

Hotdog at ang isa sa mga pinasikat nilang awiting "Miss Universe ng Buhay Ko." Ang track na iyan ay hango sa album na may pamagat na "Hotdog's Greatest Hits."

Tunghayan naman natin ang mga SMS.

Sabi ng 920 950 2216: "Kuya Ramon, tutok-sarado ako sa Gabi ng Musika kung araw ng Linggo. Gusto ko ang Tawa Na, Balitang Artista at Letter-Reading."

Sabi naman ng 0086 134 263 777 60: "Hanga ako sa suporta at tulong ng Serbisyo Filipino sa mga tagapakinig nito. Bihira ang ganito sa ibang SW stations."

Sabi naman ng 0086 138 114 096 30: "Tama sila. Dapat magpatuloy ang pagpapalitan ng Pilipinas at China sa larangan ng edukasyon at kultura. Magandang paraan iyan para malubos ang pagkakaunawaan ng dalawang panig."

Sabi naman ng 917 401 3194: "Ang Serbisyo Filipino ay isang institusyong tagapagpalaganap ng wikang Fiilipino. Salamat sa inyo, Kuya Ramon!"

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>