Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-37 2012

(GMT+08:00) 2012-09-27 17:36:04       CRI

September 23, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Sa ating Tawa Na portion ngayong gabi...

TAWA NA

Skyscrapers ng Beijing

Mga Bisikleta sa Beijing, Dumadalang nga ba?

Kasalukuyang bumibisita ng Beijing si Bro. Felix Pecache ng Episcopal Church Manila. Si Bro. Felix ay matagal nang tagapakinig ng CRI Filipino Service. 1990's pa nakikinig na siya. Sabi niya, hindi na raw niya nakilala ang Beijing dahil sa laki ng pagbabago nito. Marami raw skyscrapers at environment-friendly buildings; malapad na malapad daw ang mga kalye at halos lahat na yata ng modelo ng kotse ay nagyayaot dito; madalang na raw ang bisikleta at maraming electric bicycles; marami raw international retail shops at food chains; at ibang-iba raw ang istilo ng pananamit ng mga Beijinger. Malayung-malayo raw ito roon sa Beijing na nakita niya noong 1993.

Welcome sa Beijing, Bro. Felix. Sana magkaroon ka ng pagkakataon na makabisita sa CRI.

Salamat sa lahat ng mga nagpadala ng mga mensaheng pambati para sa pagbubukas ng China-Asean Expo sa Nanning, China. Salamat sa 917 351 9951, 917 960 6218, 918 315 9947, 917 401 3194, 919 426 0570, 0049 242 188 210, at 0041 797 632 582.

Bigyang-daan natin ang e-mail ni Naila Feria ng San Juan. Sabi ng kanyang sulat:

Dear Kuya Ramon,

Kumusta na ang Filipino Service? Ang trabaho ninyo, ok ba?

Kagagaling ko lang ng North at gusto kong ipaalam sa iyo na marami tayong tagapakinig ngayon sa Cordillera. Karamihan sa kanila ay mga DX-ERs at aksidenteng narinig nila ang ating Filipino sound. Gusto rin sana nilang makita ang website ng Filipino Service pero mahina raw ang internet connection nila at kailangan pang magpunta sila sa bayan, sa isang internet café, para makagamit ng internet. Ang ginagamit daw nilang frequencies ay 7.180 MgHz, 12.110 MgHz at 11.700 MgHz. Maganda sana kung makakapagbukas tayo ng post office box doon sa northern part of Luzon para makamura sila ng selyo kung susulat man sila.

Alam mo, Kuya, masisipag ang mga mamamayan ng Cordillera. Sa ngayon, pinalalakas nila ang industriya ng kape nila. Balang araw, makikilala ang bayan na ito, hindi lamang sa buong Pilipinas kundi sa buong mundo rin, dahil sa mabango at masarap nitong kape.

Kahit saang part ng Pilipinas ako naroroon, hindi maaring hindi ko i- promote ang Filipino Service at mga programa nito. Malaki ang malasakit ko sa inyong Serbisyo at malakas kayo sa akin.

Susulat uli ako pag mayroong magandang development.

With lots of love,

Naila Feria
San Juan, Metro Manila
Philippines

Maraming-maraming salamat sa sulat at malasakit, Naila. Hinay-hinay ka lang, ha? Masyado kang masipag, eh. Tatawagan kita one of these days para magkausap tayo.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

COWARD
(ZHOU JIELUN)

Narinig ninyo si Zhou Jielun sa kanyang awiting "Coward," na lifted sa album na pinamagatang "Broken Bridge."

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Rosy Golondrino ng Olongapo City. Sabi ng kanyang liham:

Dear Kuya Ramon,

Greetings!

Gusto kitang pasalamatan sa tulong mo sa akin at sa buong pamilya ko. Hindi kita makakalimutan at maging ang Serbisyo Filipino ng China Radio International. Talagang pang-serbisyo publiko ang inyong istasyon at ipinagmamalaki ko kayong lahat. Ipinaaabot ko ang pasasalamat ko sa ngalan ng asawa ko at dalawang anak na dalagita. Nandito na silang dalawa at kapiling na namin at naghihintay na lang ng tawag ng eskuwelahan na inaplayan nila bilang mga teachers.

Magkakasama kami ng mag-anak ko na nakikinig sa inyong mga programa tuwing alas-siyete medya ng gabi. Bale tatlong talapihitan ang ginagamit namin.

Ipinagdarasal namin kayong lahat diyan. Sana manatili kayong malakas at malayo sa anumang sakuna.

Maraming salamat uli, Kuya Ramon.

Mabuhay kayo!

Rosy Golondrino
Bajac-Bajac, Olongapo City
Zambales
Philippines

Walang anuman, Rosy, at salamat din sa e-mail mo. Tumutulong kami sa abot lang ng aming makakaya, kaya, sana, maintindihan din ito ng iba nating mga kababayan. Sana hindi ka magsawa ng pakikinig at pagsulat sa amin, God bless you, Rosy.

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating movie reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

MASDAN MO ANG KAPALIGIRAN
(ASIN)

Asin, sa kanilang awiting "Masdan Mo ang Kapaligiran," na hango sa collective album na pinamagatang "The Best of Pinoy Folk."

Tunghayan naman natin ang mga SMS...

Sabi ng 919 302 3333: "Maraming kaguluhan, maraming awayan sa mundo, pero lahat ng mga iyan ay makukuha sa mataimtim na pagdarasal. Dagdagan natin ang ating pagdarasal."

Sabi naman ng 917 960 6218: "Bakit hindi natin tulungang palakasin ang mga local industries natin? Makakatulong iyan para maging mas competitive tayo sa world market at dagdag trabaho pa para sa mga Pinoy."

Sabi naman ng 920 950 2716: "Ano ba, Kuya Ramon, ang latest sa conflict ng China at Japan? Sayang naman mga negosyo pati mga trabaho. Marami pa naman ang walang trabaho ngayon."

Sabi naman ng 919 426 0570: "Salamat, Kuya, sa mga padala. Nahihiya ako sa iyo kasi wala man lang akong maipadala kahit maliit na bagay."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart), 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>