|
||||||||
|
||
September 16, 2012 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon, yun, eh.
Sa ating "Tawa Na" portion ngayong gabi...
TAWA NA
Noong isang gabi, naimbitahan ako ng mga kababayang Pilipino na gumimik sa Radisson SAS Hotel. Habang nagkakatuwaan kami, hindi ko namamalayan na ini-sketch pala ng isang kababayan ang profile ko. Nagulat na lang ako nang ipakita sa akin ang sketch. Kamukhang kamukha ko talaga. Edwin Alcantara ang pangalan ng kababayan na hindi ko alam e mayrooon palang artistic talent. Thank you, Edwin...
Snail Mail ng mga Tagapakinig
Salamat doon sa mga nagpapadala ng snail mail. Alam niyo, tuwang-tuwa talaga ako pag nakakatanggap ako ng ganitong porma ng sulat. Bihira na kasi ngayon ang nagpapadala ng snail mail, kaya pag nakakatanggap ako ng ganitong sulat, iba ang nagiging pakiramdam ko. Sana ipagpatuloy ninyo ang pagpapadala ng snail mail kung magagawa rin lang ninyo. Iba talaga ang dating nito sa akin.
Bigyang-daan natin ang e-mail ni Edith ng Antipolo, Rizal. Sabi ng kanyang sulat:
Dear Kuya RJ,
Greetings to all the wonderful people of Filipino Service.
Gusto ko lang ireport sa iyo na maganda ang signal ninyo all these days at parang nakikinig na rin ako sa medium wave.
Ina-appreciate ko ang pagbibigay-daan mo sa mga mensahe ng mga tagapakinig at ang pagbibigay-tulong mo sa mga lumalapit sa iyo. Dapat malaman din ng mga kababayan natin na hindi naman unlimited ang resources mo kaya hindi mo maipagkakaloob sa kanila ang lahat ng hinihingi nilang pabor. Dapat ipagpasalamat nila kung anumang tulong ang maipagkakaloob mo sa kanila.
Doon sa sinasabi ninyong trabaho para sa mga bagong graduates, sana magkaroon ng mga programa ang mga company natin para sa kanila, tulad ng puspusang on the job training, mga seminar at mga workshop. Mahirap talaga silang makakita ng trabaho lalo na kung wala silang experience.
Isa ako sa masusugid na tagapakinig ng inyong Cooking Show kaya nalulungkot ako pag nawawala ito sa himpapawid. Sana ipagpatuloy ninyo ang pagsasahimpapawid ng programang ito.
Kelan kaya matatapos ang issue ng Huangyan at Diaoyu islands? Sana, sa malao't madali. Hindi tayo dapat mag-away-away dahil dito.
Pasensiya ka na, Kuya RJ, hindi ako makasulat ng mas mahaba pa rito. Pangako, susulat uli ako sa ibang araw.
Kumusta na lang uli sa lahat ng mga kaibigan diyan sa Filipino Service.
Edith Magsanoc
Circumferential Road
Antipolo, Rizal
Philippines
Salamat, Edith, sa e-mail, understanding at consideration. Tama ang sabi mo. Hindi unlimited ang resources ng inyong lingkod. Para sabihin ko sa iyo, maganda ang laman ng sulat mo at ina-appreciate ko ang sulat ninyo mahaba man o maiksi. Ang mahalaga ay naaalala ninyo kami rito sa Serbisyo Filipino. Sulat ka uli, ha? God bless you.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
WISH
(FAYE WONG)
Narinig ninyo ang magandang tinig ni Faye Wong sa awiting "Wish," na lifted sa album na may katulad na pamagat.
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Wilma Cosme ng Swiss Hotel, Beijing. Sabi ng kanyang liham:
Kuya Ramon,
Anong balita? Okay ka lang ba diyan?
Giant Panda
Mukhang may nakakalimutan ka atang lugar sa Beijing. Marami ka nang nabanggit na lugar pero hindi mo nababanggit ang Beijing Zoo. Hindi ba maganda rin itong pasyalan ng mga gustong magpunta ng Beijing? Makikita nila roon ang giant panda. Ilang ulit din akong nakapunta roon kasi meron ding amusement park sa loob.
President Manuel Luis Quezon
Tama iyong sabi ng isang tagapakinig na kung buhay si Pangulong Manuel Quezon, matutuwa siyang malaman na may mga dayuhang interesadong mag-aral ng wikang Filipino. Isa iyan sa mga adhikain niya—mapalaganap ang wikang pambansa. Hanggang ngayon marami pa ring mga kababayan ang Inglesero at Inglesera.
Sana hindi na lumala ang issue ng Diaoyu Island at sana matapos na nang tuluyan ang issue ng Huangyan Isaland. Dapat tayong mga Asian ay magmahalan at magdamayan. Asia is for Asians, hindi ba?
Araw-araw, nakikinig ako sa inyong webcast at ina-aapreciate ko ang inyong website. Malaman na malaman at Pilipinong Pilipino ang website ng Filipino Service.
Alam ko na patuloy pang lalawak ang inyong mga programa. I wish you and your Service all the luck in the world.
This is all for now.
Mabuhay!
Wilma Cosme
Swiss Hotel Beijing
Chaoyang District, Beijing
China
Salamat, Wilma, sa e-amil at sa pagtataguyod mo sa aming mga programa. Maganda ang laman ng sulat mo. Sana maging regular ang pagsulat mo sa amin. God bless you.
Ngayon, dumako naman tayo sa bahaging pinakahihintay ninyong lahat, Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ.
DYING TO TELL YOU
(CHRISTIAN BAUTISTA)
Christian Bautista, sa kanyang sariling version ng awiting "Dying to Tell You." Ang track na iyan ay hango sa collective album na pinamagatang "Hotsilog."
Tunghayan naman natin ang mga SMS.
Sabi ng 917 563 1184: "Sa tingin ko, Kuya, kung magagawa lang ng mga nanay, maganda na ring samahan nila ang mga anak nila kahit sa college lalo na kung babae. Alam mo naman siguro na maraming salbahe ngayon sa pali-paligid."
Sabi naman ng 910 114 1167: "Kuya Ramon, lagi akong nakaabang sa programa mo kung Linggo ng gabi. Nakakatuwaan kong pakinggan ang mga sulat ng mga kababayan dito sa Pinas at abroad. Sari-saring experiences ang naririnig ko."
Sabi naman ng 917 483 2281: "Dapat maging maingat ang media sa pagti-treat nila sa isyu ng bentahan ng Diaoyu Island. Hindi nila dapat painitin, gatungan o sulsulan ang alinmang panig. Lubhang sensitibo ang isyu ng iyan."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |